Pagod si kulas kaninang umaga. Kagigising lang e pagod na kaagad. Nadapuan yata ng tamaditis. Di na dapat ganito... Hayyyy, ng pusa, oo! Ayaw pa talagang gumising ni Kulas. Ang galing kasi ng panaginip niya – lumilipad.
Mahiwaga ang panaginip. Sa pag-tulog, hinde mo masiguro kung mananaginip ka o kung ano ang mapapaginipan mo. At sa panaginip, nakikita mo ang sarili mo, pati na rin ang mga taong matagal mo ng di nakikita. Oo nga, pati na yung nasa kabilang buhay.
Paglipas ng ilang araw ng pagpanaw ni Ate, binisita niya ako sa aking panaginip. May tinig akong narinig na bumulong sa akin, “Kulas, nariyan si Ate, o!” Ng lumingon ako, nakita ko si Ate, nasa isang duyan, at nakangiti sa akin. Ang linaw ng kanyang magandang mukha. Walang bahid ng dinanas na pagdurusa noong mga huling araw niya.
“Kulas, huwag ka ng mag-alala. Okay na ako,” ang sabi niya.
Ate! Ang sabik na sigaw sa loob ng dibdib ko. Gusto kong marinig niya ang tawag ko, ngunit pinipigil, ayaw lumabas sa bibig ko. Sa aking galak na makita siyang muli, gusto ko sana siyang yapusin, ngunit nagpapaalam ang kanyang tingin, at sa isang kisap-mata, wala na siya.
Hinde ko mawari kung ang kawalang pag-asa na makatulong lunasan ang napakahirap niyang sakit ang sanhi ng aking panaginip. Laging nasa likod ng aking isipan ang kanyang paghihirap, lalo na noong mga huling araw niya dito sa lupa. Marahil, alam ni Ate ito. Marahil ito ang dahilan ng kanyang pagdalaw sa aking panaginip. Marahil, gusto niyang ipalagay ang loob ko at ipaalam na mabuti at masaya ang kanyang kalagayan sa langit.

Kapag daw kasi naiisip natin sila hindi rin sila matahimik, siguro sabay sa pag-iisip ay ipagdasal din natin sila.
ReplyDeleteuhmmn ang sabi ng nanay ko pag bumisita daw sayo ang isang namayapa na e me gusto daw ipagbilin ...baka gusto kang bilinan ni ate .... nu kay yun??
ReplyDeleteUy Kulelat si TK., bwheheh!!! Madaming pamahiin, chismis at kung ano-ano pang paliwanag pag panaginip na ang pinag-uusapan. depende yan sa taong napag-tanungan mo.
ReplyDeleteHalimbawa, yan si ATe Melai ganda ng paliwanag no? me gustong ihabilin sayo Ate mo.,baka me diary sya na gustong ipamana sayo at me locket ng picture mahal mo...
Pwedeng Tama rin si Mmy Ann, dahil sa kakaisip at kakaalala mo sa ate mo, d sya matahimik dun sa kinaroroonan nya, kaya magaling e ipagdasal mo sya.
Subukan mong itanong sa mahilig tumaya sa jueteng at for sure may karampatang numero sa kanya yan. tumaya ka narin malay moba manalo kaya hindi ba,. tapos pasalamatan ang lumikha.
Itanong morin yan sa manghuhula for sure ibang kahulugan ang ibibigay nya seyo. gagawing komplikado para mahal ang isingil nya seyo.
PEro Kung sakin mo tatanungin yan, ang panaginip para sa akin e salamin ng kinabukasan. Gamitin mo itong pananggalang. gamitin mo as a contact lense para luminaw ang mata mo. hindi dadapo ang panaginip sayo kung walang ibig sabihin yan.
i tenchu!! huli man daw ako, mahaba parin ang comment ko.. bwhehehe
Ok mga pananaw niyo ah: Ann, palagay ko tama ka. Kailangan sabayan ng dasal. melai, gusto kong paniwalaan na wala ng iba pang kahulugan ang dalaw - na mapalagay na ang loob ko, na okay na siya. Kasi magmula noon, nawala na sa isip ko ang paghihirap niya. Tutubi, actually, kwento ko yan sa sinundan kong kapatid. Sabi niya, 'Mabuti ka pa Kulas, napaginipan mo si Ate, samantalang ako, kahit anong pilit ko ay hindi mangyari.'
ReplyDeleteActually, sa kung ano pa mang dahilan, gumaan ang pakiramdam ko tapos ng panaginip. Sabagay matagal na rin yun. Sabi nga, Forget about it. Move on man, move on. :}
Buti ka pa nakausap mo ate mo!
ReplyDeleteAko gusto kong makausap tatay ko pero wala, hanggang pakita lang sya pero di na ulit. Lagi ko syang tinatawag dati pero ayaw talaga kaya tinigil ko na. Siguro dahil alam nyang nakakakita ako at di ko sya tatantanan.
hay buti ka pa naka-move on!
mmy-lei, di ko naman naka-usap. Nagsabi lang na okay na siya, tapos wala na. He, he, talaga namang ganun yun, kakaunti magsalita. Kaya kailangan makinig ka. Noong maliliit pa kami, pagka paulit-ulit ang sinasabi at hindi ka pa rin nakinig, may kurot na kasama.
ReplyDeleteAy buti nman Mang Kulas at gumaan ang iyong pakiramdam. gusto koyan. baka kung si Darna e naisipan kang isama sa kanyang paglipad e magaan kalang.
ReplyDeletepers onor ka nman sa wakas sa bahay ko. uy, ipagpatuloy.... magaling karin. malalim. ako puro kwela...
buti naman at gumaan ang pakiramdam mo ;)
ReplyDeletesi kukote po, blog hopping lang =)
isang halimbawa kasi niyan e yung kamamtay lang ng uncle ko .... tmang tama may isang bwan pagkamatay niya e magpapakasal yung bunso nniyang anak, so itong si uncle nagpakita sa nanay ko sa panaginip nagtatanong kung ano daw ang nangyari .... tapos bago magising si nanay ang sabi ni uncle sa nanay ko e "ikaw na bahala diyan" ..parang feeling ng nanay ko inihabilin niya yung ilang gastusin sa nanay ko ...galing ano namatay na't lahat humingi pa rin ng tulong sa nanay ko lol! ..pero sineryoso yun ni nanay syempre galing sa isang taong namayapa na e :)
ReplyDeletepayaso'y na curious kung sino si mang kulas
ReplyDeletekaya desisyon ko'y hunting-in ka sa labas
sinubaybayan ko si tutubing lumilipad
at dito ko sya nakitang napadpad.
gandang araw MK, di ko alam kung anong message ang iiwan ko kaya dinaan ko na lang sa pagmamakata ko....di mo kase naitatanong, si balagtas ay lolo ng tiyo ng ama ng kaklaseng kong tiyuhin naman ng lolo ng bayaw ng asawa ng bestfriend ko. sa suma tutal...di ko sya kaano-ano. sensya na sa kakulitan ko ha.
Si Clown tlga, me namana sa akin...
ReplyDeletemang kulas, palagay ko eto may katuturan na ang sasabihin ko senyo. Ung link ni ATE Ghee, e mali. na doble ung http...
tutubi, malalim ba? Mabuti na lang marunong akong lumangoy. btw, salamat sa paalala, kinorek ko na. :))
ReplyDeletekukute, tinik talaga ng mga PA. Naka-display pa utak! Hangout ako diyan mamya.
melai melai, ang galing ng tio mo ha, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. :)
clown, welcome! Sumaglit rin ako sa bahay mo, pero wala akong nakitang guest book. Maybe next time?