Friday, December 22, 2006

Happy Holidays!

Mapayapang Pasko at Mariwasang Bagong Taon!

Monday, October 09, 2006

Creative Fishing.

Naku! Pumapalag pa ang mga isdang napakalaki. Nangangawit na nga ang braso kong itaas at ipakita para malitrato. Mabigat, lalo na pag kumikisay-kisay. Akala siguro nitong isda e makakawala pa sila.

Okay talagang mag-fishing. Maniwala ka, kahit sa dilim ng gabi ay nangahas akong mangisda. Bakit hinde, e gumakagat din daw ang isda sa gabi.

Totoo nga naman, kaya lang ng hilahin ko ang nylon(nylon ang tawag nila sa fishing line dito) nakakawala. Ang laki pa naman. Hehehe. Okay, alam ko nakarinig ka na ng fishing stories. Pero maniwala ka sa akin, ang laki talaga ng nakakawala. Nadismaya nga yumg mainit at kumikirit-kirit na mantika sa malapad na frying pan.

Hinde biro ang buhay ng mangingisda. Maaga pa sa pag-sikat ng araw gumising. Buong araw ay nasa laot ng dagat at madalas, kakaunti o kung malasin e walang huli. Pero bakit ako kailangang ma bad trip sa ganoong kapalaran? Bakasyon ko ito and there is absolutely no reason to be denied. So, ng hinde ako makahuli, pinalitan ko ang pain ng pamingwit ko.

O, yan ang nahuli ko. Ang lalaki! Tatlong daang piso lang ang pain.

Wednesday, October 04, 2006

Trekking

Namundok si Kulas (Agtiua, S.I.)

Saturday, September 30, 2006

Skyscrapers ng probinsya?

Pinas Scenery: Woman and children dwarfed by a forest of tall coconut trees.

Monday, September 25, 2006

Over sabik


Hindi mapakali si Ompong. Pabulong na nagmumura. Paano naman kasi abuso ang traffic. Lalo na't umuulan! Eto ang pic ng traffic sa expressway papuntang Kennedy Airport. Tatlong oras pa bago lumipad ang eroplano ni Ompong, pero akala mo e iiwanan. Over ang pagka-nerbyos. Sino nga ba naman ang hindi sabik na umuwi sa pinas.

Tuesday, September 19, 2006

My Fav Basketball Shoes



Nike Jordan XII. Ito ang paborito kong basketball shoes. May kalumaan na, ngunit may silbi pa. Tinuturing kong matalik na kaibigan ang mga ito: Nariyan pag kailangan. Walang reklamo. Laging handang pangalagaan at ipagtangol ang aking mga paa. Pinapa guwapo pa. Kaya pagdating ng di maiiwasan nitong panahon ng pamamahinga, di ko ito ibabasura. Itatabi ko na parang may halaga pa, tulad ng mga liham ni Lydia. Pero ang sabi ni kulasa, Itapon mo na! Malapit na pasko. Bili kita ng bago.

Tuesday, September 12, 2006

Busy Bee.

When I took this picture I thought that there was only one bee, the one at the top covered with the flower's pollen. But, when I downloaded the picture to my laptop I was pleasantly surprised to see that there were actually two bees.

The flower is not much bigger than my thumbnail. So, you can just imagine how small these insects are.

Friday, September 08, 2006

Blindsided.

Kumikirut ang masakit na ulo niya pagbangon kaninang umaga. Nalasing ang kumag kagabi. Dalawang taon na siyang hindi umiinom, ngunit di niya naiwasang uminom muli kagabi. Biro mo, kahating bote ng black label, beer ang chaser, tapos brandy pa ang panhimagas.

Malamig na shower ang remedyo sa nalasing. Okay din yan kung balisa ka at walang kaabay.

Brrrrr, nangangagat ang malamig na tubig. Akala mo e umuulan ng maututlis na aspili. Maaari kayang gawaing penetensya ito, ang biro niya sa kanyang sarili. Kabayaran sa mga luhang umagos, sanhi ng katigasan ng loob niya?

“Magbabayad ka sa pagka walang puso mo! Darating ang araw ng iyong pagsisisi! Hahanapin mo ang mga pag-ibig na tinalikuran mo!”

Uhumm, langya! Kung ano anong umiikot sa isip niya. Wala namang malinaw na isipin. Puro mga pira-pirasong gunita ng kahapon: mga dapat niyang ginawa, mga masasaya at malulungot na sandali, mga kalokohan ng mapusok niyang damdamin.

Ika labimpito ng Hulio. Anibersaryo ng pag-lisan ng kanyang kabiak! But that was more than two years ago. Nakalimutan na niya ito(akala niya). Ngunit kagabi, bisperas ng anibersaryo ng huli nilang pagsasama, sa di maipaliwanag na dahilan, nabalot siya ng kalungkutan. Kinailangan niyang magpakalunod sa alak upang makalimot.

Mga damdaming pinagkait at binaun sa kaibuturan ng loob, nangingibabaw sa pitik ng di inaakalang pahiwatig. Hagupit mula sa bulag na bahagi ng paningin.

Sunday, September 03, 2006

Laging bisita.

Ang bilis ng araw. September na kaagad.
Hindi mapagkakaila sa nagdidilaw na dahon ng mga punong pumapaligid dito na patapos na ang summer. Eto ako, sa makulimlim na umaga. Iyan, at nakalong sleeve na nga. Malamig na kasi ang simoy ng hangin, datapwat may ilang araw pang tag-init na natitira.

Ang tag-init ay napaka saya. Ang ginisnan kong Pilipinas ay lagi kong naaala-ala: Ang amoy ng aming kusina, mga ipis na di mapuksa, ang ihip ng hangin sa manipis na damit ni Nena, pinapakita ang balinkinitang katawan niya. Bakasyon sa probinsya. Mahabang tulog sa hapon at umaga. Nakapaglalaway na pagkain sa pista. Naka aaliw na mga parada. Outing kamasa ang mga kaibigan at nobya. Talagang kahali-halina.
Kung sa bagay, ganyan rin ang gawain dito tuwing tag-araw. Kaya lang may pag kaiba ang pakiramdam. There is something missing. Hindi ka lubusang mapalagay. State of mind lang kaya ito? Malamang, hindi. Ang mamuhay sa ibang bayan ay tulad ng isang bisita. Hindi mo magawa ang lahat ng gusto mo. Kailangang makisama at makibagay ka. "When in Rome, do as the Romans do!" Iyan ang kasabihan, hindi ba?
Ang sabi ni Mr. Cruz sanay na siya rito sa US, ngunit hindi niya mapagkaila ang kanyang pag-kaiba. Dahil bihira siyang umuwi malaki at nakabibiglang pagbabago ang nakikita niya sa atin. Hindi niya matangap ang malaking kaibahan ng pamumuhay sa atin. Ang tindi ng traffic, ang dami ng tao sa lunsod, ang nangangagat na init, ang kahirapan ng buhay, etc., etc., etc. Wala na rin siyang masasabing mga kaibigan at kamaganak doon. Nabibilang na ang mga ito sa mga nadiasporang pinoy.
Kailangang makibagay siya. Ang hirap nito, ang sabi niya. Pag nasa pinas ako, mag Isip pinoy ka, ang sabi nila. May nakaugaliang Amerikano na kasi ako. Dito naman, think American ang sinasabi, dahil lumalabas at lumalabas ang pagka-pinoy ko. Sa pakilasa ko tuloy, doon at dito, para akong laging bisita. Para akong laging nasa Roma.

