Kamusta buhay-buhay diyan sa inyo, mga kapatid? Panay ang kayud ano? Kailangan kasi mag-remittance sa Pinas. Kung hindi, baka walang tigil ang kililing ng telepono. He, he, he, joke only, although that is part in the life of OFWs - the unspoken or newly discovered heroes ng Pinas, if not saviors of GMA’s economic development claims.
Ang buhay ng OFWs dito, according to Kulas, is not much different from those elsewhere in the world. The places change, but their stories remain the same. Here are glimpses:
Kahapon, nag-wire na naman ng pera si Aleng Lucing na pambayad ng gastos sa ospital ng apo niya. Kahit matagal na dapat siyang retirido, sige pa rin ang trabaho niya. Gusto niyang maka-ipon ng sapat upang tuluyan na siyang makauwi. Kaya lang lagi na lang may humihingi ng tulong niya. Isang taon na lang at makaka-retire na ko sa atin, ang sabi niya. Iyan din ang sabi niya last year, and the year before that, and the year before that.
Si Malou naman na TNT(tago ng tago), nakaipon na. Walang nakakalam kung saang lupalop na siya napadpad, pero nakabili na ng lupa sa Bulakan sa pagba-baby sitter. Titser siya sa Pinas. Ng umattend siya ng conference dito, di na siya umuwi. Ang huling balita ay nakipag hiwalay na siya sa kanyang asawa. Napundi na siguro sa kakapadala. Good time ni Mr., hard time ni Mrs.
Eto naman si Anthony (Tonying sa atin) hiniwalan na ang asawa, na siyang nagpadala sa kanya rito. Sumama sa kana. Nagpahaba na ng buhok at naka-pony tail pa. Bumalik sa pagka-binata at panay ang kanta sa karaoke bar. “Elvis kasi boses ko,” sabi niya. Hinde nagtagal, siya naman ang iniwan ni kana. Katawang Tonying, hanggan ngayon may litrato pa ng kana sa pitaka niya. Yan ang gelfren ko, ang pinagyayabang niya.
Si Melba naman ay sa boarding house nakatira, pero ang laki ng Bahay sa Caloocan. May dalawang otto, tsuper, tatlong katulong at sa pribadong paaralan pa ang pinapasukan ng mga anak. Hindi nga lang niya ma-enjoy ang kanyang pinaghihirapan dahil hindi siya makauwi sa takot na di na siya makabalik dito.
Si Efren na makisig ay ikakasal sa isang Puerto Ricana. Malaking surpresa sa amin yan. Actually, surpresa din sa kanya dahil di niya akalain na ang iniiwasan niyang babae ang mapapangasawa niya. Hindi naman hidden love revealed yan. May isang hayop na nagsuplong na TNT si Efren. Ng mahuli siya, ang iniiwasan niyang tagahanga ang sumaklolo sa kanya. Sige na lang, ang sabi niya. Buti na 'to kesa, gutom(nothing doing) sa Pinas.
Happily, may kasiyahan rin ang buhay nila, at marami ring success stories. Usually, ang mga ito ay may mga sariling pamilya na rito at walang masyadong inaalala sa pinas. Either mahusay ang kabuhayan ng pamilya nila sa atin in the first place, o kaya naman narito na silang lahat.
Marami rin ang ayaw ng umuwi sa atin dahil nakasanayan na nila ang buhay rito. Pwede rin namang ma assimilate dito ng walang problema. Live and let live, ika nga. Just be prepared to be discrimated against once in a while. Like it or not, HINDI na mababago yan. Talagang ganyan ang buhay.
Mayroon din namang gustong maging kano mas pa sa puting kano. Maybe it’s just me, but lets face it, kahit na anong galing mo at kahit na Amerikano, Britano, Frances o ano pa mang citizenship ang sinasabi sa passport mo, pinoy pa rin ang pagmumukha at ugali mo.
Anyway, ang talagang nakakainis ay ang mahirap at kawalang pag-asa ng kalagayan ng bayan natin. Iyan ang dahilan ng tinatawag na pinoy diaspora, ang pagkalat ng pinoy sa ibat-ibang bayan. Ayaw kong mam pulitika pero hindi maiwasan. Magbago naman sana ang mga walanghiya diyan sa gobierno natin. Mga P’tang-na niyo, puro kayo swapang!
He, he, he. Pasensya na ha.

May kaibigan kami dito, nung bagong dating sya sabi nya mga 2 yrs lang daw sya dito. Mag-iipon lang then uwi na rin.That was 10 yrs ago. Ngayon andito pa rin..hehehe.
