Wednesday, June 21, 2006

Kwentong batuta.

Nung maliit pa si Pepe maraming kahiwagaan siyang pinaniniwalaan, lalo na yang mga aswang at kung ano pang maligno diyan. Isang araw tinanong niya ang isang pari kung may katotohanan ang mga bagay na ito. “Pepe, kung ano man ang mga yan, walang mas makapangyarihan pa sa Diyos. Kaya, magdasal ka at walang kapahamakan ang mangayayari sa iyo,” ang sabi ng pari.

Kamut-ulo si Pepe dahil lagi naman siyang nagdarasal. Lalo na ng gabing mapanood niya yung pelikulang "Dracula." Nagdasal siya, ngunit hindi rin siya nakatulog at kahit na maiinit nagtalokbung na lang siya ng kumot sa takot. Baka naman hindi narinig ang dasal ko, ang isip ni Pepe. Di naman kasi importante ang hiling ko. Marahil iyan ang dahilan!

Isang araw sinama siya ng lola niyang reliyosa manuod ng sine. May Tower of Babel sa palabas. Isang pinaka makapangyarihang hari ang nagpatayo ng mataas na gusali upang maabot niya ang langit. Sa ganoon, malalapit at makakausap niya ang diyos. Ng matapos ito, umakyat siya sa itaas at tumawag: "O makapangyarihang diyos narito ako, ang pinaka makangyaring nilalang sa mundo. Hala magkakita ka at harapin mo ako!" Ng walang sumagot, nagalit siya at pinana niya ang langit. (He he he, wala sa kalingkingan ni GMA ang haring ito dahil si GMA kinakausap ng diyos) Nagalit ang diyos at ginunaw niya ang gusali at winatak ang buong sangkatauhan.

O nga ano, kung malapit ka sa langit marinig ka ng diyos, ang sumaisip ni Pepe. Siempre naman hindi ka mampapana kung di ka sasagutin. Huwag kang magagalit. Basta cool lang Pepe, at pagbibigyan ka.

Ng magpista sa kanilang bayan, sumali si Pepe sa palacebo. Bukod sa simbahan sa kapitolyo, itong kawayan na dalawampot-limang pulgada ang haba ang pinakamataas na maaakyat sa palayan, at marahil, kung maabot niya ang itaas, marinig ang dasal niya.

Inspirado si Pepe. Marami siyang ibabalita. Isusumbong niya rin yung pari na walang bisa ang payo sa kanya. “Pepe, Pepe,” ang sigaw ng mga nagmamasid ng paligsahan habang puspusan ang akyat si Pepe. Dalawang beses siyang nadulas paibaba, ngunit parang naingkanto siya at walang humpay ang kanyang pag-akyat.

Ayun! Malapit na siya sa itaas. Halos maabot na niya ang bandera sa tuktuk ng biglang bumuhos ang ulan. Nagdilim ang langit at nakabibinging kulog ang dumagundong. KABROOMMM!
Nagtakbuhan ang mga manonood at naiwang nagiisa si Pepe sa itaas ng nakatirik na kawayan. Mahigpit niyan niyakap at sinipit ng kanyang nangangawit na mga paa ang madulas na kawayan. Pilit niyang inaabot ang bandera, ngunit di niya mabuting makita ito dahil sa hangin at patak ng ulan sa kanyang mga mata. Tila nanghihina na siya. “Diyos ko, tulungan mo po ako!” ang samo ni Pepe.

Hindi niya lubos na maunawaan kung saan nangaling ang kanyang panibagong lakas. Ng hawak na niya ang bandera, dumulas siya paibaba na walang pinsala, datapwat may panghihinayang na hindi niya nagawang magdasal sa itaas. Subalit sa kung ano pa mang dahilan, nadama niya sa kanyang kalooban na hindi na kailangan sapagkat naririnig siya saan pa man.

18 comments:

  1. Gusto koring sumali sa mga palacebo pero sa sobrang bigat ko baka mabali lang ang kawayan at sisihin pa ako ni Meyor... hmmppp...

    Hindi nman tlga natin kailangang magpapansin para marinig tayo ni Lord, khit nga ibulong molang yan sa puso mo kc jan nman nakatira si Lord hindi ba? baka kaya hindi pinagbibigyan ang ating mga hiling e hindi tlga para satin at hindi makakabuti para sa atin...

    Oh espesyal ka Kulas, khit naka on leave with pay ako sa blog world, nakituloy parin ako dito.. heheh!!! lapit na weekend.. gusto konang matulog maghapon...

