Wednesday, June 28, 2006

Wrong number.

Alas onse ng gabi:

Telepono: Kililing... kililing… kililing…

: Hello...

Tinig ng babae: Ano ka ba naman? Sabi mo magkikita tayo. Ang tagal, tagal ko na naghintay sa iyo. Hindi ka sumipot! Bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Bakit mo ako ginaganyan? Ano ba ang nagawa ko sa iyo?

: Hello? Sino po sila?

Telepono: Click.

Hmmmm... Sino kaya yun? Kawawa naman. Parang nagsusumbong ang pag-reklamo. Tsk, tsk. Mahirap ang pakiramdam na ganyan: galit dahil binabali-wala. Alam niyang mali ang ginawa sa kanya, ngunit sukat ang kanyang salita. Pigil ang reklamo. Nangangambang siya pa ang pagalitan. Baliktarin ang pangyayari at siya pa ang sisihin.

Sino kaya yung tinatawagan niya?
Hmmmm... Matawagan nga si B. Gising pa sana siya.

Telepono: do re la mi so me... kililing... kililing...

: Hello... Hello... Hello-oh!

Kabilang linya: Yes?

: Hi! Ling? I just called to say hello. I hope that I didn't wake you. Guess what? Someone called my number by mistake...

Kabilang Linya, interrupting: What number are you calling?

: Oops, sorry.

Telepono: click.

24 comments:

  1. minsan kala natin wrong number lang pero wrong number talaga!ano ba yan,ala silbi comment ko...minsan lang mapadaan dito ala pang masabing matino...ang totoo mang kulas..nabored lang ako!kaya ito...nanggulo..hehe..type lang kalikutin ang keyboard ng pc dito!;0

    ReplyDelete
  2. oi!nag-iisa palang pla akoh dito!hehe

    ReplyDelete
  3. Anak ka ng kweng kweng akala ko nman another love story.. hmmppp... tapos feeling ko bitin... waaaaaaaaa..

    ang dali lang nman sabihin na,, ay sorry wrong number ang na dial ko.. pero ako playing safe ako.. hindi ako basta basta nagsasalita ng kung ano ano kung hindi ako sure kung sino ang kausap ko....

    Kasi diba madali nman ma trace ang mga number na tumawag... me caller ID, may star key... kaya kung ako binagsakan ng phone? aba! isusumbong kita sa Nanay mo... waaaaaa!!

    phonepal tayo Kulas!! bwahahha! joke!

    ReplyDelete
  4. ev, okay yang ginawa mo. Dito ka mag hangout lagi at walang pahamak dito. :-)

    tuts, ang kulet mo. Halika rito ng mapisil kita.

    ReplyDelete
  5. Naku ha at intrigahin daw ba si EV na walang pahamak dito,, eh bakit sa aybol ko meron ba???? oo meron nga!! bwahahah!!!

    Uyyyy... wag masakit ang pisil ha! baka mabugbog ako! bwahah! joke! akala ko nacu-cutan ka sakin yun pala kulet lang! heheh! ano? asan na # mo? akala ko phonepal tayo??? Ano kaba Tubee... maraming namamatay sa maling akala!! hehe!

    gudmorning kuls... happy weekend!! muahhhh!

    ReplyDelete
  6. haha!ang agang nangulet ni Ev at Tk dito..

    pero,kainis yung ganun,you need someone to talk to,tapos wrong number lang pala..,lalo na kung long distance call?? hmmppp!!

    teka,makatawag nga...

    ReplyDelete
  7. Dito madalas yang mga wrong number, sinasadya talaga ng mga arabo na mag dial, pag babae ang sumagot kukulitin nila, minsan sinasabi ko andito amo ko..hehehe.

    ReplyDelete
  8. ghee, baka ma wrong number ka, ingatan mo pag dial.

    Ann, hahaha, "andito amp ko." Ang gandang linya.

    ReplyDelete
  9. Me post akong bago,,, pare ko!

    ReplyDelete
  10. Ang bilis nman palang mag Koment ni Pare ko eh! heheh!! naguluhan kaba? sensya na ha... napa ingles kc ako eh! bwahahha

    ReplyDelete
  11. nandiyan ka ba mang kulas? may kailangan po ako sa inyo

    ReplyDelete
  12. nagemail ako mang kulas pls reply :)

    ReplyDelete
  13. ako nakikipagbolahan muna, hayaan ko syang magsalita ng magsalita para maubos load nya tapos saka ko sasabihing wrong number... bwahahhaa.

    ReplyDelete
  14. melai, sinagot ko na email mo.

    mmy-lei, hehehe, pilya!

    ReplyDelete
  15. Bakit kayo lang ang nag i-email ni Ate Melai... me email din nman ako bkit ako dinyo email? bwhahaha!! just messing around.. pero kung trip mo kUlas... werever u are.. pwede mo ko email...

    ReplyDelete
  16. Ano tuts, nagselos ka na kagad. Pano na si Piolo mo kung malaman niyan nagbubulugang tayo ng sweet nothings sa email. Baka sakalin ka nun at mabiodo ako ng di pa nga kasal. Hehehehehehe!

    ReplyDelete
  17. Oo nga ano? Sige wag nalang, kilala ko un seloso tlga yang si Piolo... pero nman syempre di tayo magbubulungan ng sweet nothings kc magsisigawan tayo.. bwahah! joke!! friendly email lang nman pwede na un...

    Ibig ba sabihin nun kayo ni TE melai nag bubulungan din??? Dikapa kasal? ibig sabihin single kapa?? NAg hahanap kaba ngayon? baka pwede kitang matulungan dba?

    Ano bang klaseng ROSE o LYDia ang hinahanap mo??

    ReplyDelete
  18. baka nagpaparamdam sayo? he he. anu kaya yang emailan nyo ni melai? hmmmm...

    ReplyDelete
  19. kayo talaga oo. Ang daming kulasa rito! ibat-ibang lahi, nakakausap, nakikita, and last but not least, Nahihipo. Hehehehe.

    ReplyDelete
  20. Waaaaaaa... mahilig palang manghipo itong si KUlas... bwahhaha!!

    ReplyDelete
  21. Masagwa ang koment mo tutubi. Di maayos. Out of bounds.

    ReplyDelete
  22. Joke lang nman yun Kulas.. kaw nman unang nagsabi nun.. pero syempre dahil matured naman tayo dito alang ibig sabihin yun... pasensya po...

    ReplyDelete
  23. Gotcha! hehehe. Tamo, nangyari naturuk ka ng sarili mong karayom.

    ReplyDelete
  24. Ang Naturuk ba e parang natusok? hehhe! ang Sosyal mo ha! imbes na PUng! Gotcha pa ang ginamit! heheh!

    ReplyDelete