Ang bilis ng araw. September na kaagad.
Hindi mapagkakaila sa nagdidilaw na dahon ng mga punong pumapaligid dito na patapos na ang summer. Eto ako, sa makulimlim na umaga. Iyan, at nakalong sleeve na nga. Malamig na kasi ang simoy ng hangin, datapwat may ilang araw pang tag-init na natitira.
Ang tag-init ay napaka saya. Ang ginisnan kong Pilipinas ay lagi kong naaala-ala: Ang amoy ng aming kusina, mga ipis na di mapuksa, ang ihip ng hangin sa manipis na damit ni Nena, pinapakita ang balinkinitang katawan niya. Bakasyon sa probinsya. Mahabang tulog sa hapon at umaga. Nakapaglalaway na pagkain sa pista. Naka aaliw na mga parada. Outing kamasa ang mga kaibigan at nobya. Talagang kahali-halina.
Ang tag-init ay napaka saya. Ang ginisnan kong Pilipinas ay lagi kong naaala-ala: Ang amoy ng aming kusina, mga ipis na di mapuksa, ang ihip ng hangin sa manipis na damit ni Nena, pinapakita ang balinkinitang katawan niya. Bakasyon sa probinsya. Mahabang tulog sa hapon at umaga. Nakapaglalaway na pagkain sa pista. Naka aaliw na mga parada. Outing kamasa ang mga kaibigan at nobya. Talagang kahali-halina.
Kung sa bagay, ganyan rin ang gawain dito tuwing tag-araw. Kaya lang may pag kaiba ang pakiramdam. There is something missing. Hindi ka lubusang mapalagay. State of mind lang kaya ito? Malamang, hindi. Ang mamuhay sa ibang bayan ay tulad ng isang bisita. Hindi mo magawa ang lahat ng gusto mo. Kailangang makisama at makibagay ka. "When in Rome, do as the Romans do!" Iyan ang kasabihan, hindi ba?
Ang sabi ni Mr. Cruz sanay na siya rito sa US, ngunit hindi niya mapagkaila ang kanyang pag-kaiba. Dahil bihira siyang umuwi malaki at nakabibiglang pagbabago ang nakikita niya sa atin. Hindi niya matangap ang malaking kaibahan ng pamumuhay sa atin. Ang tindi ng traffic, ang dami ng tao sa lunsod, ang nangangagat na init, ang kahirapan ng buhay, etc., etc., etc. Wala na rin siyang masasabing mga kaibigan at kamaganak doon. Nabibilang na ang mga ito sa mga nadiasporang pinoy. Kailangang makibagay siya. Ang hirap nito, ang sabi niya. Pag nasa pinas ako, mag Isip pinoy ka, ang sabi nila. May nakaugaliang Amerikano na kasi ako. Dito naman, think American ang sinasabi, dahil lumalabas at lumalabas ang pagka-pinoy ko. Sa pakilasa ko tuloy, doon at dito, para akong laging bisita. Para akong laging nasa Roma.
welkam bak mang kulas :) naramdaman mo ba ang ang pagkamiss sa yo ng mga madalas mong bisita? :)
ReplyDeleteNaku ha sa wakas, nakabalik kana.. hehe! Naks nmang ang pose ng picture feel na feel diko lang masilip kung nakangiti kaba o ano haha di kasi pwedeng i zoom..
ReplyDeletemainit na welcome back sa iyo...
Thanks, melai and tuts. It's good to be back.
ReplyDeletewelcome back,kulas!
ReplyDeletenaenjoy mo ba ang lunch mong napaktagal?
ako din,pag summer,miss ko pinas,kaya sa pinas na nag summer :)
thanx sa pix mo,ang layo nga lang,di ko makita ei :)
sana maging active ka na uli :)
yaaaaaaaaaa.. ang saya ko nakapag comment kana sa entry ko! yahooo!!!
ReplyDeleteang tangkad mo pala Mang kulas.. pede kang basketball player...
ghee, yes, I enjoyed my very long lunch. There is nothing like doing the things you like to do, including doing nothing.
ReplyDeleteAbout the pic, yeah medyo malayo nga ang kuha. Para full shot, ang sabi ng kaibigan ko. Maybe next time, mas malapit.
______________
tuts, 5'10", and I like playing basketball. In fact, that is how I stay in shape. I also like swimming, hiking, jogging, and skiing, although I gave up skiing a couple of years ago.
Welcome back Mang Kulas!
ReplyDeleteGanun yata talaga pag wala ka nang matagal sa lupang tinubuan parang laging banyaga ang pakiramdam. Ang dami na rin kasing pagbabago na hindi mo inaasahan, pilit binabalikan yung panahon bago nilisan ang bayan.
hanep pala mga hobbies mo ah! ang tangkad nun 5'10, konting stretch nlang e 6 footer kana.. heheh! si Piolo ko kasi di marunong mag basketball, turuan mo nga ah!
ReplyDeleteThanks, Ann. Patok na patok mo ang pakiramdam. Hindi na yata babalik sa dati, ano?
ReplyDelete_________________
tuts, baka naman sa larangan ng pag-ibig ang galing ng piolo mo.
hmmm mas magaling ako kesa sa kanya! heheh!! dilang ako matanggihan nun kaya napikot ko!
ReplyDeleteAng dami kong hinahanap sa nakagawiang buhay, tulad na lang dati kasa-kasama ko mga sis ko noon pag bakasyon, ngayon may kanya-kanya na silang pamilya. Iba-iba na ng priorities sa buhay, wala na yung dating noon.
ReplyDeleteOo nga, Ann. Kaya enjoy every moment now, dahil hindi na maaring balikan ang ngayon bukas.
ReplyDeleteyan lang siguro ang trade-off ng mangingibang bayan, masaganang buhay pero di kagaya ng nasa pinas, there no place like home. pero masasanay ka rin dyan, dami kong kilala na nagpalit na rin ng citizenship dahil gusto na nila sa abroad ;)
ReplyDeleteTalaga, Tommy. There is no place like home. Thanks for dropping by.
ReplyDeleteTagal mong nawala. Mahirap talagang makibagay, isa lang ang di nabago, ang wikang Pilipino.
ReplyDeletetuts, baka naman hinarana ka ni Pio at di mo natiis ang kilig.
ReplyDelete______________
schumey, sinabi mo, although kabilib rin ang ibat-ibang wika na maririnig. Ang damin ng magaling magsalita ng hapon, koreano, frances, aleman at iba pa. Biro mo, ang karamihan sa mga pinoy ofws ay may alam na at least dalawang language, not to mention english.
bwahahh! hindi nga ako hinarana nun, kc ako ang nanligaw dun ei! at kinuha ko sa laki ng katawan, pwersahan ang nangyari... heheh!
ReplyDeletejan ako bilib sa pinoy, magaling makibagay at mabilis matuto ng ibang lenggwahe!
ReplyDeletewelcome back MK!