Monday, July 17, 2006

C YA L8TR ALG8TR!

Out to lunch.
A very long lunch.



Out to Lunch.
A very long lunch.


--- C YA L8TR ALG8TR! ---

Friday, July 14, 2006

Joc joke Only

Ferti-Scam Celebs



Sa palasyo, abala si ate glo sa pag-hahanda ng hinaharap niyang paglakbay sa brunei. Sabik siyang makipag party sa royalty.

Nabagabag siya sa mga pangyayari na tinawag niyang katangahan ni jocelyn at ang kalokohan ni mike. Ngunit nilagay niya ito sa likuran ng kanyang isip. Mas mahalaga na manatili siyang nasa trono pag-uwi niya.

Pinulong niya ang kayang mga bata upang bilinan ng kanilang gagawin.


Saturday, July 08, 2006

Ala Komiks


Click on the images to see what's going on behind it.



All by myself
All for myself
World Cup vacation
At the World Cup
Enjoying the fresh air
Enjoying the fresh Air

Thursday, July 06, 2006

E-mail.

Malayo ang tingin ni Temyong. Nakatitig sa tanawin ng kanyang bintana. Malalim ang kanyang iniisip:

Ano kaya ang magyayari kung malaman ni Perla ang tunay niyang katayuan? Ilang buwan na silang naguusap sa pamamagitan ng email. May unawaan na maaring sabihing tunay na pag-kakaibigan. O kaya… Pag-ibig!

Pag-ibig? Ha, ha, ha. Nangangarap ka Temyong! Sa kalagayan mong yan? Sino ang iibig sa iyo? Hindi mo nga maalagaan ang sarili mo, naghahanap ka pa ng aasikasuhin? Hindi biro ang pag-ibig. Ang kaligayahan ay hindi lamang nadadala sa magagandang salita o ulirang sumpa. Kabahagi nito ay ang kasiyahan na maibibigay lamang ng isang malakas at buong katawan.

Naging bahagi na si Perla ng buhay ni Temyong. Inihayag niya kay Perla ang kanyang mga pangarap sa buhay, mga bagay na nakatago sa kaibuturan ng kanyang dibdib. Malaki ang kanyang pananalig at tiwala kay Perla na hindi siya susumbatan o hahatulan nito.

Ngunit sa araw na ito, nangamba siya ng mabasa niya ang email ni Perla:

Hi Temyong, nasiyahan ako sa istorya ng email mo. Sino nga ba ang mag-aakala na ganoon ang mangyayari, that a blind, disabled man could win the heart of a beautiful, sensible girl. It may not be practical in real life, although, talaga naman, love conquers all! Kung sa bagay, all's well that ends well. Hindi ba?

Siya nga pala, it’s been a while since our first email. By now, you may be curious about how I look. So, I thought I'd surprise you. I attached a picture :-). That's me, the one in the white dress. Yong naka blue jeans naman ay si Jennifer, my best friend. Siya ang nag suggest na i-share ko ang pic namin sa iyo. I hope you like it.

Ciao!

P.s.

You don’t really have to, but I would really like to see a picture of you, too.

Yang huling pahabol ang ikina bahala ni Temyong. Sa katunayan, matagal na niyang gustong makita ang larawan ni Perla. Ngunit naglalaban ang kanyang isip humiling sapagkat alam niya na kinakailangang handa rin siyang ipakita ang kanyang sarili. At ngayon, naipit siya ng pagkakataon. Ang pahele-hele niyang kagustuhan ay pinagbigyan na parang biro na hindi niya inaasahan.

Ang dating malusog na katawan ni Temyong ay sumuko sa sakit. Lumaganap ito sa dati niyang maganda at maamong mukha. Marahil may dahilan siyang itago ito kay Perla. Natatakot siyang mawala si Perla sa kanyang buhay?

Ano sa palagay ninyo ang dapat gawain ni Temyong and why?
1) Ipakita ang tunay at kasalukuyan niyang larawan.

2) Ipakita ang luma niyang larawan - ng kalusugan niya.

3) Ipakita ang larawan ng modelo na nilakip sa pitaka niya ng bago pa ito.

4) Gumawa siya ng dahilan sa pag-asang hindi ulitin ni Perla ang kanyang hiling.

5) Mag patay malisya siya. Kunwari hindi niya nabasa ang hinling ni Perla.

Monday, July 03, 2006

Malamok.

Soho@night
Taking it out on somebody else. Guilty ka ba niyan? Sino ba ang hindi? In one form or another, merong kawawang kaluluwa ang tinamaan niyan. Hindi na kailangang mag quote pa ng expert opinion or scientific study dahil alam na natin yan.

Isang araw, sa inis, sinipa yung tuta! Bakit? Ewan! Bad day at the office? Maybe? Sorry, tuta… Here tuta, aw, aw, aw. gourmet tuta Chow na de lata. He, he, he. Buti na lang madaling amuin ang mga tuta. Hindi tulad ng mga kulasa na kumakasa.

Si kulasa, pagka na somebody else, may platong lumilipad pabalik. Pag siya naman ang ng somebody else, may irap pang kasama o kaya naman, bigla na lang umiiskapo. Nagpapa-hangin lang daw sa Soho o Roma kaya (lol). Pero di bale na si kulasa dahil masarap siyang makipagbati, after, naloko ka.

Ang extreme manifestation nito ay tulad ng nangyayari sa Gitnang Silangan. Di ko na i-expound. Obvious naman at masyadong malungkot ang kaso.

Sa Pinas politika kaya, paano takbo nito? Hmmmm...

Tulad sa mag-asawa, outside the kulambo si mister. Di bale na kung sino ang ng taking it out. Bakit mahal, ano nagawa ko? Ang tanong ni mister. Tse! Kung di mo alam ang dahilan, di ko ma e-eksplain sa iyo! Ang sagot ni mahal.

