Wednesday, May 10, 2006
Gamugamo
Ang padpad ng hangin nasa aking paningin.
Kung minsan matamis, kung minsan maasim.
Kailangan pa ba na laging usisain,
kung ang lasa sa labi ay masarap lasapin?
May gamugamo, kuwela ang isipin.
Malimit una sa aking panauhin.
Matamis ang salita, masayang kausapin,
ngunit may layunin mahirap unawain.
Iwasan mangahas na si Kulas ay pilitin.
Huwag matulad sa gamugamong mausisain.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ARAY KO!!!!!!!! napaso sako!~!! shet ang sakit!!
ReplyDeleteAng tutubi ay patawarin kung naging mausisain
ReplyDeleteCguro'y sa sobrang liit nitong bubwit
Diko napansin na ikaw, ay akin ng nakukulit
Kung ikaw man ay aking nasaktan
Sa mga tanong kong ayaw mong pagbigyan
H'wag mag-alala sayo ako ay hindi nagalit
At sa susunod ay dina mauulit
Ang tutubi ay humihingi ng dispensa
Sa mga tanong na parang chismosa
Kung iyong mamarapatin,
Paghingi ko ng tawad ay iyong tanggapin
/me binatukan si TK!
ReplyDeletehinay hinay lang kasi
mga tanong ay
dahan-dahanin
wag biglain
hanapin muna ang kiliti
saka usisain
para di mabitin
tsk tsk tsk tsk!!!!
O, ano tutubi, napaso ka ba? Sabi nga e, huwag masyadong malikot as aparato. Pero it's ok, walang kailangang patawarin. O, baka naman tumatawad ka sa tsinelas na benta ni Kulas.
ReplyDeletemelai, hinay, hinay lang. Hanapin muna ang kiliti. He, he, Okay yan, ah! ;)
tekla, musta Ka. Buti nabisita ka. Tabla tayo. Di ko rin ma-gets yang BALON (x_0).
ngayon
ReplyDeleteikaw naman
ang maghinay hinay
mang kulas
at wag
talunan
ang mga linyang
dinaanan
TEnchu MAng Kulas, kala ko tlga galit ka sakin.. umiiyak nako sa blog ko, kc dikana napunta dun, pero sa iba napunta kapa... huhuhu
ReplyDeletehehehe.
ReplyDeleteMang kulas, Mang Kulas
pahiram ng tsinelas!
ihahampas ko lamang
sa tutubing magaslaw.
hehehe, peace tayo TK
ok na ok MK.
parang ayoko na ngang magcomment baka kasi matulad ako kay tk...
ReplyDeletemakalahi pa naman kami ni tk at magkasingkulet. waah!! ayokong mapaso!
natata-cute ako... (nginig!)
Ako mang kulas di ako matanong, hahanapin na lang kita dun sa mga sinusulat mo. oks ba?
ReplyDeleteanubeshhh,Mang Kulas,masyadong intruguing ang "charm" mo yata? hahaha!
ReplyDeleteeto pala ang istorya ng mga posts ni TK tungkol sa yo..gets ko na.
"humayo kayong mapayapa,
sa isip,salita,at sa gawa.."
Ako kaya`y magrecite ng "Panatang Mkabayan dito?" galit ka din kaya,MK?
Hihihi, napagsabihan ako ni Manang melai. Ano kayang linya yun???
ReplyDeleteHayaan mo, tuts, punta ako diyan, mamya. Ano bang award yan? Baka me bomba yan ha. :-))
mmy-lei, pasaway ba, mmy-lei, pasaway? ;-)
O yan, ayaw na tuloy mag-comment ni mistyjoy. Halika na rito lagi, misty. Di ka mapapaso. :-]
Maunawain ka talaga, Ann. Pwede namang magtanong, bakit hinde? Sinasagot ko naman, e. Pero tulad ng magic, pag-alam na kung papaano ginawa, wala na, di na magic. ;-)
ghee, sino galit? Yan lang naman ang sense of humor ni Kulas. Masayang kablag nga yang si tutubi. May palayaw na nga ako - "Tuts," as in toothache! He, he, he, biro lang. "Tuts," as in tutubi. Yan!
ReplyDeleteThank u "KULS" as in KUlas... nkita na kita dun sa bahay ko!! toothache pala ha!!
ReplyDeletesa paggawa ng tula
ReplyDeleteikaw ay magaling
nakatagong talento
iyong taglay at angkin
pagyamanin at hasahin
maging malikahain
sige lang kulas
ika'y aming uunawain..
heheh..dumalaw lang pa. pasensiya na kung medyo nahuli. medyo busy kase..
nakakasilaw na mapaglinlang na liwanag ng ilaw. minsan di talaga maiwasang ating lalapitan.
Hi, lojik. Maraming salamat sa comments mo! Good to hear from you.
ReplyDeletegamo-gamo ba yan? bat mukhang paru-parong maliit? nyahahaha. kahapon yung kakatapos lang umulan, nagulat ako at daming gamo-gamo sa labas ng bahay namin. Creepy kasi ang dami talaga. bat kaya ganun???
ReplyDeleteUy, totoong gamugamo yan! Mukhang paro-paro, pero gamugamo. Huwag kang padumog sa gamugamo, phoebe. Mahilig sa mga teeny boppers mga yan. ;-)
ReplyDelete