Thursday, May 04, 2006

Pepsi.

Some things bring back old memories. It could be anything, a word, a sound, a picture or maybe something that tickles your nose. It is curious, however, that what we remember may have little to do, if anything, with what inspired us to reminisce in the first place. Kind of strange, huh? Anyway, to humor myself, I sometimes try to make sense of the situation:

Sabi ni Joe, hindi niya mawari kung ano ang dahilan ng pag-break nila ni Jane. Hindi naman daw siya nagkukulang sa kanyang pananalita. "Kailangan sabihin mo and nasa isip mo. Gusto nilang malaman ang pakiramdam mo! They feel insecure if you don't talk," ang patuloy niya. Hinde ba tahimik ngunit mapanganib ang “in” sa mga babae. Salungat yata sa postulasyon ni Joe na kelangan madada. Baka naman nasa tiempo o situwasyon ng pananalita.
Teka, ito pala naalala ko:

May nakaparadang Pepsi Cola truck sa Avenida Rizal. “Pepsi Cola is the drink for you,” ang kanta namin ng kapatid ko. Iyan kasi ang lagi naming naririnig na jingle sa radio noon. Di namin agad napansin may PR man pala ng Pepsi Co. dun.

PR Man, nakangisi: That’s very good, Boys! Listen, I will give you a case of Pepsi, if you can tell me what makes Pepsi the best soft drink in the world!
Kami, excited: Because it tastes good!
PR Man, pailing-iling: No.
Kami, di na kasing excited: Because it quenches your thirst?
PR Man, medyo serious ang tono: Nope, Ok boys, make it good, last chance!.
Kami, kinanta na jingle. Wala ng maisip, e: Because... Pepsi Cola is the drink for you!
PR Man, parang pilosopo: Nope. Quality! Quality makes Pepsi the best soft drink in the world!

Pag-sulong ng truck, natawa na lang kami ng makita namin ang mahiganteng salitang “Quality...” na nakasulat sa likuran ng truck.

So ano ang kinalaman nito sa kwento ni Joe?
Sino makapagsasabi kung ano ang tunay na dahilan ng alitan nila? Ang payo ng pundits e, "talk it out." Sabi nila: Ang madalas na dahilan ng pag-aaway ay ang pagkukulang ng communication. Nababaun ang hinanakit, at pag lumabas ito sa di tamang pagkakataon, bakbakan ang resulta.

So, kung ano man ang problema, kailangan pag-usapan ng mabuti, and needless to say, "What makes Pepsi Cola the best soft drink in the world," ang dapat na katangian ng usapan.

Gets mo...? He, he, me tama ba o mintis. Sabi ko sa pasimula pa lang, maaaring malabo relasyon, di ba?

12 comments:

  1. yipppeee!! ako una dito ... pero wala muna kong comment kasi malabo din e ...nanlalabo mata ko teka maghihilamos at mag aalmusal muna ko ...nanlalambot pa ko e lol!!!

    ReplyDelete
  2. ATe Melai tlga! hehehe

    Totoo yan, Jericho! sa isang relasyon minsan alang kwenta kung gaano na kahaba ang relationship nyo kung umabot man yan ng 10 years kung walang quality alang kwenta hindi ba?

    Gaya nalang ng conversation nyo sa telepono. Ako lagi-lagi akong tumatawag sa asawa ko. at laging isang oras ang tinatagal nito. Pero napapansin ko ung last 5 minutes lang namin ang tumatagas sa isip ko.. kung saan mga quality na ang usapan.

    Isang tanong nalang Mang Kulas, wag kang angas sabihin lang ang totoo. Ang mga post at comment koba e may quality? sagutin moyan!!

    ReplyDelete
  3. nyahahaha... sayang... kung medyo inikot ikot nyo mata nyo eh may pepsi na kayo.

    hindi ako magmamagaling, medyo hindi ko gets ang kuneksyon nito sa gelpren at relasyon ni Joe at sa Pepsi...

    ReplyDelete
  4. melai, ano ba yan wala bang tubig ngayong umaga? Hilamos lang! Sige kain muna, pagasolina. Mamya uli.
    tutubi, ang talas mo talaga! Hirap naman kasi ng masyadong magkalayo. Ang sakit na siguro tenga mo niyan sa telepono, pero okay lang.

    Natural, me quality mga post mo, pati na comment. Ikaw pa! O, sino angas?
    phoebe, O nga, kahit isang bote man lang, ano?. Ang init pa naman noon, ka-uhaw. Di ba nakalusot analogy ng quality ng pepsi sa quality ng pinaguusapan nila Joe at Jane? Daplis kaya?

    ReplyDelete
  5. Mahal mo tlga ako no? aMinin mo?

    Bwhjeheh!! lam ko nman yan, mahal mo kami lahat. at #1 pa kami lahat... at walang tulak,,, at walang kabigin...

    tamo memorize kona linya mo?

    ReplyDelete
  6. quality ba ang kelangan?

    di ko alam yan eh, saka di ako umiinom ng Pepsi, kaya siguro di kami nagtagal ng bf ko dati....

    nyahahaha!

    ReplyDelete
  7. Hayun ang koneksyon, pag di ka uminom ng pepsi di kayo magtatagal ng syota mo..hehehe..

    seriously speaking, importante talaga ang communication, mahirap yung nanghuhula ka lang sa bawat kilos nya.Minsan iba yung ikinikilos o ginagawa sa talagang nararamdaman. Sana may sense din sinabi ko..hehehe..kakahawa si tutubi eh.

    ReplyDelete
  8. Siempre naman mahal! Sino ba naman hindi nagmamahal kay tutubi? Ang galing pa ng memory.
    Mmy-Lei, he, he, di bale na yung dati. kuha na lang ng bagong bf. Di naman problema sa iyo yan. :)
    Ann, very perceptive ka pala! Iba na talaga may experience, ano? Naluma kaming lahat.

    ReplyDelete
  9. ang ganda ng pasakalye...feel na feel ko na,nang biglang...

    ok,lets admit,quality not quantity..hehehe,nasan ang koneksyon?
    wala lang...

    Mang Kulas,kita ko na yung address ko sa bahay mo.certified neighbor na kita ;)

    ReplyDelete
  10. MAng Kulas..sssssssssss
    dagdagan mo nman ung kapitbahay mo, sige baka magtampo ang mga yan. at para madali kang makapunta sa mga bahay bahay... suggestion lang yan...

    PERO,... dapat # 2 ako jan!! wag papalitan.... o jericho!! bwhehehhe

    ReplyDelete
  11. oo nga mang kulas bakit wala ako sa link mo..waaahhhhh....

    ReplyDelete
  12. tutubi, Ann. O yan, dinagdagan ko na. Latest is Apple of my eyes. Apple na lang, ala-misteryosa. He, he, di ba kasi si Eva at Adan e may apple ang istorya.

    ReplyDelete