Of course, one can say simple case of tampuhan yan. Pero no matter the reason, dedbol si mister outside the kulambo.

Malamok!

Sunday, July 02, 2006

Summer at the park.

Kids don't seem to mind the 90 F temperature. We're having more of the same tomorrow!

For a larger image, click then click expand to full size at bottom right of picture.
On the other side of the park, there's a softball game going on. Looks like a base hit!

Wednesday, June 28, 2006

Wrong number.

Alas onse ng gabi:

Telepono: Kililing... kililing… kililing…

: Hello...

Tinig ng babae: Ano ka ba naman? Sabi mo magkikita tayo. Ang tagal, tagal ko na naghintay sa iyo. Hindi ka sumipot! Bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Bakit mo ako ginaganyan? Ano ba ang nagawa ko sa iyo?

: Hello? Sino po sila?

Telepono: Click.

Hmmmm... Sino kaya yun? Kawawa naman. Parang nagsusumbong ang pag-reklamo. Tsk, tsk. Mahirap ang pakiramdam na ganyan: galit dahil binabali-wala. Alam niyang mali ang ginawa sa kanya, ngunit sukat ang kanyang salita. Pigil ang reklamo. Nangangambang siya pa ang pagalitan. Baliktarin ang pangyayari at siya pa ang sisihin.

Sino kaya yung tinatawagan niya?
Hmmmm... Matawagan nga si B. Gising pa sana siya.

Telepono: do re la mi so me... kililing... kililing...

: Hello... Hello... Hello-oh!

Kabilang linya: Yes?

: Hi! Ling? I just called to say hello. I hope that I didn't wake you. Guess what? Someone called my number by mistake...

Kabilang Linya, interrupting: What number are you calling?

: Oops, sorry.

Telepono: click.

Monday, June 26, 2006

Wednesday, June 21, 2006

Kwentong batuta.

Nung maliit pa si Pepe maraming kahiwagaan siyang pinaniniwalaan, lalo na yang mga aswang at kung ano pang maligno diyan. Isang araw tinanong niya ang isang pari kung may katotohanan ang mga bagay na ito. “Pepe, kung ano man ang mga yan, walang mas makapangyarihan pa sa Diyos. Kaya, magdasal ka at walang kapahamakan ang mangayayari sa iyo,” ang sabi ng pari.

Kamut-ulo si Pepe dahil lagi naman siyang nagdarasal. Lalo na ng gabing mapanood niya yung pelikulang "Dracula." Nagdasal siya, ngunit hindi rin siya nakatulog at kahit na maiinit nagtalokbung na lang siya ng kumot sa takot. Baka naman hindi narinig ang dasal ko, ang isip ni Pepe. Di naman kasi importante ang hiling ko. Marahil iyan ang dahilan!

Isang araw sinama siya ng lola niyang reliyosa manuod ng sine. May Tower of Babel sa palabas. Isang pinaka makapangyarihang hari ang nagpatayo ng mataas na gusali upang maabot niya ang langit. Sa ganoon, malalapit at makakausap niya ang diyos. Ng matapos ito, umakyat siya sa itaas at tumawag: "O makapangyarihang diyos narito ako, ang pinaka makangyaring nilalang sa mundo. Hala magkakita ka at harapin mo ako!" Ng walang sumagot, nagalit siya at pinana niya ang langit. (He he he, wala sa kalingkingan ni GMA ang haring ito dahil si GMA kinakausap ng diyos) Nagalit ang diyos at ginunaw niya ang gusali at winatak ang buong sangkatauhan.

O nga ano, kung malapit ka sa langit marinig ka ng diyos, ang sumaisip ni Pepe. Siempre naman hindi ka mampapana kung di ka sasagutin. Huwag kang magagalit. Basta cool lang Pepe, at pagbibigyan ka.

Ng magpista sa kanilang bayan, sumali si Pepe sa palacebo. Bukod sa simbahan sa kapitolyo, itong kawayan na dalawampot-limang pulgada ang haba ang pinakamataas na maaakyat sa palayan, at marahil, kung maabot niya ang itaas, marinig ang dasal niya.

Inspirado si Pepe. Marami siyang ibabalita. Isusumbong niya rin yung pari na walang bisa ang payo sa kanya. “Pepe, Pepe,” ang sigaw ng mga nagmamasid ng paligsahan habang puspusan ang akyat si Pepe. Dalawang beses siyang nadulas paibaba, ngunit parang naingkanto siya at walang humpay ang kanyang pag-akyat.

Ayun! Malapit na siya sa itaas. Halos maabot na niya ang bandera sa tuktuk ng biglang bumuhos ang ulan. Nagdilim ang langit at nakabibinging kulog ang dumagundong. KABROOMMM!
Nagtakbuhan ang mga manonood at naiwang nagiisa si Pepe sa itaas ng nakatirik na kawayan. Mahigpit niyan niyakap at sinipit ng kanyang nangangawit na mga paa ang madulas na kawayan. Pilit niyang inaabot ang bandera, ngunit di niya mabuting makita ito dahil sa hangin at patak ng ulan sa kanyang mga mata. Tila nanghihina na siya. “Diyos ko, tulungan mo po ako!” ang samo ni Pepe.

Hindi niya lubos na maunawaan kung saan nangaling ang kanyang panibagong lakas. Ng hawak na niya ang bandera, dumulas siya paibaba na walang pinsala, datapwat may panghihinayang na hindi niya nagawang magdasal sa itaas. Subalit sa kung ano pa mang dahilan, nadama niya sa kanyang kalooban na hindi na kailangan sapagkat naririnig siya saan pa man.

Monday, June 19, 2006

Unisphere

New York World's Fair Unisphere: Height: 12 stories (140 feet). Diameter: 120 feet. Base: 20 feet. Location: Flushing Queens, New York.

Friday, June 16, 2006

Araw at ulan.

Ang sariwa ng pakiramdam pagkatapos umulan. Pansin mo ba ang paglipas ng malamig na hangin, habang dahan-dahang tinutuyo ng araw ang namamasang ulap? Hayan, may sikat na ng araw sa mga butil na patak ng lumisang ulan.

Friday, June 09, 2006

Puppy Love-iii. Letters

Nilagay na ni kulas sa kahapon ang ala-ala ni Lydia. Maingat niyang itinabi ang mga liham nito na paulit-ulit pa rin niyang binabasa. Mahirap man tangapin inamin na rin niya na wala siyang magagawa. Ayaw na niyang linlangin ang kanyang sarili. Sinuko na niya ang pangarap na magkikita pa silang muli.