    Anong say mo sa picture ko? heheh!! gwapa koba? heheh!!

    ReplyDelete
  2. Tuts, agree ako sa iyo. Nariyan nga palagi.

    Gwapa talaga, pero sa palagay ko tuts, higit pa ang ganda mo kaysa ano mang picture.

    ReplyDelete
  3. tama si TK, wala sa lugar yan, sapagkat ang diyos ay nsa puso natin. as long na naniniwala ka sa diyos.

    hmmm, parang kilala ko itong si pepe... nyahahahaha...

    ReplyDelete
  4. ummm...nasaan ung batuta???

    nga pala. nakita ko yung photo blog na recommended mo. ang ganda nung site at mga pictures.

    ReplyDelete
  5. nice pic mang kulas
    ah lab it!

    uhmmnnn me na-alala akong kwento sa post na to...

    minsan naiisip ko at tinatanong ko sa sarili ko, bakit ata yung iba ang swerte swerte sa buhay, parang hindi mo nakikita na nahihirapan sila, patuloy yung pagdapo ng swerte(materyal man o hindi) sa kanila, e pareho ko rin naman ata silang nagdadasal, actually meron pa nga ni hindi ko nakikitang nagsisimba e pero pag umuulang ng swerte hindi lang siya naambunan, binabagyo pa kamo ng swerte.tanong ko siya lang kaya ang mahal ng DIYOS? ako hindi?

    eto na nung minsan, lumabas ako ng bahay, bumaba ako, tapos akyat ulit ako, tapos binubuksan ko yung pinto na madalas naming labasan at pasukan kasi yun yung auto lock e,
    hindi ko mabuksan :(
    napamura ako sa sarili ko ang tanga tanga ko..mahal kaya tumawag ng locksmith Sgd 60....tapos eto ko gaga iniwan ang susi sa loob ng bahay...tagal ko nag-isip at nagmumura sa sarili...tapos ginawa ko pinihit ko yung adjacent na pinto (kitchen door kasi yung binubuksan ko)

    grabehhh!! Praise the LORD!! hindi nakalock yung main door..... ANG SWERTE KO TALAGA! bigla sabi ko sa sarili ko...MAHAL NA MAHAL AKO NG DIYOS!

    :)
    wala atang kinalaman sa post
    la lang napakwento lang ako :)

    ReplyDelete
  6. Mmy-lei, ako at ikaw si Pepe. Heheheh.

    C Saw nasa taas ng kawayan ang batuta. ;-)

    ReplyDelete
  7. Melai, sa palagay ko lahat ng tao ay tinatamaan ng swerte. Di lang natin alam, tinamaan na pala tayo. Mahiwagang pamamaraan. Sabi da!

    ReplyDelete
  8. nung bata pa ako,hindi ko na rin siguro mabilang ang mga kahilingang ginawa ko,hanggang sa lumaki ako..pero sabi nga nila,hindi natutulog ang Dyos.may plano sha para sa ating lahat..

    ngayon,nagiisip ako ng bagong raket,plan B kaya? hehe

    ReplyDelete
  9. ghee okay yang may plan b. Laging handa, parang girlscout. :)

    ReplyDelete
  10. ako ang dami-dami kong answered prayers, pag humingi ako kay lord lagi akong specific sa bagay na gusto ko basta yung alam ko na hindi imposible.

    may friend din kami na sa bathroom sya nagdarasal, pag andun daw kasi sya walang iistorbo sa kanya.

    ReplyDelete
  11. Karl,
    Ok ka and good luck. I know it's not easy dyan sa pinas, but let's hope that things will get better soon.

    ReplyDelete
  12. Ann,

    Bigyan mo kaya kami ng tip kung papaano ka nagdarasal. How about a blog entry on Effective Praying for Dummies! :-)

    ReplyDelete
  13. Hi, ang ganda ng kwento mo. Nakaka gising, nakaktouch :) Ikaw ba si Pepe?

    ReplyDelete
  14. Karl, you're welcome. Bibisita ako ulit. You can bet on that.

    Jairam, thanks! Pepe is real, and he is in all of us.

    ReplyDelete
  15. Maganda ka pa sa Morning, tutsy. I wish you a wonderfull day.

    ReplyDelete
  16. Maraming salamat, karl!

    ReplyDelete
  17. Karl, magaling tlga yang si Kulas, kayalang tinatago nya at isinasawika nlang nya.. pero hala ka kulas baka ma discover ka nyan.. nways totoo nman na me talent ka diba? apg sikat kana enge ako otograp ha? heheh

    ReplyDelete