Tuesday, September 19, 2006

My Fav Basketball Shoes



Nike Jordan XII. Ito ang paborito kong basketball shoes. May kalumaan na, ngunit may silbi pa. Tinuturing kong matalik na kaibigan ang mga ito: Nariyan pag kailangan. Walang reklamo. Laging handang pangalagaan at ipagtangol ang aking mga paa. Pinapa guwapo pa. Kaya pagdating ng di maiiwasan nitong panahon ng pamamahinga, di ko ito ibabasura. Itatabi ko na parang may halaga pa, tulad ng mga liham ni Lydia. Pero ang sabi ni kulasa, Itapon mo na! Malapit na pasko. Bili kita ng bago.

16 comments:

  1. Tapon mo na nga di ko naman makita eh..hahaha!

    Bakit nga ba minsan may mga bagay sa atin na hindi na madalas gamitin pero di natin kayang itapon. Parang mga alaala na hindi na dapat isipin pero di maalis sa isip.

    ReplyDelete
  2. mejo luma na nga! tama si mam kulasa, bili ka nalang nya ng bago sa pasko! hehehe

    may sentimental value ba at ayaw mo itapon? ako kasi tinatapon ko na kapag d na magamit, kalat lang eh!

    ReplyDelete
  3. MMy Lei may sneti value nga daw gaya nung mga liham ni Lydia. si Mang Kulas tlga hindi tlga makalimutan si Lydia ng buhay nya may kulasa na nga e! hehe! pero ako din ganyan pag may sentimental value tlga kinikeep ko. Syempre nman mamahalin ang shoes nyan abay pag naging antique ang mga yan, tataas ang value nyan at yayaman kana, tapos sheran mo nlang kami..
    Alam ko medyo senti ang entry mo, pero pki sabi nlang ke Kulasa na kung ayaw mo ako nlang bilhan nya, size 8 1/2 lang nman ako.. color blue ok! nyahahha

    ReplyDelete
  4. tingin ko nga pogi points ka sa shoes na yan kapag suot mo. kahit ako pang collectors item yan, di ko itatapon, pwede pa naman pa repair at least may pang basketball ka or pang exhibit balang araw. tapos dahil malapit na pasko bili ka na rin ng kapatid nya.

    ReplyDelete
  5. oks yuung settings na ginamit mo, senting senti ang dating. mamahalin yang shoes mo ah, inggit. kapag itatapon mo na ibigay mo nalang sa akin, hehe

    ReplyDelete
  6. Ann,
    sa blogspot ko inapload ang photo. Ba't kaya di mo makita?

    Di ko na nga ginagamit, pero di ko maitapon. Maybe it's just one of those things na di maipaliwanag.
    ____________
    Lei,
    merong sentimental value. Pag suot ko kasi ang sapatos na ito parang may Superpaa ako. Hehehe.
    ____________
    tuts,
    ok ang size ng paa mo ah. Halos kasing laki ng kay Cinderela.
    ____________
    cruise,
    Sinabi mo. Pogi points talaga at ngayon na wala ng mabibili nito sa labas, collectors item na nga. Yun nga lang laspageni na.
    ____________

    iskoo,
    thanks! medyo mahal nga. Pero okay lang. Spoiled naman kasi tong mga paa ko. ;-)

    ReplyDelete
  7. Di talaga ma view dito ang blogger, yung flower mo na nay bees san mo yun upload? Kita ko yun dito.

    ReplyDelete
  8. Ann sa photobucket yung flower na me bubuyog - Malaki kasi. Di mo dati makita yung sa photobucket, di ba. Ano kaya problema?

    Tingnan mo na lang kaya ang lumang basketball shoes ni KD. Pareho siguro itsura. Hehehe.

    ReplyDelete
  9. American size nga ang paa ko e! hmmmm bat nga pala alam mo ang size ni Cindirella?

    ReplyDelete
  10. American size nga ang paa ko e! hmmmm bat nga pala alam mo ang size ni Cindirella?

    ReplyDelete
  11. tuts, e di ba puti si Cindy? Paano ko alam ang size ng paa niya? E di ba tsinelas ang tinda ko? Teka, narito yung isang kopya ng glass slipper niya. O, size 8 1/2! Hehehe.

    ReplyDelete
  12. ang ganda naman ng mga sapatos na yan!next time pix mo naman gusto ko makita..kasi tinago mo mukha mo sa kamay mo sa profile...shy ka lang siguro...lumalayo ako sa entry!hehe!asan ba tagboard mo kuya?

    ReplyDelete
  13. Nike din ang fav ng hubs ko :)

    ibibili ka naman pala ng bago ei..pero ganyan din ako,halos ayokong magtapon kahit na luma pa sha.

    cool bestfriends!

    ReplyDelete
  14. Ibig sabihin nabili na sayo ng chinelas si Cindy? ang susyal naman ng paninda mo Mang CooLas.. hehe!

    ReplyDelete
  15. Hello ev, thanks, maganda nga. Kahinayang na luma na, pero sulit naman ang gamit. About the pix, matagal ko ng pinagbigyan ang request na yan. Tinitignan ninyo, ngunit di lang ninyo nakikita. Kung may makakita, huwag niyong sabihin. Secret natin.;-)
    ____________

    ghee, nilalangis ko si kulasa para di magbago isip niya pag dating ng pasko. Sikat nga yang nike dahil kay Michael Jordan. Marami nga ang may gusto ng brand na yan.
    _____________

    tutsy-mutsy, e kanino pa magpapasadyang magpagawa ang fairy godmother niya? Hhh.

    ReplyDelete
  16. Waaaaa.. tlgang sayo nagpupunta ang fairy gad mader nya? very gud nman pala si Kulas kung ganoon! Wish koring mag karoon ng fairy gad mader e! pero dahil malapit ng makarating si Piolo ko rito oks na un sakin!~

    ReplyDelete