Letter excerpts:

From one of her early letters:

Dearest Tamsi,

Papa lessoned me about my feelings for you. He said that I’m silly girl and must think about my future. Study hard, Lydia, papa said. Forget this boy! It’s only puppy love. How can papa say that? He does not even know you…

I cry all the time thinking of you. I miss you soooo much, my tamsi. I love you very, very much.

I’m so sorry I pinch you many, many times because I love u soooo much my tamsi… Maybe you will find another Lydia because I'm far away from you. Please don’t exchange me for Tina. I know she likes you. Tina wants to bf you from me. Bruha naman talaga yan si Tina. Lagi lang alembong!!!!!!!!! Grrrrrrr……….

Tamsi ko, …

Thank you for the card. I put it under my pillow. Like you said, you also put my card I sent you under your pillow. Nag mantsa na nga tinta sa kakakiss ko, tee hee!

...I love the gumamela petals from your mom’s garden. Medyo fresh pa nga.
Remember ko the first kiss sa garden… Remember mo din ba? Hoy, hala ka diyan pag di mo remember!

Write me everyday, tamsi ko. LLK!

Love you forever,
Ning


After a few months, souring notes:

Dear K,

... So sorry you find my letters cold. Di naman cold talaga. Your's naman is like angry. What is my fault? There is no one. Maybe some boy, my brothers friend, likes me, but it's okay. How about you? Nora writes to me saying ...

...It's okay, if you don't like to write me anymore. Maybe you have a new gf. IT'S OK. BE HAPi KA DIYAN!

Hmp,
L



Her last letter in response to Kulas's agreement for a break. Actually, she hinted a break, which kulas did not like, but thought sensible. Yung last lines na lang i-share ko dahil daming hinanakit ang nilalaman. Marahil sa kawalang pag-asa, may alitan sila na wala namang katuturan. Mga hinayang sa mga bagay na wala naman silang kinalaman o magagawa.

Dearest Tamsi,

… I will always have you in my heart. I will never forget you. You will always be my tamsi.

Please don’t forget me too.

Love always,
Ning

P.S.

keep ko letters mo.


Wednesday, June 07, 2006

Katotohanan, Ipagkait.

Napakaganda ng pangitain mula sa bintana ng hotel na tinutuluyan ni Kulas. Sa katahimikan ng kanyang silid, parang sineng walang talkies kung malasin ang mga sasakyan at tao sa ibaba. Akala mo’y mga langgam na sunod-sunuran lamang sa likas nilang katangian. Ng Patayin ni Kulas ang ilaw sa kanyang silid, natiwalag siya sa mundo na kanyang kinabibilangan. Naging tagapagmasid na lamang siya na walang paki sa buhay ng sangkatauhang kanyang pinagmamasdan.

Napakasuerteng pakiramdam ito. Tahimik na tagapagmasid: Walang hirap at pasakit. Walang hinagpis at kabiguan. Malayo at tiwalag sa pang araw-araw na gulo sa mundo!.

Nang Huwe, ang OA naman nare!

Mga kablags napundi si kulas ng magawi siya sa Inq7. Sang katutak na namang kabalbalang balita ang nabasa niya. Nabulabog ang kanyang masagana at masayang mundo. Nadistorbo ang kuntento niyang kalagayan. Nawalan siya ng ganang kumain, hindi dahil sa masakit ang kanyang ngipin, ngunit dahil sa mga sawing palad sa minamaahal niyang bayan.

Mga mangingisdang sawi dahil sa mercurying lason na kumalat sa kapabayaan ng banyagang nagpautang ng ilang milyong dolyar sa pamahalaan ng magiting nating pangulo. .

Malabo ang kinabukasan ng ‘pag-asa ng bayan’. Malamang na mangulelat sa paligsahan ng talino sa mundo. Higit sa isang daang istudyante ang pilit na sinisiksik sa silid paaralan dahil sa kakulangan nito. Ano ba yan? Sa halip na aminin at bigyan lunas ang kamalian, pinagalitan at hiniya pa ang tagapag balita, ang naatasang sumuri ng pangangailangan! Masyado namang kapal muks yan!

Ipagkait ang katotohanan. Iyan ang sagot ng kinauukulan. Gawaing mangibabaw ang kasinungalingan. Iyan ang magandang halimbawa ng nagbibida-bidahan!

Ano naman ang magagawa ni Kulas? kinlik niya ang daga at viola! Nawala ang problema.

Nawala nga ba?

Tuesday, May 30, 2006

Walang Clue

So, malapit na ang fathers day. O, yang mga mapapalad na anak diyan na kilala ang ama nila ihanda na greeting cards, regalo, ang sasabihin sa long distance call, o kaya naman ang pag-bisita sa sentemeryo.

Teka, sandali lang. Kailangan ba talagang bumati? E, papaano kung di mo ka-vibes ang erpat mo o kaya naman ay hindi niya ginagampanan ang tungkulin niya bilang ama? kailangan din bang mag masabi ng happy fathers day?

Kung sabagay, madaling sabihin yan, kahit hindi mo inaamin. Sabihin mo na para walang gulo. Masasabi ko sa iyo na kahit na anong hinanakit mo sa tatay mo, sa kung ano pa mang dahilan, tatay mo pa rin siya. Dito ginagamit ang tinatawag na white lie. Baka matawag ka pang walang utang na loob, itim na tupa, suwail na anak at kung ano ano pang di magandang pakingang salita.

Iisa at iisa lamang ang tunay mong ama, yung biological father. Datapwat, maari rin naman na iba ang gumagampan ng tunay mong ama. Narinig mo na ba ang salitang, siya ang tatay ko, ngunit siya ang tatay ko. Ano ang kaibahan ng una sa pangalawa? Di ko na siguro kailangang ipaliwanag pa. Alam ko na alam mo kung ano ibig sabihin nito.

So, anong pahayag ng kuro-kurong ito?

Si Monching ay malapit kong kaibigan. Ang tatay niya ay isang marangal na tao. Hindi siya santo, ngunit higit siya kaysa ibang magulang. Dinamitan, pinakain, at pinaaral niya si Monching. Binigyan ng pangalan at bahay na matatawag na tahanan. Datapwat, sa tanang buhay ni Monching, hindi silang dalawa nagkaruon ng panahon na pinagsaluhan.

Hangang lumaki si Monching, hindi sila nagkaruon ng pagkakataong magusap na mag-ama. Wala siyang bagay na masasabing, ito ang natutunan ko sa tatay ko. Wala siyang sapat na halimbawa o kasangkapan sa hinaharap niyang katungkulan. Kapos-kapalaran, walang clue ang tatay ni Monching kung sino si Monching.


Happy Father's Day!


