Wednesday, May 17, 2006

PI Blues.

Ang haplos ng agos sa baybay dagat ay mahalina. Ipikit mo ang iyong mga mata - Dinuduyan ka. Ang langit ay puno ng estrella. Dumilat ka, mga perlas ng langit nagsasaya.

Gusto ko ang ulan. Ang tumayo sa gitna ng bukid, tumingala sa langit, pagmasdang at ramdamin ang mga patak nito sa aking mukha. Gusto ko ang kidlat. Matyagan gumuhit ang matindi at nakasisilaw na ilaw sa maulap na langit. Gusto ko ang kulog. Ang makabinging dagundong na gumugulong, hilaga hanggan katimugan, silayan hanggan kanluran.

Halos walang tao dito. Nakapag-iisa ako: Lumalangoy na hubad. Sumisigaw na parang baliw. Nagdiriwang kasama ang mga anino at balang ng gabi. O kay saya ng malaya sa paningin at isipan na banyaga. Bayan ko. May P.I. Blues ako.
~~ o ~~

22 comments:

  1. Ako malapit ng matanggal ang P.I. Blues ko, bwheheh!!! inggit kano? tara byahe tayo!! alam ko di nman ganun kadali diba? pero tiis tayo kasi kailangan.

    Mahilig akong maligo sa ulan nung aking kabataan, kahit alam ko after ng saya mapapagalitan ako ni Nanay. Pero di gaya mo, takot ako sa kidlat at kulog.

    Wag mo nalang isipin na nag-iisa ka. dahil ramdam mo nman sa puso mo na dami namang nagmamahal sayo diba?

    Uy wag ka nalang magpaka misteryo, yawko ng ganun. ok lang na palitan ang pangalan. pero sana kaw parin yan... ung totoo lang!

    ReplyDelete
  2. O,ano na naman reklamo, tuts? Me wag na naman. Laging mayroong WAG! Malapit na kitang tawaging Manang niyan. :-)))

    ReplyDelete
  3. Ganito kc yan, meron akong isang blog na halos pinupuntahan ko araw-araw.. Umiiyak ako sa mga kwento nya, sinasama ko pa nga sa mga dasal ko. tapos nung huli kathang isip lang pala sya...

    ok lang kung tawagin mokong Manang, gusto kolang kc ung totoo... takot nakong maloko ulit eh!

    ReplyDelete
  4. tuts, sabi ni kulas, nakapag-iisa, hindi nag-iisa. Dami kasing fans si kulas, daming sabit. Saka sa Ingles Kalabaw, wysiwyg. :-]

    ReplyDelete
  5. sensya na, namali ako.. hehe!!
    yabang neto dami daw fans, o sige na totoo nman cguro yun kung ganon.

    pero ako di moko fans... ayokong maging fans molang, gusto ko kaibigan... kung ayaw mo ok lang.. diko nman yun mapipilit dba?

    ReplyDelete
  6. hehe lagi akong kasunod sa comments nyo :D

    MK,napakagaling mo namang kumatha ng tula. naaalala ko nung akoy estudyante pa,nasa stage at nagtatalumpati :)

    bakit tungkol din sa pagiisa? you`re not alone,anjan si Tuts ;)

    ReplyDelete
  7. Te GHEE indi daw nag-iisa... nakapag-iisa daw! heheh!!

    ReplyDelete
  8. Galing talagang tutula ni mang kulas. Ako rin miss ko ulan,pero ayoko ng bagyo.

    @TK,dapat kasi basahin mo mula sa simula yung kwento, para alam mo kung fiction lang or tunay. di ba mang kulas?

    ReplyDelete
  9. Cguro nga aanga-anga lang tlga ako Mmy Ann. madali din kc akong magtiwala ... di nman ako galit dun sa tao.. na hurt lang tlga ako!

    ReplyDelete
  10. Salamat, Ghee. Yan namang verse na iyan e ukol sa Getting away from the crowd.

    O nga Ann, from the beginning, and thanks. Ano kaya pinuputok ng butse ni tutubi? Di bale pag balik niyan mula Cebu, okay na yan.

    ReplyDelete
  11. MAng kulas, hindi pa nman pumuputok ang butse ko.. heheh!! dba nga ung binasa kong blog dati, di nman pala sya totoong tao.kaya na hurt ako.. eto nman, dnt wori ok nman ako...inde nman ikaw un syempre..

    ReplyDelete
  12. getting away from the crowd,
    we have one thing in common :D

    @TK,sino ba talaga sha??dito sa bahay mo,MK,ang dami kong napupulot na intriga :)

    @Ann,tip mo sa kin,offline mo sa YM ko :D

    ReplyDelete
  13. hi!! ako uli,MK!

    your first meme time.You`re the next IT!!

    pakitingnan na lang sa blog ko,ok?
    thanx!

    ReplyDelete
  14. hehehe!

    galing na tumula at magsulat galing pa sa photoshop.

    ReplyDelete
  15. waaaaaaaa.. asan na si MANG KULAS???!!! elow elow elow may tao poba rine?

    ReplyDelete
  16. Thanks for your comments, everyone!

    ReplyDelete
  17. MK,bat wala ka rin?nawala lang si TK :D
    hope youre okay :)

    ReplyDelete
  18. oo nga, sumama ka ba kay TK?

    ReplyDelete
  19. ako yung anonymous.

    ReplyDelete
  20. Ghee, Ann, gusto ng mamahinga ng laptop ko - laging nagdadabog. Binuhay ko naman tong luma kong PC para makasaglit-saglit ng blog. So, yan ang problemo.

    Hopefully, bumalik sa dating gawi, ASAP. Di ko kayo nalilimutan!

    ReplyDelete
  21. hinanap ko ang tagboard mo mang kulas..andito lang pala!para lang kayong nagchat nina TK, ann at ghee ah!hehehe

    ReplyDelete