Monday, May 08, 2006

Congrats Kulas.

Noong mga nakaraang linggo, marami akong blog na nabasa ukol sa graduation. Isa na diyan yung nangyari sa graduation ceremonies sa Cavite State University na ang guest speker e si Gloria. Okay yun ha, pero hinde ukol diyan ang salaysay ko ngayon.

Ano ang graduation sa atin? Hindi ba family affair yan? Plantsado mga damit at kung minsan naka-hairdo pa nanay, hindi ba? Okay, talaga naman ganyan. Kahit na mga kaklase ko, buong mag-anak kasama. Ang dami pang kuhaan ng litrato ng pamilya, titser, kakalase, at kung ano-ano pang gimikan. E si Kulas, papaano graduation ni Kulas?

Noong nag-graduate ako ng elementary school (grade 6), solo lipad ko. Ako lang mag-isa. Bihis, siempre! Naka-pomada at naka burdahing barong pa nga. Kaya lang walang nag-attend. Ako lang. Paano nangyari yun? Sa totoo lang di ko na rin maalala kung ano dahilan.

Medyo malungkot isipin, pero sa pagkakataong iyun, di ko na inisip na
malungkot. Basta pumunta na lang ako mag-isa. Hindi naman kasi kalayuan ang eskwelahan sa bahay namin. Nilakad ko na lang. Pagdating ko doon, nakita ko si Romy, ang best friend ko, at ang dalawa niyan nanay(ibang istorya naman yan). Doon na lang ako umupo sa tabi nila.

Pagkatapos magsalita ng kung sino-sinong importanteng tao na di naman namin kilala, tinawag kami sa intablado at binigyan ng diploma. Actually, kopon-bond lang na nirolyo na may laso, dahil di pa yata naimprenta ang tunay na diploma.

Pagkatapos ng seremonya, “Congrats Kulas! Halika, sumama ka sa bahay namin. May handaan,” ang sabi ni Romy. “Hindi ako pwede, Romy. May handaan din dun sa amin,” ang sagot ko. Alam mo na, palusot si Kulas.

Umuwi na ako. Pag dating ko ng Bahay… Pili kayo ng ending:

* Walang tao. Nag-kalituhan. Nahuli silang lahat sa graduation. Hinahanap nila sa Kulas dun,
kaya walang tao sa bahay.

* Naku! Ang daming tao. May surprise party pala si Kulas.

* Isang karaniwang araw sa tahanan nila Kulas. Parang walang nangyari. So, nag-graduate si Kulas, Good!

52 comments:

  1. Mang Kulas, kahit sino mas pipiliin siguro ang me surprise party hindi ba?

    Pero sakin di importante yun, ang mas importante eyung sinuportahan ka at naging proud sila nung umakyat ka ng steyds at pinalakpakan ka nila.

    ako din nag gradute ng greyd 4. alaring handa, kc college lang ang pinaghahanda samin pag graduation. kaya wag kang mag alala dika nag iisa.

    Nung mag college nman ako, isa man sa kamag anak ko alang nag attend kasi alam nilang alang handa. di ko kc feel ang handa handa nman.. gusto ko mag swimming. ang init kc. heheh

    ReplyDelete
  2. PAHABOL: Mang Kulas, so ano nga ba ang ending? heheh!

    Onga pala di ako Cebuana, cabalen kami. nadestino lang si Mahal ko sa Cebu... kaya dun dadapo ang tutubi.

    ReplyDelete
  3. :( lungkot naman yan
    hindi ko huhulaan kung alin diyan ang nangyari ..pero yung kwento mo na grumad ka at kaw lang mag-isa ..sobrang lungkot na yun ...naiiyak na ko teka .....................................................................

    ReplyDelete
  4. teka ito pala ang talagang sadya ko ..yung dati kasing template may page na home ..e yung template na gamit ko now wala kaya error yan ..gusto mo palitan ko ulit template ko?? para di na nakakalungkot...... o kaya naman ayusin mo na lang yang link ko seyu :) para di nakakapagod :)

    ReplyDelete
  5. tutubi, yan pa. Mag-swimming na lang tayo.
    tekla, sige kopyahin mo pic ni Kulas, okay lang.
    melai, actually, malungkot nga, pero buti na rin yun at nasanay ako. Ganun din noong high school at college graduation. Sabi kasi napulot lang ako sa bangketa, He, he, he. Wala, eh. Ano pa magagawa. Nga pala, ayos na link ko sa bahay mo.

    ReplyDelete
  6. asus mang kulas, mamaya mabasa yan ng nanay mo baka mabatukan ka pa tsk tsk tsk ...ganyang ganyan nangyari sa kin nung pag-uwi ko ng pinas, may isang entry ako na nakapagpalungkot pala sa nanay ko..di daw niya akalain na sa kahit sa isang maikling panahon, makakaisip ako ng ewan ko.