ReplyDeleteMatinik pala yang kaibigan ninyo, Ann. Isa pa, sa halip na umasenso pinas para naman magamit sa bisnis ang naipon e lalo yatang lumulubog sa kahirapan. E saan ka pa nga naman. Anyways, gusto ko na ring sanang umuwi, pero di pa tama ang panahon. :-]
ReplyDeleteasan ka ba? whew! akala ko andito ka lang sa pinas?
ReplyDeletetama yan, murahin mo ang mga walanghiya sa gobyerno natin...tutulungan pa kita "Mga P’tang-na" rin nila! nyehehe!
ooppps,balik ako,grocery shopping muna,katatapos lang ng trabaho...
ReplyDeleteok,im back again..
ReplyDeletemukhang mainit ang ulo mo,MK :)
pero,naiintindihan kita.,
ako,mas gusto ko lang ang bakasyon sa Pinas,ewan ko ba,hindi ako makatagal dahil sa araw araw na gastos,at nauumay ako manood ng news!kasawa ang mga "nagbabagang balita"kuno,same old stories naman,esp.mga politiko.kaya dito,ayokong manood ng channel 7,ayokong buksan ang tv kase di nmn enjoy,im wasting my time.
cool ka lang,pinay pa rin ako,at pinoy ka pa rin ;)
argh.
ReplyDeletetama ka sa mga sinabi mo.
nakakainis isipin araw araw na bulok talaga ang sistema ng pamahalaan sa bansa.
taenang gloria yan.
pati edukasyon ang mahal.
nanay ko mahigit 1o yrs nang OFW, wla pa rin kaming bahay na sarili. wah!
kumusta namn ang bansang ito?
ui, mang kulas, nag-post na akong mga bagong tula. hehe.
=)
Mistyjoy, Yan na nga, hangan mura na lang, patago pa at baka may batang makabasa. Kaya okay na tung gawa ni ghee, para walang kunsumisyon - huwag ng laging makinig ng balita sa pinas, puro naman kabalbalan kasi.
ReplyDeleteSige bulitas babasahin ko bago mong tula.
I hope that your nanay is fine and doing well.
wahhhh...
ReplyDeleteramdam ko ang pasakit, kasi OFW rin ako!
Okay lang yan, mmy-lei. Ituloy natin ang adventure. Walang atrasan!
ReplyDeleteTama, ganyan halos nararamdaman nating mga nasa labas ng bansa... pero pass muna ako sa pag mumura.. hehe!!!
ReplyDeleteAko din baka gawin ko nlang bakasyunan ang pinas, para kasing di na maaayos ang mga kaguluhang nag simula sa ewan...
Pero syempre angkin at taglay ko parin ang pinoy na ugali...
Kamusta ka na Tuts? Okay talaga bumisita ano? Di rin makakaila na mas gusto talaga natin sa sariling bayan. Lalo na ikaw, may kulas ka diyan. However, globalization na Tuts. Sana nga lang, it applies not only in economic terms but equally on social and moral terms.
ReplyDeleteOo Kulas.. syempre love our own ika nga... pero di kc maalis ang comparison tlga. Ako khit pang drag race ako mag drive, dko mahabol mga tsekot sa pinas.. ewan para silang adik... kaya napapadalawang isip akong mag for good sa bansa natin...
ReplyDeleteAnyways, back to blogging world beauty ko! lam ko kc miss moko! heheh!
Hay naku, sadyang ka awaawa ang lagay ng ibang OFWs natin, panay ang kayod. Kokonti pahinga.
ReplyDeleteIilan lang talaga sa mga Pinoy ang masarap ang buhay dito sa Pinas kaya dko rin masisi ang iba na nangingibang bansa na para dun na mabuhay.
Minsan nga, naiiisip ko pag ako nag baby na, anu na kaya ang kalagayan ng Pinas? At gustu koba talagang dito siya lumaki? haay.
balitaktakan yata dito ah!hehe....cool lang kayo guys!ipagpray na lang natin kaluluwa ni ate glo!hehe
ReplyDelete...kalungkot talaga isipin na ito na ang buhay sa pinas...gusto ko na nga rin makalabas ng bansa eh...lahat dito commercialized..sad thing no.1 ang educational system.
jairam, mahirap nga. Mahirap maka-sanayan, lalo na kung may pamilya silang naiwan sa pinas. Hindi normal ang buhay sa magkabilang panig. Hopefully, pag-lago ang family mo, maayos-ayos na kalagayan sa bayan natin.
ReplyDeleteev_elyn, agree ako sa iyo diyan. Puro buladas na lang si glo. Siksikan ang classroom diyan - umaabot daw ng 100 students sa isang classroom.
Isa pa, ingles na lang daw ang ituro para competitive sa global labor market. Walang sinabi ukol sa pag-lago at oportunidad ng trabaho sa pinas. Gusto sigurong ipa alila ang kapinoyan.
Tablan pa kaya ng dasal yan? :-[