Tuesday, May 23, 2006

Panampalataya.

May isang kalbo at maitim na lalake na nakaupo sa sofa. Nakapantalon siya ng itim na Levi jeans at wala siyang suot na kameseta. May nakapagtatakang ngiti ang kanyang mga labi at nakatingin siya sa isang nilalang. Sa bandang kanan niya ay may television. Hinde mawari kung anong palabas ang pinanonood niya.

Sabi niya:

O, ano! Ang akala mo ay alam mo na ang lahat. Ano ang ginawa mo! Wala kang pinaniniwalaan! Hindi ka nakikinig at hindi ka mapagsabihan! O, ano ngayon! Ano iyang ginagawa mo at Ano ang gagawain mo?

Tiningnan siya ng nilalalang. Sinuri ang mga pahiwatig sa pagitan at likuran ng kanyang mga salita, at nagtanong:

Sino ka ba? Akala mo kung sino ka kung magsalita! Hindi ba isa ka ring hamak na maitim at pobreng tulad ko?

Sumiklab ang nakasisilaw na ilaw mula sa television. Lumaganap ito na parang di mapigil na apoy sa tigang na gubat. Kumunsumo ito sa mamang kalbo, at sa kawalan ng buong kalibutan, umusbong ang malinaw na kasagutan:

Hindi siya maitim! Wala siyang likas na kulay. Siya ay kung sino o ano mang bagay na kanyang magustohan! Nagaalinlangan ka pa ba? Wala ka bang panampalataya?

Siya ang iyong pinagmulan!

18 comments:

  1. pasensya na di ko masyadong ma-gets ang kalagitnaan ng entry mo..
    ewan, masyado kasing malalim.

    nag-aalinlangan tuloy akong magcomment dahil ilang beses na rin akong nag-alinlangan sa aking pananampalataya sa kanya. Lalo kapag may sobrang bigat akong problema, kaya nga bihira akong magsimba...

    ReplyDelete
  2. hmmm,malalim nga masyado...
    pagaalinlangan...maraming pagsubok ang mapagdadaanan...but in the end,alam natin kung ano ang...mang kulas,nahirapan akong magkoment..

    but i believe,yun lang!

    ReplyDelete
  3. Minsan kase pag nasa atin na lahat ng bagay na magustuhan, nakakalimot na tayo. Bakit ka pa nga naman hihingi eh andyan na lahat, abot-kamay.Nakakalimutan na yung pinanggalingan.

    Minsa kelangan pa nating makatikim ng batok ni Lord bago natin sya maalala.

    ReplyDelete
  4. basta ako ang alam ko .. sa gitna ng kalungkutan at pagkabigo ....... I am fully blessed pa rin... at walang sinuman ang pwedeng kumwestyon sa paniniwala ko ..kaming dalawa na lang ang nagkakaintindihan.

    ReplyDelete
  5. Misty, Di mo ba masyadong ma-gets? E ano ibig sabihin nito: "ilang beses na rin akong nag-alinlangan sa aking pananampalataya sa kanya. Lalo kapag may sobrang bigat akong problema, kaya nga bihira akong magsimba..." :-)

    Kaw naman ghee,. Ba't di mo tinapos ang sentence mo? :-)

    He, he, he, Ann, matindi mambatok ang Lord. Kasi paminsan-minsan kahit na hindi tayo mismo ang binabatukan, tayo ang tinatamaan.

    Melai, nang huwe, ang bigat ng dating mo... Ka bilib! ;o)

    ReplyDelete
  6. lol! ka bilib ka diyan ... hindi rin ako nagsisimba .... at higit sa lahat dami ako kwestyon sa nakasanayan na ng tao ... at maging sa bibliya .. pero gaya nga ng sinabi ko kaming dalawa na lang ang nagkakaintindihan.

    ReplyDelete
  7. Hay mang kulas akala ko ay nagbakasyon karin gaya ko... buti nlang anjan ka na ulit yahooo...

    Tao lang nman kc tayo Kulas, kaya minsan tlga me pag-aalinlangan. Pero alam natin na lagi lang SYang anjan para tayo intindihin dba?

    Madalas din akong batukan ni LORD, kc sa dami ng paulit ulit kong ginagawa, pilit parin nya akong pinapatawad at minamahal...

    Hay sya, palaliman na tlga ito, buti nmang di ako syadong puyat ngayon heheh

    ReplyDelete
  8. aray ko! ang sakit nun ha!

    tinaman ng li*****, sino bumatok saken ha!!!

    marami na akong pagkukulang lalo na ng mamatay ang tatay ko! alam kong ilang beses na akong nabatukan kaso nga gagah ako! di ko pinansin...

    maraming salamat sa pagbanggit ulit!

    ReplyDelete
  9. ang lalim ah...wow!tinira ata faith koH!natamaan ako ha!ang galing ng entry mo! bow ako!

    ReplyDelete
  10. may i ask permission lang..i-link kita ha!:)

    ReplyDelete
  11. Melai, alam mo ba na may nadiskubreng old scrolls ukol sa katuruan ni J na sinasabing ayaw ipahayag ng Roma? If I am not mistaken, ukol dito ang sabi daw niya(mas o menos), di na raw kailangan ng templo upang siya ay sambahin...

    Marami siempreng advantages ang may simbahan. Isa na rito ang magkaisa ang community lalo na sa takbo ng buhay ngayon na kahit na magkapitbahay ay di magkakilala.

    ReplyDelete
  12. Di naman reliyoso si Kulas. Marahil ito ang dahilan kung bakit pinaaalahanan siya.

    tuts, malalim ba? E, ang galing mo namang sumisid, ah! mmy-lei, alam mo naalala kita ng sinusulat ko tung salaysay na ito. Hindi sa kung ano pa man, ngunit dahil sa palagay ko, alam ko pakiramdam mo.

    ev thanks! Sige linky dinky mo si Kulas.

    ReplyDelete
  13. o sige,tuloy ko.

    but in the end,mamamayani pa rin ang katotohanan.at nasa atin na yun kung ano ang susunod na hakbang.

    hindi lang sa yo dumarating yan,lahat tayo ay may"auditions"...ako,makikisayaw na lang :D ang layo yata?

    ReplyDelete
  14. ghee, okay na. Daplis pero tinamaan na rin. ;-)

    ReplyDelete
  15. andito ulit ako! heheh!

    ReplyDelete
  16. kuls, di ko rin nga alam yang komment ko. kung bakit ko pa yan naikoment... hayz.. ang gulo! nalaman mo pa tuloy na bihira akong magsimba pero everyday naman ako nagdadasal.

    ReplyDelete
  17. i was blog hopping until i found yours, kakatuwa. keep on blogging :)

    ReplyDelete
  18. tuts, happy si kulas tuwing makita ka rito.
    misty, ang husay nga ng comment mo. E ni anino nga ni kulas e bihirang makita ng pari.
    jairam lalaktaw din si kulas sa blog mo.

    ReplyDelete