    ReplyDelete
  7. nakakalungkot naman! ayaw kong piliin ang #3 pero parang dun patungo.

    sinabi mo ba sa kanila na graduation mo? baka naman nilihim mo! katulad ng ginagawa ko kapag recognition sa amin nung high school. Di ko na sinasabi sa nanay ko kasi alam ko dun sya pupunta sa kapatid kong isa, kaya hinihila ko lang mga titser ko para magsabit sa akin.

    baket ako walang link? hehehe

    ReplyDelete
  8. Kakalungkot naman yan, Kahit may surprise party pa mas gusto ko pa rin andun sila sa graduation.

    Baka naman mang kulas ikaw ang nalito? Baka nananaginip ka lang at bukas pa pala ang graduation.

    Meron pa ba graduation ng grade 4 ngayon?

    @mommy lei, dapat umiyak ka para link ka ni mang kulas, kung di pa ako nag ngangawa dito di ako link eh.

    ReplyDelete
  9. melai, paalala ko yan minsan pa may gusto ako. 'Nay, bakit di ka umatend ng graduation ni Kulas?' Hi, hi, hi!

    Mmy-lei, ganyan din sa amin. Pag yung iba, patay manok eh. Yaan mo, sa bahay-bahayan ni kulas pantay lahat, kaya ilalagay ko link mo dito, ASAP!

    Ann, ang galing ng sinabi mo. Oo, mas ok kung nandun sila. Pero ok na rin. Eto sabi ni Kulas:

    Kulas, kulas
    Di ka kukupas
    Sa bilis mong kumaripas
    Walang kasing paspas

    Kulas, kulas
    Huwag kang magpahampas
    Sa sakit ng lumipas
    At sa darating pa bukas

    Kulas, kulas
    Huwag kang mangahas
    Sa pag-ibig umiwas
    Ng 'di ka madulas

    _________

    ReplyDelete
  10. Mang Kulas, teacher kaba?

    ReplyDelete
  11. Walkabout...Talkabout, Okay, bibisita ako diyan, mamyang konti. Link request aprob.
    tutubi, hindi teacher me. Ba't mo natanong yan?

    ReplyDelete
  12. Nde pala kayo teacher? so anong work mo? wag mokong tanungin sa mga tanong ko, baka magbatuhan lang tayo ng tanong dito at wala akong sagot na makuha...hehe! Kala ko kasi marunong nakong manghula dipa pala.. hmmpp.. unang subok ko palang sayo mali na kagad hula ko...

    Syempre natanong ko para magkakilanlan tayo ng lubusan. wag bigyan ng color everywer ang tanong.. oo at hindi lang sagot jan. wag gawing komplikado ang buhay hinay hinay lang.. o sige para matapos na ang interbyung ito.. kelangan sagutin mo ang mga sumusunod..

    Ilang taon na kayo?
    Nasa labas ba kayo ng pinas? saang bansa?
    Ano ang inyong okupeyson?

    wag kang aangal o kaya para mas madali mag post ka ng resume.. hehehe

    peace!!

    ReplyDelete
  13. TK nasa new york daw siya sabi ng IP niya

    ReplyDelete
  14. kakalungkot naman wento mo...

    mang kulas isama mo naman po ako sa links mo. naka-link na kita.

    ReplyDelete
  15. Si Kulas:

    Born: Wednesday, April 26,2006
    Location: Ingles Kalabaw
    Occupation: Tindero ng tsinelas

    Yan, tutubi, sinagot ko na tanong mo. Pinagbigyan kita ng walang pasubalit. Huminahon ka na.

    ReplyDelete
  16. mistyjoy, humahaba ang link waiting list. Sige, sama ka rin. Si Kulas, pag sinama isa, sama na lahat.

    ReplyDelete
  17. hmmmm,ayokong manghula...mas gusto ko pang lagyan ng plot yung ending kaya lang,non fiction story kaya makiki simpatiya na lang ako...

    hayy...nostalgic trip tuloy ako :(

    Kaya wag mo sanang gawin sa "anak"mo(meron ba?)o sa magiging anak mo,Mang Kulas...

    ReplyDelete
  18. MAng Kulas nman angas nman sagot mo eh!! hmmppp!!! tampo nakooooooooo... di na kita loveeeeee... dinako sayo bibili ng tsinelassssssssss.... me award ka pa nman sa bahay ko!! hmmppp.. tandaan moto..di ako pupunta sa graduation mo!!!

    ReplyDelete
  19. mang kulassssssssssss... sumagot kaaaaaaaaa

    ReplyDelete
  20. sikat ka na mang kulas ..inaabot na ng mahigit 20 ang comments mo pauga ka naman diyan

    ReplyDelete
  21. mang kulas mang kulas, pabili ng tsinelas!

    salamat po, pero teka baket teddybear? d ako mukhang bear... bwahahaha

    ReplyDelete
  22. He, he,ghee parang malungot yang nostalgic trip mo a. Pareho ba tayo ng karanasan?
    melai, kaw naman. Di naman pasikatan to, di ba? Basta bumisita ka lang sa bahay-bahayan ko, okay na.
    mmy-lei, nakita ko kasi yung teddy bear na may ngalan mo. Kaya yan ang nilagay ko. Palagay ko paborito mo teddy bear.

