Napakaganda ng pangitain mula sa bintana ng hotel na tinutuluyan ni Kulas. Sa katahimikan ng kanyang silid, parang sineng walang talkies kung malasin ang mga sasakyan at tao sa ibaba. Akala mo’y mga langgam na sunod-sunuran lamang sa likas nilang katangian. Ng Patayin ni Kulas ang ilaw sa kanyang silid, natiwalag siya sa mundo na kanyang kinabibilangan. Naging tagapagmasid na lamang siya na walang paki sa buhay ng sangkatauhang kanyang pinagmamasdan.
Napakasuerteng pakiramdam ito. Tahimik na tagapagmasid: Walang hirap at pasakit. Walang hinagpis at kabiguan. Malayo at tiwalag sa pang araw-araw na gulo sa mundo!.
Nang Huwe, ang OA naman nare!
Mga kablags napundi si kulas ng magawi siya sa Inq7. Sang katutak na namang kabalbalang balita ang nabasa niya. Nabulabog ang kanyang masagana at masayang mundo. Nadistorbo ang kuntento niyang kalagayan. Nawalan siya ng ganang kumain, hindi dahil sa masakit ang kanyang ngipin, ngunit dahil sa mga sawing palad sa minamaahal niyang bayan.
Mga mangingisdang sawi dahil sa mercurying lason na kumalat sa kapabayaan ng banyagang nagpautang ng ilang milyong dolyar sa pamahalaan ng magiting nating pangulo. .
Malabo ang kinabukasan ng ‘pag-asa ng bayan’. Malamang na mangulelat sa paligsahan ng talino sa mundo. Higit sa isang daang istudyante ang pilit na sinisiksik sa silid paaralan dahil sa kakulangan nito. Ano ba yan? Sa halip na aminin at bigyan lunas ang kamalian, pinagalitan at hiniya pa ang tagapag balita, ang naatasang sumuri ng pangangailangan! Masyado namang kapal muks yan!
Ipagkait ang katotohanan. Iyan ang sagot ng kinauukulan. Gawaing mangibabaw ang kasinungalingan. Iyan ang magandang halimbawa ng nagbibida-bidahan!
Ano naman ang magagawa ni Kulas? kinlik niya ang daga at viola! Nawala ang problema.
Nawala nga ba?
PAg Gobyerno na ang usapan kulas, di ako tyak kung meron tayong magagawa pa o maipaglalaban man lang kaya... Kung nasawa kumunoy ka, lalo ka lang nilang hihilahin pababa... at pag alam na tama ka, gagawa at gagawa sila ng baluktot na idea para mamali ka... lam mo yun? magulo man ang comment ko alam ko naiintindihan mo dba?!
ReplyDeleteLinaw nga comment mo Tuts. Wala na nga akong maidadagdag pa diyan.
ReplyDeleteIsa lang ang sagot diyan :)
ReplyDeleteumuwi sa pinas at sumama sa pagbaha ng mga mamamayan na gusto ng tunay na pagbabago sa kalsada, at sabay sabay na isigaw na Gloria resign at pagkatapos ay sama saman isulong ang tunay na inisyatibo ng bayan ang tunay na transition government ..... sige na uwi ka na!! .... basta ako ....matutulog .....matutulog ng wala ng gisingan para wala na kong makita... wala na kong madinig..
O di kaya naman, syempre.. tama lang yang pag bablog mo tungkol sa isyu na nakikita mo, sana lang may gumamit sa google ng mga linking text na maaring mabasa kung ano man ang sinulat mo :)
magblog para sa tunay na pagbabago at kalayaan mula sa pamahalaang nagsisilbi sa mga dayuhan at ilang kapitalista at panginoong maylupa :)
Melai, darating ang pagkakataon. Sa ngayon, hindi papayag si kulas na maging isang bilang lamang sa statistics.
ReplyDeletedi nawala, nakalimutan lang pansamantala...
ReplyDeletesagot dyan, kumandidato ka na sa sunod na eleksyon para may tagasolusyon sa problema ng bayan o kaya apply ka ng adviser ni gloria.. kaya lang di yata papayag si melai na magrabaho ka ke gloria..
tama syapalawakin mo na lang mga sinulat mo baka mabasa ng presidente talaban ng hiya.. hehe!
ipinanganak na alipin, mamamatay din tayong alipin! yan ang buhay-pinoy :(
ReplyDeleteang mas masaklap!!! sa kapalaran natin ... ipinagbibili tayo ng kapwa natin alipin!
Naku napahanga ako ni ATe Melai.. tama si Misty kumandidato ka Kulas at kunin mong bise si MElai... patok yan pag nagkataon..
ReplyDeleteang lalim din Ni Neneng... kunin mong kabinet member.. kami ni Misty mga Muse nyo nlang... wag kayong kukuha ng artista ha? bawal... dapat kami lang!
lam mo MK,masyado nang palasak pero hindi kayang itago o ipagsawalang bahala ang reporma ng ating bayan..
ReplyDeletebakit nga kaya ang tao,pag nakahawak na ng kapangyarihan,kahit na gano pa katino,nagiging baluktot at gahaman...
ano nga kaya ang pinagkaiba ng presidente ng bayan,at presidente ka ng yong tahanan?malaki..sa bahay,ikaw ay sinusunod dahil sa ikaw ay minamahal...
sa bayan,ikaw ay tinitingnan dahil sa pedestal na yong inuupuan,subalit walang pagmamahal,at respeto...
sana nga,dumating ang isang araw na maayos na ang lipunan..
sige,kandidato ka na..iboboto kita :)
Teka! Tuts, Melai, ghee, misty, racky, at Kulas. Anim na boto ko. Pede na kaya yan?
ReplyDeleteAha! Kelangan pala natin magtayo ng Huweteng bisnis. Pampuhunan!
Hehehe.
Hwag jueteng mahina yan, Jai Alai nalang para mas malakas at medyo sosyal! heheh!!
ReplyDeleteTuts, mahirap kumuha ng players ng Jai Alai, samantalang sa huweteng, kobrador lang kailangan!
ReplyDeleteAh basta kahit ibenta ko katawan ko, manalo kalang.. bwahahahh!!! me bibili nman kaya ng mga bilbil ko na per kilo?
ReplyDeleteUy, huwag naman, tuts. Siguradong maraming bibili, pero di naman yan ang gusto nating pasukang bisnis. Hehehe.
ReplyDeletehindi ako naniniwala sa eleksyon ..sori nabawasan ng isa boto mo hehehehehe!!
ReplyDeleteSayang melai, kaw pa naman sana campaign manedyer ko diyan sa Tondo! ;-[
ReplyDelete