Friday, May 26, 2006

OFWs, USA

Kamusta buhay-buhay diyan sa inyo, mga kapatid? Panay ang kayud ano? Kailangan kasi mag-remittance sa Pinas. Kung hindi, baka walang tigil ang kililing ng telepono. He, he, he, joke only, although that is part in the life of OFWs - the unspoken or newly discovered heroes ng Pinas, if not saviors of GMA’s economic development claims.

Ang buhay ng OFWs dito, according to Kulas, is not much different from those elsewhere in the world. The places change, but their stories remain the same. Here are glimpses:

Kahapon, nag-wire na naman ng pera si Aleng Lucing na pambayad ng gastos sa ospital ng apo niya. Kahit matagal na dapat siyang retirido, sige pa rin ang trabaho niya. Gusto niyang maka-ipon ng sapat upang tuluyan na siyang makauwi. Kaya lang lagi na lang may humihingi ng tulong niya. Isang taon na lang at makaka-retire na ko sa atin, ang sabi niya. Iyan din ang sabi niya last year, and the year before that, and the year before that.

Si Malou naman na TNT(tago ng tago), nakaipon na. Walang nakakalam kung saang lupalop na siya napadpad, pero nakabili na ng lupa sa Bulakan sa pagba-baby sitter. Titser siya sa Pinas. Ng umattend siya ng conference dito, di na siya umuwi. Ang huling balita ay nakipag hiwalay na siya sa kanyang asawa. Napundi na siguro sa kakapadala. Good time ni Mr., hard time ni Mrs.

Eto naman si Anthony (Tonying sa atin) hiniwalan na ang asawa, na siyang nagpadala sa kanya rito. Sumama sa kana. Nagpahaba na ng buhok at naka-pony tail pa. Bumalik sa pagka-binata at panay ang kanta sa karaoke bar. “Elvis kasi boses ko,” sabi niya. Hinde nagtagal, siya naman ang iniwan ni kana. Katawang Tonying, hanggan ngayon may litrato pa ng kana sa pitaka niya. Yan ang gelfren ko, ang pinagyayabang niya.

Si Melba naman ay sa boarding house nakatira, pero ang laki ng Bahay sa Caloocan. May dalawang otto, tsuper, tatlong katulong at sa pribadong paaralan pa ang pinapasukan ng mga anak. Hindi nga lang niya ma-enjoy ang kanyang pinaghihirapan dahil hindi siya makauwi sa takot na di na siya makabalik dito.

Si Efren na makisig ay ikakasal sa isang Puerto Ricana. Malaking surpresa sa amin yan. Actually, surpresa din sa kanya dahil di niya akalain na ang iniiwasan niyang babae ang mapapangasawa niya. Hindi naman hidden love revealed yan. May isang hayop na nagsuplong na TNT si Efren. Ng mahuli siya, ang iniiwasan niyang tagahanga ang sumaklolo sa kanya. Sige na lang, ang sabi niya. Buti na 'to kesa, gutom(nothing doing) sa Pinas.


Happily, may kasiyahan rin ang buhay nila, at marami ring success stories. Usually, ang mga ito ay may mga sariling pamilya na rito at walang masyadong inaalala sa pinas. Either mahusay ang kabuhayan ng pamilya nila sa atin in the first place, o kaya naman narito na silang lahat.

Marami rin ang ayaw ng umuwi sa atin dahil nakasanayan na nila ang buhay rito. Pwede rin namang ma assimilate dito ng walang problema. Live and let live, ika nga. Just be prepared to be discrimated against once in a while. Like it or not, HINDI na mababago yan. Talagang ganyan ang buhay.

Mayroon din namang gustong maging kano mas pa sa puting kano. Maybe it’s just me, but lets face it, kahit na anong galing mo at kahit na Amerikano, Britano, Frances o ano pa mang citizenship ang sinasabi sa passport mo, pinoy pa rin ang pagmumukha at ugali mo.

Anyway, ang talagang nakakainis ay ang mahirap at kawalang pag-asa ng kalagayan ng bayan natin. Iyan ang dahilan ng tinatawag na pinoy diaspora, ang pagkalat ng pinoy sa ibat-ibang bayan. Ayaw kong mam pulitika pero hindi maiwasan. Magbago naman sana ang mga walanghiya diyan sa gobierno natin. Mga P’tang-na niyo, puro kayo swapang!

He, he, he. Pasensya na ha.

Tuesday, May 23, 2006

Panampalataya.

May isang kalbo at maitim na lalake na nakaupo sa sofa. Nakapantalon siya ng itim na Levi jeans at wala siyang suot na kameseta. May nakapagtatakang ngiti ang kanyang mga labi at nakatingin siya sa isang nilalang. Sa bandang kanan niya ay may television. Hinde mawari kung anong palabas ang pinanonood niya.

Sabi niya:

O, ano! Ang akala mo ay alam mo na ang lahat. Ano ang ginawa mo! Wala kang pinaniniwalaan! Hindi ka nakikinig at hindi ka mapagsabihan! O, ano ngayon! Ano iyang ginagawa mo at Ano ang gagawain mo?

Tiningnan siya ng nilalalang. Sinuri ang mga pahiwatig sa pagitan at likuran ng kanyang mga salita, at nagtanong:

Sino ka ba? Akala mo kung sino ka kung magsalita! Hindi ba isa ka ring hamak na maitim at pobreng tulad ko?

Sumiklab ang nakasisilaw na ilaw mula sa television. Lumaganap ito na parang di mapigil na apoy sa tigang na gubat. Kumunsumo ito sa mamang kalbo, at sa kawalan ng buong kalibutan, umusbong ang malinaw na kasagutan:

Hindi siya maitim! Wala siyang likas na kulay. Siya ay kung sino o ano mang bagay na kanyang magustohan! Nagaalinlangan ka pa ba? Wala ka bang panampalataya?

Siya ang iyong pinagmulan!

Wednesday, May 17, 2006

PI Blues.

Ang haplos ng agos sa baybay dagat ay mahalina. Ipikit mo ang iyong mga mata - Dinuduyan ka. Ang langit ay puno ng estrella. Dumilat ka, mga perlas ng langit nagsasaya.

Gusto ko ang ulan. Ang tumayo sa gitna ng bukid, tumingala sa langit, pagmasdang at ramdamin ang mga patak nito sa aking mukha. Gusto ko ang kidlat. Matyagan gumuhit ang matindi at nakasisilaw na ilaw sa maulap na langit. Gusto ko ang kulog. Ang makabinging dagundong na gumugulong, hilaga hanggan katimugan, silayan hanggan kanluran.

