Friday, September 08, 2006

Blindsided.

Kumikirut ang masakit na ulo niya pagbangon kaninang umaga. Nalasing ang kumag kagabi. Dalawang taon na siyang hindi umiinom, ngunit di niya naiwasang uminom muli kagabi. Biro mo, kahating bote ng black label, beer ang chaser, tapos brandy pa ang panhimagas.

Malamig na shower ang remedyo sa nalasing. Okay din yan kung balisa ka at walang kaabay.

Brrrrr, nangangagat ang malamig na tubig. Akala mo e umuulan ng maututlis na aspili. Maaari kayang gawaing penetensya ito, ang biro niya sa kanyang sarili. Kabayaran sa mga luhang umagos, sanhi ng katigasan ng loob niya?

“Magbabayad ka sa pagka walang puso mo! Darating ang araw ng iyong pagsisisi! Hahanapin mo ang mga pag-ibig na tinalikuran mo!”

Uhumm, langya! Kung ano anong umiikot sa isip niya. Wala namang malinaw na isipin. Puro mga pira-pirasong gunita ng kahapon: mga dapat niyang ginawa, mga masasaya at malulungot na sandali, mga kalokohan ng mapusok niyang damdamin.

Ika labimpito ng Hulio. Anibersaryo ng pag-lisan ng kanyang kabiak! But that was more than two years ago. Nakalimutan na niya ito(akala niya). Ngunit kagabi, bisperas ng anibersaryo ng huli nilang pagsasama, sa di maipaliwanag na dahilan, nabalot siya ng kalungkutan. Kinailangan niyang magpakalunod sa alak upang makalimot.

Mga damdaming pinagkait at binaun sa kaibuturan ng loob, nangingibabaw sa pitik ng di inaakalang pahiwatig. Hagupit mula sa bulag na bahagi ng paningin.

14 comments:

  1. alak din ang tanging kaagapay ko sa panahon na biglang pag-alala sa malupit na nakaraan.

    ReplyDelete
  2. Pighati ng pusong sugatan, pero bakit ang tagal naman atang hindi mag hilom? dahil ba hindi pa lubos na naka move-on o takot parin at hindi matanggap ang katotohanan...

    Wish ko sana'y muli ng magliwanag ang paningin ng kanyang mga mata, upang makita ang mga bagay na pwede paring makapag bigay sa kanya ng saya... ang pait ng nakaraan ay dapat na nating kalimutan.

    kalimutan nalang ang petsa-petsa nayan... tara inuman na tayo... sagot ko ang yelo.. yaw ko ng black label, chivas nalang pare ko!

    ReplyDelete
  3. "biglang pag-alala sa malupit na nakaraan." Lei, evidently alam na alam mo ang kalagayang ito. Wala namang magagawa para maiwasan na mangyari ito, di ba? Ang pag-inom pwede siguro, although madaling maging alalay.
    _______________________

    tuts, chivas pala paborito mo. Medyo matamis, pero masarap din. Siempre move on ang tama.

    ReplyDelete
  4. Dba sarap ung manamis namis parang bananacue? hehhe!! Tenkyu sa greetings mo ah! pang spoiled bvrat pala ang ngalan ko? hmmm balak ko pa namang gawing Jr ang magiging baby ko, gamit ang pangalan ko! heheh! Bertdey ng Lolo Kulas ko ngayon sept 10.. oo pramis Kulas tlga ang pangalan nun.. nicolas, parang ung pangalan ni sta clause..

    ReplyDelete
  5. Pagkatapos ng alak wala rin di ba? Andun pa rin yung problema....acceptance and forgiveness daw....pwedeng magpatawad pero medyo mahirap at matagal ang paglimot.

    ReplyDelete
  6. Ann, pag nalasing tulog na. Wala nang lungkot. Paglipas ng panahon, malamang na wa epek na ala-ala. Lalo na sa pagdating ng mga panibagong karanasan.

    Pero, yang biglang ala-ala, di talaga maiiwasan.

    ReplyDelete
  7. sige lang ilabas mo sa blog yan, magandang outlet ito keysa magpakagat sa patak ng malamig sa tubig kapag lasing ka ;) just to cheer you up.

    time heals, meron iba 1 yr lang oks na, yung iba 2 yrs. baka this year oks na yan.

    ReplyDelete
  8. Actually, it is about things that pop up in ones mind from out of nowhere. It could be anything. Something about love, a subject we all know about, just seem to drive the point best.

    ReplyDelete
  9. dapat nilagyan mo ng ending na, after a while..pagkatapos niyang maramdaman ang ang parang ulan ng aspile..... at naalala niya ang mga luhang umagos..tumayo siya at hinanap ang daan ng lumisan niyang kabiyak .... siguro dapat this time mayroon ng magandang ending. Sayang ang panahon.

    ReplyDelete
  10. Melai, pwede rin. Okay yang ending mo.

    ReplyDelete
  11. Muling nilingon ang nakaraan...ang boteng kaharap ang kanyang kanlungan. Lilipas din ang pait ng damdamin. Sana sa aking mmuling pag-gising, isan maliwanag na isip at pusong magaan. Palayo kong tatahakin ang bago kong kinabukasan.

    Puwede na kayang ending yan?

    ReplyDelete
  12. hmmnn parang may mali sa palayo kong tatahakin ang bago kong kinabukasan schumey :) ..... di ba dapat papalapit :) ..pansin ko lang pero pwede ring mali ako :)

    ReplyDelete
  13. hhmmm,nakibasa na rin ng comments..

    tama ba ako?this is your own non fiction story?

    just let it go...you wont even notice that you are already in a healing path..

    masakit magbiro ang tadhana,pero..the show must go on..

    inom na lang uli tayo,ako,san mig light lang ang kaya ko. :)

    ReplyDelete
  14. Schumey, puwedeng pwede. To new beginnings away from old disappointments. Okay.
    __________________

    ghee, hehehe, the show must go on. Parang show biz talaga buhay. Ginagampanan natin ang inukol na papael. Iyan ang sabi ni William Shakespeare sa As you like it, "All the world's a stage, and all the men and women merely players."
    ___________________

    ReplyDelete