    ReplyDelete
  23. mang kulas biro lang ako
    wag ka dalit :(

    ReplyDelete
  24. teka mang kulas
    kaw ba yung nasa pic?
    bakit para atang kasing
    edad ng nanay ko yang
    nasa litrato?

    joke joke joke!!!!
    ngiti ngiti ngiti muna :)
    umagang umaga wag
    sirain ang araw :)

    ReplyDelete
  25. melai, ako pa! E, ang lalim ng sensya ni Kulas.

    Baka naman ka-eskwela ko nanay mo. Paki tanong kung may kilala siyang Kulas nung grade 4 siya.

    O, tamo matangos ba ilong ko. ;>)

    ReplyDelete
  26. sorry mang kulas di nakatapos ng grade 4 si nanay, ni hindi nga natapos ang grade 2 e :)..pero me litrato siyang naka mini ..seksing seksi ganyang ganyan din ang itsura ng pic at pang miss universe ang posing :)..kaingget nga e kasi ako di nakapagsuot at nakapagpose ng ganun :)

    ReplyDelete
  27. o te melai kaw nman makulit ngayon hehhe

    ReplyDelete
  28. melai, di pa huli ang lahat. Magpapic ka na ng naka-mini para makita namin ang maganda mong legs. Mare na melai, mare na. ;-)

    tuts, kaw naman magpapic ng mini-mini. Gusto rin namin makita ang sakang mong legs. Oops, I mean sak-sakang ganda ng legs mo. ;-)

    ReplyDelete
  29. B yung gusto ko pero felling ko hindi yan yung nangyari. kasi wala naman talaga B eh... astiris ang ginamit mo. ehehe. basta yung pangalawang * yung cute kaso pangatlong * atah yung nangyari o di kaya wala sa choices yung nangyari. tuloy mo kasi yung kwento.

    ReplyDelete
  30. phoebe, iniiwan ko na sa nagbabasa ending. Sa ganun, lahat masaya. ;-)

    ReplyDelete
  31. test psychologiczny multiselect 2022 testy multiselect do policji 2022 testy do policji 2022

    ReplyDelete
  32. multiselect pytania policja multiselect testy policja

    ReplyDelete
  33. przykładowe testy do policji 2022 testy do policji multiselect test 2022

    ReplyDelete
  34. psycholog polski w berlinie pomoc psychologiczna berlin psycholog w berlinie

    ReplyDelete
  35. psychoterapeuta berlin 2022 psychoterapia po polsku berlin cennik psychoterapeuta berlin 2022

    ReplyDelete
  36. ogrody łódź opinie ogrodnik łódź projektowanie ogrodów łódź cennik

    ReplyDelete
  37. projektowanie ogrodów łódź cennik 2022 firma ogrodnicza łódź opinie projektowanie ogrodów łódź 2022

    ReplyDelete
  38. produit pour grandir le zizi comment elargir un pull en coton comment faire pour grossir pinis , comment faire pour prendre du poids rapidement homme

    ReplyDelete
  39. productos para hacer crecer el miembro masculino parque natural peneda geres rutas crema para agrandar el miembro en peru , como agrandar el pené ejercicios , pastillas para agrandar el miembro masculino en uruguay

    ReplyDelete
  40. wzrost penisa czy można powiększyć członka feromony męskie ranking

    ReplyDelete
  41. tabletki na powiekszenie penisa czy tabletki na powiększenie członka działają http://swift-enlargement.info/ najlepsze tabletki na powiekszenie penisa

    ReplyDelete
  42. تكبير الذكر يدويا كيفية تطويل القضيب https ://enlargement-classification.eu/ar/ لتكبير القضيب تطويل القضىب طبيعيا

    ReplyDelete
  43. تطويل الذكر عملية تكبير الذكر http://new-xxlenlargement24.eu/ar/ تكبير الذكر بالاعشاب تكبير الذكر بالصور

    ReplyDelete
  44. ranking tabletek na powiększenie członka jak powiękrzyć penisa https ://new-xxlenlargement24.eu/ tabletki powiekszajace penisa

    ReplyDelete
  45. na powiększenie członka feromony męskie http://enlargement-classification.eu/ sposoby na powiększenie członka

    ReplyDelete
  46. كيفية تكبير العضو الذكرى كيفية تكبير الذكر https://enlargement-classification.eu/ar/ طرق تكبير الذكر تكبير الذكر بالزيوت

    ReplyDelete
  47. test wiedzy do policji testy na policjanta 2022 multiselect test

    ReplyDelete
  48. testy psychologiczne policja 2022 przykładowe testy psychologiczne do policji test do policji online 2022

    ReplyDelete
  49. przykładowy test do policji 2022 test wiedzy do policji przykładowe testy do policji

    ReplyDelete
  50. adwords kampanie google ads kampania google ads

    ReplyDelete
  51. psychoterapia berlin polski gabinet psychoterapii w berlinie psycholog polski w berlinie

    ReplyDelete