Halos walang tao dito. Nakapag-iisa ako: Lumalangoy na hubad. Sumisigaw na parang baliw. Nagdiriwang kasama ang mga anino at balang ng gabi. O kay saya ng malaya sa paningin at isipan na banyaga. Bayan ko. May P.I. Blues ako.
~~ o ~~

Monday, May 15, 2006

Puppy Love-ii

Flashback.
Mahilig sa lumang pelikula si Lydia, lalo na sa mga trahediya - yung malungkot ang ending. Pag-dating sa eksena'ng huling paalam ng bida, nagtutubig ang kanyang mga mata at pasinghut-singhut pa, "Hikbi," ang iyak niya. Okay lang naman, sapagkat sa dibdib ni Kulas siya umiiyak. Ang masakit diyan ay si Kulas rin naman ang tinatamaan ng pagka inis si Lydia sa kontra-bida, “Umm(kurut), huwag mong gagawin sa akin yan ha!” ang babala niya kay Kulas.

Mahilig rin si Lydia sa practical jokes. Tulad halimbawa, noong nasa restaurant sila ni Kulas. Nagpaalam siyang pumunta sa ladies room. Mahinog-hinog na si Kulas sa kakahintay sa tagal ni Lydia. Nag-alala si Kulas at hinanap na siya. Pati na yung waiter ay tumulong sa paghahanap. Haggang sa labas at paligiran ng restauran, di nila makita.

Kung ano-anong lagim ang pumasok sa isipan ni Kulas. Naku, baka nakidnap si Lydia! Tatawag na sana sila ng pulis ng makita ni Kulas si Lydia, sa loob mismo ng restauran! Madali siyang bumalik doon upang alamin kung ano ang nangyari. Nagulat na lamang siya ng salubungin siya ng galit si Lydia. Naka pamaywang pa ito at mukhang kakain ng tao ang itsura.

“Kulas, ano ka ba? Saan ka nagpunta? Kanina pa ‘ko naghihintay sa iyo dito!” Nalito si Kulas. Siya na nga itong hanap ng hanap kay Lydia, tapos siya pa itong sinasabing nawala? Kamut ulo si Kulas, at bago siya nakapagsalita, biglang tumawa si Lydia at sinabing, “Got you!” Gusto sanang pingutin ni Kulas ang cute na ilong ni Lydia, ngunit napatawa na lang rin siya.

Trahediya.
Magandang balita ang pagdating ng ama ni Lydia mula Borneo. Nagkaroon ng party sa kanila, at siempre nakasingit si Kulas dun. Masaya ang pagdiriwang, ngunit doon nalaman ni Kulas na mag-aalsa balutan sila Lydia. Lilipat sila sa Borneo.

Parang nadismaya si Kulas. Wala siyang masabi. Alam niyang wala siyang magagawa upang maiwasan ang pagdating ng di mapipigil nilang paghiwalay.

Namasyal ang kanyang paningin sa nakalipas nilang masasayang araw. Sa kanyang isipan, umiikot na parang ipo-ipo ang palatandaan ng mga paboritong trahediyang pelikula ni Lydia. Nagpapaalam ang dalawang protagonista sa huling eksena ng trahediya. Magpapaalam si Lydia, at kaibahan sa practical joke na ginawa niya kay Kulas sa restauran noon, sa pagkakataong ito, tuloyan na siyang mawawala.

Epilogue
Malungkot ang kanilang paalam. Nasa gunita na lamang ang mga masasayang araw. Sa panahon ng kabataan,, hindi kanila ang sariling buhay. Marahil, isang kasawian, ngunit pansamantala lamang. Sapagkat sa darating na kinabukasan, masaklap man ang dinaanan, matibay itong sandigan.

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Pag-ibig ko ay lagging nariyan. Hindi man ako ang kahinatnan, maniwala ka, mahal ko, sa puso ko, ikaw ay nariyan. Paglipas ng panahon, makatagpo ka man ng ibang hirang, Ang ating kahapon, hindi ko malilimutan.

Si Lydia, ngayon.

Friday, May 12, 2006

Puppy Love

Labing-anim si Kulas ng panain ni Kupido. Bagong pakiramdam ito para sa kanya: sabik, di-mapakali at maalinlangan. Tatawagin ko na lang sa pangalang Lydia ang sanhi nito. Di naman siya kagandahan. Medyo chubby pa nga at sungki ang isang ngipin. Pero, kinakabahan si Kulas tuwing makita niya si Lydia. Natatakot pa ngang kausapin, sa pangamba na may masabi siyang engot.

Kahit anong pilit, hindi maitago ni Kulas ang niloloob niya. Kaya madalas siyang tuksuhin ng mga classmates niya. “Uuy, si Kulas may gusto kay Lydia,” ang biro nila. Pati na rin si Lydia, na may pagtingin din kay Kulas, ay nakikitukso. “Hi, Kulas,” ang malambing na bati niya. Dahil shy si Kulas, mautal-utal ang mga sagot niya.

Isang hapon, nag-lakas loob si Kulas na ihatid si Lydia pauwi. "Cool ka lang Kulas, huwag kang sabik, be yourself, huwag kang tongo," ang sabi niya sa kanyang sarili. Sa ingay at dami ng tao sa lansangan, sa pakiramdam ni Kulas, silang dalawa lamang ang naroroon. Dinig niya ang bawat salita ni Lydia. Pansin ang bawat sulyap. Ramdam ang bawat galaw at hinga nito.

Mula noon, lagi na niyang inihahatid si Lydia pauwi, hanggang sa makursunadahan at magulpi siya ng mga istambay doon. Binigyan siya ng black-eye at muntik na siyang ma-ospital. "Huwag ka ng pupunta dun. Napaka bata mo pa. Puppy love lang yan. Huwag kang mokong, Kulas!" ang payo sa kanya.

Hindi ba kailangang kumain ang gutom, uminum ang uhaw, matulog ang inaantok? He, he, he, actually, yan ang sabi ng nanay niya, "matulog ka na lang Kulas para di ka mapahamak." Hinde nawalan ng loob si Kulas. Maliit na kabayaran ang bukol sa maiinit na haplos ni Lydia. Hinde niya matitiis ang kirut ng kanyang dibdib. Si Kulas pa, e ang tigas ng ulo niyan!

Hindi nagtagal, umoo na si Lydia. Mula noon, laging naroon si Kulas sa bahay nila Lydia. Nakabantay naman lagi ang lola at nanay ni Lydia. Pati na yung kuya ni Lidya na puno ng tatoo ang braso ay naka estambay din. Kung minsan, naiisip ni Kulas, na baka ang kuya ni Lydia pa nga ang nag-pagulpe sa kanya(di naman pala, he, he). Sa plus side, paminsan-minsan, pinapadama ni Lydia si Kulas. Pinapa-second o third base, pero walang home run.

