Wednesday, April 26, 2006

Ingles Kalabaw

Musta ka na bisita? Ok ako. I hope na ok ka rin. Alam mo, bagong luto itong blog na ito. Mapapansin mo na naghalo ang Ingles at Tagalog sa mga salita ko. Yan na nga e, kasi sa totoong buhay ang Pinoy ganyan magsalita at di sa kung ano pa man, ganyan lang talaga kinalakihan ko. May alam din akong kaunting bisaya, kaya paminsan minsan may halong bisaya rin ang salita.

Okay, pasensya na at walang masyadong info about my profile. I don’t know about you, pero mabuti na ang may kaunting misteryo. I mean, may clue sa tono at grado ang mga salita, salaysay at kuro dito, kaya maaring mahulaan mo kung ano o sino ako.

Of course, gusto mong malaman, what this blog is about. To be honest, this blog is in response to a comment in melai’s blog. Sabi ni Nelan, sana my blog site ako para masuklian niya ang pag comment ko sa blog niya, and I thought that was a good idea.


So, Ingles Kalabaw is born!
I have to warn you, though. Hindi araw-araw ang posting ko. Maaring hindi rin linggo-linggo. Kung baga sa stock market, hindi ako day-trader. I am more of an opportunity trader. In other words, new posts, and they can be on any subject from the heavenly to the mundane, will be when opportunity and inspiration arise. Isa pa, no guarantees kung maganda o hindi ang istorya or if it makes sense. Sabi nga, wysiwyg (what you see is what you get). Daming caveats ano?

Default template yata itong design na napili ko. Bakit? "Simplicity is beauty," "make it simple stupid," di ako marunong mag-design or la akong time. Pili na. Multiple choice yan, and don't worry, walang maling sagot.

Walang particular audience o kaya naman lahat ay target audience. O sige na nga, comments will tell kung sino. He, he, he, daya mang target ni kulaspero.

Okay, pahinga muna buladging ko. Ikaw naman magsalita. You know what to do.

Yours Truly,

Kulas


17 comments:

  1. ayan! e di ang ganda ..masarap ang may sariling bahay kahit barung barong lang diba? :) ang danda naman ng tsinelas mo polkadots ..teka bakit wala ako sa link? parang kaya ka nagkabahay dahil sa kin sabi mo e :)..sige blag lang ng blag nagmamadali ako e baka iwanan ako ng erpleyn ..ingat ..guud luck ..keep on blagin! Ikaw ay bato!(U rak!)

    ReplyDelete
  2. aha! ikaw pal si mang kulas na binilhan ni melai ng tsinelas?, welcome sa blogsphere maa-addict ka rin tulad ng marami, tulad ko na-addict na sa blog.

    ReplyDelete
  3. melai, kaw naman oo, e dalawang link ang nariyan sa blog ah. But, not to worry, kulikutin ko template. Ikaw pa, malakas ka sa akin.

    jlois, eto na nga e, pa blog blog na. Ganda ng blogsite mo, jlois. Makata ka pala.

    ReplyDelete
  4. mang kulas pabili ng tsinelas!

    feeling ko matagal ka ng lurker o blogger.

    pero, sige kung yan ang gusto mo, misteryo epek ka, walang problema dun.

    welcome na rin sa blogsphere, sensya na at di simple ang bahay ko, maraming kumukutitap dun.

    ReplyDelete
  5. welcome sa blogosphere, di ko to nabasa, babalik akong muli para basahin..pero 2 beses ka nang nabanggit ni melai at dun kita nakilala..


    maadict ka! este mabuhay pala

    ReplyDelete
  6. Salamat sa pag bisita.

    So Melai-inspired pala tong blog na to. How did you like the blogging world?

    ReplyDelete
  7. Gandang araw senyo MAng Kulas
    kahit ginabi ako, ayoko ko ng ipagpabukas

    Sa bahay ni Aling Melai ika'y kanyang laging banggit
    kaya lahat ay na curious kung ano ang inyong mga hirit

    sa wakas ay nasulyapan na
    kahit mukha'y takpan mopa

    Ang inyong lingkod si Munting tutubi
    Na ang katauhan moy laging gamit sa aking entry

    Nawa'y inyong pahintulutan
    Diko man kayo mabayaran

    Sguro'y pag dating nlang ng araw
    kung saan hahandugan nalang kita ng isang sayaw

    Dahil sa bago mong bentang tsinelas
    Ako ngayon lilipad na pataas..

    Gudnyt napo Mang Kulas!!

    ReplyDelete
  8. hehehehe sikat na si mang kulas baka di na mamansin lol!

    ReplyDelete
  9. May talent fee ba si Tita Melai? Anlakas ng talent manager ah! Sikat na sikat si Mang Kulas. Tsinelas lang ba ang itinitinda nyo?

    ReplyDelete
  10. heheheh dapat may 20% man lang ano te pipay :)

    ReplyDelete
  11. Welcome po Mang Kulas!Kita ko rin kayo sa bahay ni Melai!

    simple man daw ang barung barong,basta ba tao ang nakatira,oks na oks na ho...

    sana nga po,ganahan kayo sa pagsulat,at nang may mabasa naman kaming medyo kakaiba =)

    ReplyDelete
  12. Melai, bakit 20% lang? Hati sa gitna – fifty-fifty dai! Hibang, yes Melai did, and I like the blogging world. What with:

    Tutubi’s sentimental and romantic renditions of korniks;

    Jlois’s and pipay’s ode to their loved ones.

    Melai’s lighthearted and sometimes poignant perceptions of a day in the life.

    Mmy-lei’s siete pares. Akala ko nagyayayang mag mah jong. 7 pairs, ambisyong kartada yan.

    And, Ghee's pakindat encounters diary.

    ReplyDelete
  13. Pasensya na Mang kulas kung sa kakornihan ko ikaw ay nasabugan
    Pagkat si tutubi ay isang munting bata pa lamang

    Ngunit kung inyong mamarapatin at aaminin
    Na minsan sa buhay nyo, kayo ay naging korni rin.

    ReplyDelete
  14. Tutubi, numero uno si Kulas sa kakornihan, este si Mang Pilo pala na kamaganak ko ang #1. Okay, numero dos ako, at di lang minsan, madalas. :)

    ReplyDelete
  15. mang kulas welkam sa blogkada!

    sana ang iyong kakornihan ay magdulot ng saya at makapang-akit sa masa

    ... upang maging mabenta ang mga tsinelas na iyong tinda...

    ReplyDelete
  16. susme updeyt updeyt, ng di kami magsawang bumisita tsk tsk tsk tsk!

    ReplyDelete
  17. Onga, dami ko ng tulang nagawa
    mag update nman kayo Ka isko... este Mang kulas pala!!

    ReplyDelete