Thursday, July 06, 2006

E-mail.

Malayo ang tingin ni Temyong. Nakatitig sa tanawin ng kanyang bintana. Malalim ang kanyang iniisip:

Ano kaya ang magyayari kung malaman ni Perla ang tunay niyang katayuan? Ilang buwan na silang naguusap sa pamamagitan ng email. May unawaan na maaring sabihing tunay na pag-kakaibigan. O kaya… Pag-ibig!

Pag-ibig? Ha, ha, ha. Nangangarap ka Temyong! Sa kalagayan mong yan? Sino ang iibig sa iyo? Hindi mo nga maalagaan ang sarili mo, naghahanap ka pa ng aasikasuhin? Hindi biro ang pag-ibig. Ang kaligayahan ay hindi lamang nadadala sa magagandang salita o ulirang sumpa. Kabahagi nito ay ang kasiyahan na maibibigay lamang ng isang malakas at buong katawan.

Naging bahagi na si Perla ng buhay ni Temyong. Inihayag niya kay Perla ang kanyang mga pangarap sa buhay, mga bagay na nakatago sa kaibuturan ng kanyang dibdib. Malaki ang kanyang pananalig at tiwala kay Perla na hindi siya susumbatan o hahatulan nito.

Ngunit sa araw na ito, nangamba siya ng mabasa niya ang email ni Perla:

Hi Temyong, nasiyahan ako sa istorya ng email mo. Sino nga ba ang mag-aakala na ganoon ang mangyayari, that a blind, disabled man could win the heart of a beautiful, sensible girl. It may not be practical in real life, although, talaga naman, love conquers all! Kung sa bagay, all's well that ends well. Hindi ba?

Siya nga pala, it’s been a while since our first email. By now, you may be curious about how I look. So, I thought I'd surprise you. I attached a picture :-). That's me, the one in the white dress. Yong naka blue jeans naman ay si Jennifer, my best friend. Siya ang nag suggest na i-share ko ang pic namin sa iyo. I hope you like it.

Ciao!

P.s.

You don’t really have to, but I would really like to see a picture of you, too.

Yang huling pahabol ang ikina bahala ni Temyong. Sa katunayan, matagal na niyang gustong makita ang larawan ni Perla. Ngunit naglalaban ang kanyang isip humiling sapagkat alam niya na kinakailangang handa rin siyang ipakita ang kanyang sarili. At ngayon, naipit siya ng pagkakataon. Ang pahele-hele niyang kagustuhan ay pinagbigyan na parang biro na hindi niya inaasahan.

Ang dating malusog na katawan ni Temyong ay sumuko sa sakit. Lumaganap ito sa dati niyang maganda at maamong mukha. Marahil may dahilan siyang itago ito kay Perla. Natatakot siyang mawala si Perla sa kanyang buhay?

Ano sa palagay ninyo ang dapat gawain ni Temyong and why?
1) Ipakita ang tunay at kasalukuyan niyang larawan.

2) Ipakita ang luma niyang larawan - ng kalusugan niya.

3) Ipakita ang larawan ng modelo na nilakip sa pitaka niya ng bago pa ito.

4) Gumawa siya ng dahilan sa pag-asang hindi ulitin ni Perla ang kanyang hiling.

5) Mag patay malisya siya. Kunwari hindi niya nabasa ang hinling ni Perla.

8 comments:

  1. Yehey una ako dito!!!

    ang sagot ko syempre yung no. 1. Kahit ano pa ang itsura at pagkatao nya kung talagang mahal sya ni perla bilang kaibigan o higit pa man, tatanggapin sya nito at mauunawaan...

    ReplyDelete
  2. may gift nga pala ako sayo kuls.. pakikuha na lang sa lungga ko.

    ReplyDelete
  3. uhmmn syempre yung una rin ...dun matatapos ang anumang agam-agam sa damdamin ni Temyong ...pag tinanggap ni Perla si Temyong sa kahit na anupa mang itsura niya at kasalukuyang kalusugan ..... e di mabubuhay silang dalawa na masaya, pag hindi naman at inayawan ni Perla si Temyong dahil sa itsura ibig sabihin sayang ang mga panahong inaksaya ni Temyong sa pagmamahal na inalagaan niya sa puso niya para sa babae. naks pwede ng pang valentine romance mang kulas :)

    ReplyDelete
  4. I'll go with the first choice.. bcoz eventually that would be last choice u got. Just be real...

    ReplyDelete
  5. of course,no.1...

    kung gusto nya ng totoong relationship,kailangan totoong pic din ang ipakita nya!

    ReplyDelete
  6. Syempre 1 din kaso pde naman ung high fashion poses tulad nung nasa profile pic ng blog na 'to di ba?

    It scores high on creativity and sense of humor which i think Perla would like.

    pde rin yung current full body pic pero thumbnail size. sa ganung paraan, pde sya magpadala ng mahigit isang dosenang picture at hindi mahihirapan i-upload/download dahil maliit ang file size. (speaking from experience ito. may nagpadala sa kin ng thumbnail pics!)

    ReplyDelete
  7. Thanks for all your comments. So, mukhang option 1) wins the vote.

    Kung ako, I would pick #3 - Ipakita ang larawan ng modelo na nilakip sa pitaka niya ng bago pa ito. He, he, he.

    ReplyDelete
  8. nyee..
    doktorin nya na lang kasi sa adobe LOL!

    ReplyDelete