Masaya at parang walang hanggan ang kanilang ibigan, ngunit sa di maipaliwanag na dahilan, kinalakihan nila ito at paglipas ng panahon, they went their separate ways - good friends.


Wednesday, May 10, 2006

Gamugamo



Ang padpad ng hangin nasa aking paningin.
Kung minsan matamis, kung minsan maasim.

Kailangan pa ba na laging usisain,
kung ang lasa sa labi ay masarap lasapin?

May gamugamo, kuwela ang isipin.
Malimit una sa aking panauhin.

Matamis ang salita, masayang kausapin,
ngunit may layunin mahirap unawain.

Iwasan mangahas na si Kulas ay pilitin.
Huwag matulad sa gamugamong mausisain.

Monday, May 08, 2006

Congrats Kulas.

Noong mga nakaraang linggo, marami akong blog na nabasa ukol sa graduation. Isa na diyan yung nangyari sa graduation ceremonies sa Cavite State University na ang guest speker e si Gloria. Okay yun ha, pero hinde ukol diyan ang salaysay ko ngayon.

Ano ang graduation sa atin? Hindi ba family affair yan? Plantsado mga damit at kung minsan naka-hairdo pa nanay, hindi ba? Okay, talaga naman ganyan. Kahit na mga kaklase ko, buong mag-anak kasama. Ang dami pang kuhaan ng litrato ng pamilya, titser, kakalase, at kung ano-ano pang gimikan. E si Kulas, papaano graduation ni Kulas?

Noong nag-graduate ako ng elementary school (grade 6), solo lipad ko. Ako lang mag-isa. Bihis, siempre! Naka-pomada at naka burdahing barong pa nga. Kaya lang walang nag-attend. Ako lang. Paano nangyari yun? Sa totoo lang di ko na rin maalala kung ano dahilan.

Medyo malungkot isipin, pero sa pagkakataong iyun, di ko na inisip na
malungkot. Basta pumunta na lang ako mag-isa. Hindi naman kasi kalayuan ang eskwelahan sa bahay namin. Nilakad ko na lang. Pagdating ko doon, nakita ko si Romy, ang best friend ko, at ang dalawa niyan nanay(ibang istorya naman yan). Doon na lang ako umupo sa tabi nila.

Pagkatapos magsalita ng kung sino-sinong importanteng tao na di naman namin kilala, tinawag kami sa intablado at binigyan ng diploma. Actually, kopon-bond lang na nirolyo na may laso, dahil di pa yata naimprenta ang tunay na diploma.

Pagkatapos ng seremonya, “Congrats Kulas! Halika, sumama ka sa bahay namin. May handaan,” ang sabi ni Romy. “Hindi ako pwede, Romy. May handaan din dun sa amin,” ang sagot ko. Alam mo na, palusot si Kulas.

Umuwi na ako. Pag dating ko ng Bahay… Pili kayo ng ending:

* Walang tao. Nag-kalituhan. Nahuli silang lahat sa graduation. Hinahanap nila sa Kulas dun,
kaya walang tao sa bahay.

* Naku! Ang daming tao. May surprise party pala si Kulas.

* Isang karaniwang araw sa tahanan nila Kulas. Parang walang nangyari. So, nag-graduate si Kulas, Good!

Thursday, May 04, 2006

Pepsi.

Some things bring back old memories. It could be anything, a word, a sound, a picture or maybe something that tickles your nose. It is curious, however, that what we remember may have little to do, if anything, with what inspired us to reminisce in the first place. Kind of strange, huh? Anyway, to humor myself, I sometimes try to make sense of the situation:

Sabi ni Joe, hindi niya mawari kung ano ang dahilan ng pag-break nila ni Jane. Hindi naman daw siya nagkukulang sa kanyang pananalita. "Kailangan sabihin mo and nasa isip mo. Gusto nilang malaman ang pakiramdam mo! They feel insecure if you don't talk," ang patuloy niya. Hinde ba tahimik ngunit mapanganib ang “in” sa mga babae. Salungat yata sa postulasyon ni Joe na kelangan madada. Baka naman nasa tiempo o situwasyon ng pananalita.
Teka, ito pala naalala ko:

May nakaparadang Pepsi Cola truck sa Avenida Rizal. “Pepsi Cola is the drink for you,” ang kanta namin ng kapatid ko. Iyan kasi ang lagi naming naririnig na jingle sa radio noon. Di namin agad napansin may PR man pala ng Pepsi Co. dun.

PR Man, nakangisi: That’s very good, Boys! Listen, I will give you a case of Pepsi, if you can tell me what makes Pepsi the best soft drink in the world!
Kami, excited: Because it tastes good!
PR Man, pailing-iling: No.
Kami, di na kasing excited: Because it quenches your thirst?
PR Man, medyo serious ang tono: Nope, Ok boys, make it good, last chance!.
Kami, kinanta na jingle. Wala ng maisip, e: Because... Pepsi Cola is the drink for you!
PR Man, parang pilosopo: Nope. Quality! Quality makes Pepsi the best soft drink in the world!

Pag-sulong ng truck, natawa na lang kami ng makita namin ang mahiganteng salitang “Quality...” na nakasulat sa likuran ng truck.

So ano ang kinalaman nito sa kwento ni Joe?
Sino makapagsasabi kung ano ang tunay na dahilan ng alitan nila? Ang payo ng pundits e, "talk it out." Sabi nila: Ang madalas na dahilan ng pag-aaway ay ang pagkukulang ng communication. Nababaun ang hinanakit, at pag lumabas ito sa di tamang pagkakataon, bakbakan ang resulta.

So, kung ano man ang problema, kailangan pag-usapan ng mabuti, and needless to say, "What makes Pepsi Cola the best soft drink in the world," ang dapat na katangian ng usapan.

Gets mo...? He, he, me tama ba o mintis. Sabi ko sa pasimula pa lang, maaaring malabo relasyon, di ba?

Tuesday, May 02, 2006

Dalaw ni Ate.

Pagod si kulas kaninang umaga. Kagigising lang e pagod na kaagad. Nadapuan yata ng tamaditis. Di na dapat ganito... Hayyyy, ng pusa, oo! Ayaw pa talagang gumising ni Kulas. Ang galing kasi ng panaginip niya – lumilipad.

Mahiwaga ang panaginip. Sa pag-tulog, hinde mo masiguro kung mananaginip ka o kung ano ang mapapaginipan mo. At sa panaginip, nakikita mo ang sarili mo, pati na rin ang mga taong matagal mo ng di nakikita. Oo nga, pati na yung nasa kabilang buhay.

