So, malapit na ang fathers day. O, yang mga mapapalad na anak diyan na kilala ang ama nila ihanda na greeting cards, regalo, ang sasabihin sa long distance call, o kaya naman ang pag-bisita sa sentemeryo.
Teka, sandali lang. Kailangan ba talagang bumati? E, papaano kung di mo ka-vibes ang erpat mo o kaya naman ay hindi niya ginagampanan ang tungkulin niya bilang ama? kailangan din bang mag masabi ng happy fathers day?
Kung sabagay, madaling sabihin yan, kahit hindi mo inaamin. Sabihin mo na para walang gulo. Masasabi ko sa iyo na kahit na anong hinanakit mo sa tatay mo, sa kung ano pa mang dahilan, tatay mo pa rin siya. Dito ginagamit ang tinatawag na white lie. Baka matawag ka pang walang utang na loob, itim na tupa, suwail na anak at kung ano ano pang di magandang pakingang salita.
Iisa at iisa lamang ang tunay mong ama, yung biological father. Datapwat, maari rin naman na iba ang gumagampan ng tunay mong ama. Narinig mo na ba ang salitang, siya ang tatay ko, ngunit siya ang tatay ko. Ano ang kaibahan ng una sa pangalawa? Di ko na siguro kailangang ipaliwanag pa. Alam ko na alam mo kung ano ibig sabihin nito.
So, anong pahayag ng kuro-kurong ito?
Si Monching ay malapit kong kaibigan. Ang tatay niya ay isang marangal na tao. Hindi siya santo, ngunit higit siya kaysa ibang magulang. Dinamitan, pinakain, at pinaaral niya si Monching. Binigyan ng pangalan at bahay na matatawag na tahanan. Datapwat, sa tanang buhay ni Monching, hindi silang dalawa nagkaruon ng panahon na pinagsaluhan.
Hangang lumaki si Monching, hindi sila nagkaruon ng pagkakataong magusap na mag-ama. Wala siyang bagay na masasabing, ito ang natutunan ko sa tatay ko. Wala siyang sapat na halimbawa o kasangkapan sa hinaharap niyang katungkulan. Kapos-kapalaran, walang clue ang tatay ni Monching kung sino si Monching.

Happy Father's Day!
Hay ang lungkot nman nun.
ReplyDeleteKasama ko ang erpat ko ngayon dito. sa kabutihang palad super close nman kami. dadys girl kc ako. Masaya ako dahil sa akin naatas ni Lord na alagaan sila. at bukal nman sa loob ko ito. mahalko sila at malaki utang na loob ko sa kanya...
Kaw kulas alaka pabang Anak? ampunin mo nlang ako para ma greet kita ng happy fathers day.. at least kaw may idea kung sino anak mo dba? incase ampunin mo nga ako!!
happy fathers day sa lahat ng father, tatay, daddy, papa, papay, popsi, at erpat sa sanbuong daigdigan...
baka naman ang tatay ni monching ay di makapagsalita, di tuloy nya mapangaralan anak nya... lol!
ReplyDeletetatay ko ala lagi sa bahay.. nasa ibang bahay hehe! nasa kanyang new mama, pinadadalhan lang kami ng chibugin...saklap ng layf ko noh?!
Maraming ganyan tuts. Fact of life yan. In this case, ang istorya ni Monching ay paalala, hindi lang sa mga Ama, ngunit sa mga Ina rin. Kasama ka na diyan tuts, pag sinuerte ang date niyo ni Kulas mo. Hindi akong kulas ha, yung kulas mo, hehehe.
ReplyDeleteOo sana nga na shoot ni kulas ko na three points nya heheh!! wag kang mag alala, maayos kong palalakihin ang mga kulas jr at tuts jr.. heheh
ReplyDeletePaano na yan, Misty? Saklap nga, pero di bale na! At least, mapupula naman ang hasang niyo. ;-)
ReplyDeleteBakit Tuts, puro dayunior ba mga yan?
Basta ako
ReplyDeletekung ano ako ngayon
lahat yun dahil sa tatay ko
negatibo man o positibo
siya ang me kasalanan ng lahat
-----
-----
-----
lol!!
biro lang
luv my tatay
no matter what
magkamukha ata kami
:)
happy fathers day seyu
mang kulas :)
Naku Melai, tumpak ka diyan. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. But then, of course, in every rule there is an exception.
ReplyDeletePaki Happy father's day sa tatay mo! :-)
makakarating mang kulas :)
ReplyDeletesalamat!
happy fathers day din pala sa tatay mo:)
ako din, kamukha ko tatay ko kaya lumaki akong papa's girl. lab na lab ko siya :) happy fathers day sa mga tatay natin!
ReplyDeleteno comment!
ReplyDeleteHappy Father's Day nalang syo MK!
Melai, Jairam, mmy-lei and all else, thanks! Ako naman me hawig, pero di kamukha ni erpat. Teka, iniisip ko pa kung ano namana ko sa kanya... Hmmm, wala yata. Hinde, siguradong meron siempre. Di ko pa lang maisip. ;-)))
ReplyDeletemmy-lei, blog mo na lang kaya comment mo! We lab you mmy-lei.
HIndi nman puro dayunior syempre... dapat meron din magmana ng aking beauty heheh
ReplyDeletenauna na vatertag sa amin! pero binabati ko uli mga ulirang Ama, ama-amahan, etc :D
ReplyDeletesumunod sa mga bakas ng 22B, paru2 at mga mmys!
guten tag Mang Kulas! pede rin ho bang mangulit dito?
Sige, tuts. Kailangan ng mundo ang maeaming tutubi.
ReplyDeleteracky, U R welcome here anytime!
hayy...fathers day...
ReplyDeletehappy fathers day to you? or your father.
ghee, okay ang bati mo - covered lahat ng posibilidad!
ReplyDeleteako rin! hapi fathers day kulas!! bwhehhe
ReplyDeleteKULAS!! tapos na ko sa yo,ayaw mo nang pumunta sa bahay ko.. bahket?
ReplyDeleteok lang...
hindi pala tapos, tampo*
ReplyDeleteTuts, same sa itay mo!
ReplyDeleteghee, huwag ka ng magtampo, papunta na si kulas diyan sa inyo.
kuls, ala eh matalinhaga na naman yang sinabi mo, di ko maintindihan yung mapupula ang hasang.. isda ba kami? hehe!
ReplyDeletehappy fathers day!!!!
misty, mapula hasang means, masagana ang kainan. Yan ang sinasabi sa amin nun pag magana kain: O, ano kulas, mapula na naman ang hasang mo at nakapamiesta ka. Hehehe.
ReplyDeletewalang bagong post? yoko netong topic mo!!!
ReplyDeletehuhuhu
Sensya na, mmy-lei. May susunod ng bago. Pagkatapos ng papa's day. ;=)
ReplyDeleteang tagal ng bago tsk tsk tsk!!
ReplyDeleteatat na ko
lol!
happy faTHER'S day!
ReplyDeleteKulelat na tuloy ako dito mang kulas, di bale hahabol pa rin. Happy father's day syo at sa lahat ng tatay.
ReplyDeleteev_lyn, Ann, Happy papa's day rin sa papy ninyo. Paabot na lang kay KD, Ann.
ReplyDeletewalang update MK?
ReplyDelete