Alam mo ba, nantutukso ka?
Talaga? Hinde ko naman sinasadya.
Hindi ko lang mapigil magsalita.
Tumatawag ng pansin, magpapuna.
Alam mo ba, ang boladas mo?
Hinde ko maipagkakaila.
Nararamdaman ko kasi ang damdamin niya.
Kasalanan ba kung ang kayang mga luha ay aking ipagdusa.
O kay hirap ng may damdaming ulila.
Humahanap ng damdaming mag-aaruga.
At sakaling damdamin ko ay aking makita, pagdamay ang diwa.
Unuwain mo ako. Gusto kong malaman mo. Ikaw ay Ako.
Ano ang sakuna? Kung ang dalawang damdamin
kahit katawan ma’y nagkakalayo at hindi nagkikita.
Hindi man tagumpay at wagas na ligaya
Sa damdamin man lamang ay mag-sama sila. Masama ba?
Alam ko, hinahamak ang umibig sa di lang isa.
Kinasusuklaman, sinisipa, sinasabing salawahan ka!
Para sa akin, ito ang parusa.
Ang umibig ng maraming kulasa.
Sunday, April 30, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
title: Senti ba ito?
ReplyDeleteIkaw ba ito? o Ako?
gusto kong unawain,
gusto kong intindihin
ngunit kahit pano ko pilipitin
puso mo'y nagdurusa parin
kung pag ibig ang tumbok mo
minsan walang sagot sa mga tanong mo
dahil sabi nga nila
there are words that need to be left unspoken
for the heart that has just been broken
because no one can really explain
the feeling of hurt and pain
Mang Kulas, d2 lang si tutubi... i'll stand by...
NOTE: Uy dinugtungan kulang yung tula ni Mang KUlas, dipo ako ung tukoy nya jan.. hehehhe!
ReplyDeleteMusta na, suking tutubi. Ayos tilaok mo ah. Bato, bato sa langit iyan. Hinagpis ng mga damdaming salarin, according to kulas. Walang itulak walang kabigin. First honor ka na naman ng bahay-bahayan ko. Thanks, again.
ReplyDeleteMang Kulas,
ReplyDeletehart broken poba kayo?
hindi nman sa nag de-deny ako, hindi po ako natamaan ng bato nyo... dahil naunahan na ako ni Darna at sinubo nya ito...bwehehe...
lebor dey pa nman sa pinas, ang aga nyo rin pong tumilaok... heheh!!! si tutubi po marunong magbigay ng payo-payohan. andito lang lagi kung ako ay kailangan. lilipad... lilipad.. kapitan basa... este... tutubing karayom..
Lagi nga akong pers sa attendance, pero ewan kolang kung maganda ung grades ko... heheh
mang kulas sobrang mapagmahal pala kayo...sa tanong mo kung masama ang umibig sa di lang isa, sagot ko hindi.
ReplyDeleteang payo ko, "pwede mo silang dagdagan 'wag mo lang bawasan..."
lol!
parang you can't serve two master at the same time yan mang kulas,
ReplyDeletekung ang iyong tinutukoy ay ang pagmamahal sa opposite sex, hindi yun usapin ng pagkasuklam sa ganyang gawain ..kundi usaping ng respeto sa unang babaing iyong minahal
pero kung usapin ng pagmamahal sa puso na dapat ibahagi sa lahat
share your love to everyone ...... isa kang magiging ulirang mamamayan niyan :)
hehehehe nahawa ka ba ng ka-emohan?
Waaaaaaaaaaaaaaaa.. mang kulas, mang kulas .. anjan ka paba.. napatid ang aking lumang tsinelas..
ReplyDeleteheheh.. makikichismis... sana .... ang ... butchiking tutubi...
pasensya na mang kulas kung ngayon lamang ulit ako nakabalik. hinahanap ko kasi ang link mo ke melai kaso naguguluhan ako sa url nya, me problema sa i.e. kaya link na kita forever.
ReplyDeleteang hirap naman ng kalagayan nyang tula mo! sino nga ba ang number 1? mahirap pumili kapag maraming kulasa! oo, talagang hinahamak ang taong maraming kulasa/kulas sapagkat di yan makatarungan!!!
hehehe
Mang Kulas,meron pala kayong malalim na sugat sa puso?Hindi natin mapipigil ang pagmamahal na umuusbong sa di inaasahan.at nasa inyo po yan..kaya lang magingat kayo sa inyong mga kulasa ;)
ReplyDeleteasino nga ba si Number one at ..??may numbr 2 ba?
hmmm,masyadong palaisipan...sa susunod,pakiklaro nga po =)
O nga, labor day sa Pinas kahapon, tutubi. Walang pasok ang karamihan, pera lang si mistyjoy. Ang galing nga ng blog niya ukol diyan. Btw, mistyjoy, ok yang payo mo ha, dagdagan pa. Ako pa? He, he, joke only. ;)
ReplyDeletemelai, agree ako diyan, mahirap may double job. Kelangan lang talaga discipline. Kung minsan nga lang, mahirap kalabanin dahil di naman lagi logical si kulas at kulasa. Yang emo, sabi nga ng iba, di-logical yan. Tulad ni Mr. Spoch, ng Star Trek, walang emo, pero nahahawa rin paminsan-minsan. :)
No problem Mmy-Lei. Good to see you. Iyan ng nga ang hiling e. Sabi ni kulas e ‘Can’t help.’ Parusa na nga e. And you’re right! Daming ring kulasa diyan na parehas ang parusa. :]
Kita niyo comment ni ghee, “Hindi natin mapipigil ang pagmamahal na umuusbong sa di inaasahan.” Palagay ko agree kayong lahat diyan. :}
O, sino hinde agree? Aber, aber!
Mang Kulas Me tama ka!!!
ReplyDeleteI Absolutely agree. pero sana sa isa nlang, wag mo ng dagdagan ha? Di man natin inaasahan umusbong kung kelan, pero pwede yang pigilan kung wala na sa lugar hindi ba mang kulas? ng wala lang maapakan.
tenchu!!
Mang Cool-as,ni link na kita para hindi ako mahirapang mangapitbahay...Pakilagay na nga rin po ng aking pangalan under TK ;)
ReplyDeletenaghilom na po ba ang inyong pusong nasugatan?
sana naman,kayo`y nasa mabuting kalagayan =)
MAng kulas peram ako ng picture nyo, ginamit ko sa entry ko! tenchu!
ReplyDeletesige na nga agree na pero kailangan hindi ka lagi kumaliwa ... kailangang maging rasyunal ka wag kang patalo sa emosyon .... kung magmamahal ka ulit abah e kausapin yung number one makipaghiwalay ng maayos hindi yung pagsasabayin mo diba? di ako naniniwala doon sa sinasabing pantay ang pagmamahal merong isa siempreng mas matimbang ...yung gusto mong makasama habang-buhay ...yung gusto mong makita kahit na ano itsura niya pag-gising niya sa umaga ...yung aalagaan mo ng tunay ..diba at alam mong mag-aalaga din sayu ng tunay
ReplyDelete