Paglipas ng ilang araw ng pagpanaw ni Ate, binisita niya ako sa aking panaginip. May tinig akong narinig na bumulong sa akin, “Kulas, nariyan si Ate, o!” Ng lumingon ako, nakita ko si Ate, nasa isang duyan, at nakangiti sa akin. Ang linaw ng kanyang magandang mukha. Walang bahid ng dinanas na pagdurusa noong mga huling araw niya.

“Kulas, huwag ka ng mag-alala. Okay na ako,” ang sabi niya.

Ate! Ang sabik na sigaw sa loob ng dibdib ko. Gusto kong marinig niya ang tawag ko, ngunit pinipigil, ayaw lumabas sa bibig ko. Sa aking galak na makita siyang muli, gusto ko sana siyang yapusin, ngunit nagpapaalam ang kanyang tingin, at sa isang kisap-mata, wala na siya.

Hinde ko mawari kung ang kawalang pag-asa na makatulong lunasan ang napakahirap niyang sakit ang sanhi ng aking panaginip. Laging nasa likod ng aking isipan ang kanyang paghihirap, lalo na noong mga huling araw niya dito sa lupa. Marahil, alam ni Ate ito. Marahil ito ang dahilan ng kanyang pagdalaw sa aking panaginip. Marahil, gusto niyang ipalagay ang loob ko at ipaalam na mabuti at masaya ang kanyang kalagayan sa langit.

Monday, May 01, 2006

Sunday, April 30, 2006

Higit sa Isa.

Alam mo ba, nantutukso ka?
Talaga? Hinde ko naman sinasadya.
Hindi ko lang mapigil magsalita.
Tumatawag ng pansin, magpapuna.

Alam mo ba, ang boladas mo?
Hinde ko maipagkakaila.
Nararamdaman ko kasi ang damdamin niya.
Kasalanan ba kung ang kayang mga luha ay aking ipagdusa.

O kay hirap ng may damdaming ulila.
Humahanap ng damdaming mag-aaruga.
At sakaling damdamin ko ay aking makita, pagdamay ang diwa.
Unuwain mo ako. Gusto kong malaman mo. Ikaw ay Ako.

Ano ang sakuna? Kung ang dalawang damdamin
kahit katawan ma’y nagkakalayo at hindi nagkikita.
Hindi man tagumpay at wagas na ligaya
Sa damdamin man lamang ay mag-sama sila. Masama ba?

Alam ko, hinahamak ang umibig sa di lang isa.
Kinasusuklaman, sinisipa, sinasabing salawahan ka!
Para sa akin, ito ang parusa.
Ang umibig ng maraming kulasa.

Friday, April 28, 2006

Kung oras na.

Naglakwatsa ako kahapon. Pumunta ako sa park para maglaro ng basketball. Ang ganda kasi ng araw. Isa pa, magandang pagkakataon para magamit ko yung mga bagong damit-panlaro kong nabili last year. Sale kasi, hehehe.

Guess what? Naroroon din si George. Naglakwatsa rin ang kumag. Pa shooting, shooting kami ng dumating ang isa pa naming kalaro, si Chao. Binalita niya na namatay ng atake sa puso si Isat! Si Isat ay ang namamahala ng park sa amin.

Kawawa naman. Ang sipag, sipag pa naman. Laging malinis ang basketball court pag nariyan siya. Paminsan-minsan pa nga binibigyan pa kami ng malamig na inuming mineral water. Talaga buhay oo, di mo masabi kung anong mangyayari. Last week lang e nakita ko siyang humaharibas ng sanga ng kahoy, ngayon permanenteng wala na siya.

Napa-isip tuloy ako. Paano yan? Hindi mo alam kung kailan ang oras mo. Basta na lang isang araw, sa kung ano pa mang dahilan, e tumimbuwang ka na pikit ang mga mata! E, madalas nga kwentohin sa atin niyan, di ba? Pinabili lang ng suka e na etmet na! Kaya nga yung tatay namin ayaw kaming utusang bumili ng suka. Uutusan kaming tumaya sa karerahan, pero bumili na suka, hindi!

Ano nga ba kasabihan diyan - Kung oras mo na, oras mo na? Tsk, tsk, tsk, labo isipin nito.

Thursday, April 27, 2006

Blog Type A


Ano ang paburito mong blog? Yung makabagbag damdamin? Yung nakagigising ng pangamoy at panlasa? O kaya naman, yung blog na sa galing ng paliwanag ay parang napapanood mo sa sine ang istorya habang binabasa mo, surround sound pa?

Actually, maraming magagaling na manunulat ang nabisita ko. Dala-dala sa himig at diwa ng salaysay ang mga nadaanan ko at pagtutungohan pa.
Yan na nga, nagpapasakay! Parang tour bus sa landas ng kahapon, ngayon, bukas at guni-guni.

Blog type A!

Wednesday, April 26, 2006

Ingles Kalabaw

Musta ka na bisita? Ok ako. I hope na ok ka rin. Alam mo, bagong luto itong blog na ito. Mapapansin mo na naghalo ang Ingles at Tagalog sa mga salita ko. Yan na nga e, kasi sa totoong buhay ang Pinoy ganyan magsalita at di sa kung ano pa man, ganyan lang talaga kinalakihan ko. May alam din akong kaunting bisaya, kaya paminsan minsan may halong bisaya rin ang salita.

Okay, pasensya na at walang masyadong info about my profile. I don’t know about you, pero mabuti na ang may kaunting misteryo. I mean, may clue sa tono at grado ang mga salita, salaysay at kuro dito, kaya maaring mahulaan mo kung ano o sino ako.

Of course, gusto mong malaman, what this blog is about. To be honest, this blog is in response to a comment in melai’s blog. Sabi ni Nelan, sana my blog site ako para masuklian niya ang pag comment ko sa blog niya, and I thought that was a good idea.


So, Ingles Kalabaw is born!
I have to warn you, though. Hindi araw-araw ang posting ko. Maaring hindi rin linggo-linggo. Kung baga sa stock market, hindi ako day-trader. I am more of an opportunity trader. In other words, new posts, and they can be on any subject from the heavenly to the mundane, will be when opportunity and inspiration arise. Isa pa, no guarantees kung maganda o hindi ang istorya or if it makes sense. Sabi nga, wysiwyg (what you see is what you get). Daming caveats ano?

Default template yata itong design na napili ko. Bakit? "Simplicity is beauty," "make it simple stupid," di ako marunong mag-design or la akong time. Pili na. Multiple choice yan, and don't worry, walang maling sagot.

Walang particular audience o kaya naman lahat ay target audience. O sige na nga, comments will tell kung sino. He, he, he, daya mang target ni kulaspero.

Okay, pahinga muna buladging ko. Ikaw naman magsalita. You know what to do.

Yours Truly,

Kulas