Wednesday, November 28, 2007
Saturday, November 17, 2007
Ambon IIa
Madiin na sumandal si Efren sa pader, umaasang hindi siya mahanap sa dilim, kung sakaling may humabol sa kanya. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Naiinip, nagmamadaling masanay ang paningin sa dilim:
Lumitaw ang anino ng kanyang ama. May hawak hawak na sinturon; Nakabibingi ang malutong ng lagitik nito ng lumatay sa kanyang tagiliran. Pumulupot sa kanyang braso ang sumunod na hagupit. Papang! Papang, and pigil na hiyaw ni Efren sa gumagapang na hapding pumupunit sa kanyang balat. Agad niyang dinilat ang kanyang mga mata.
Pagkalipas ng ilang sandali, ng mapalagay na ang loob ni Efren, nakihalo na siya sa mga nakaupong manonood.
"Icedrop, icedrop," ang tawag ni Pepe, isang batang naglalako ng pampalamig sa loob ng sinehan. Nakasukbit sa kanyang balikat ay styrofoan na kahon na may tatak na "Remedios Ice drop," paborito ni Efren. Ngumiti si Pepe ng makilala niya si Efren. "Hoy, Efren, ikaw na naman? Ilang beses mo na bang napanood ang sineng ito," ang bati niya. "Hehehe," natawa si Efren dahil ilang beses na silang nagkita ni Pepe na pinanonood niya ang palabas na ito .
Si Pepe ay isa sa mga iskwater sa Pasig line. Part time niya ang magtinda ng icedrop sa sinehang ito. Paminsan-minsan, kung mayroon, ay nagtatrabaho rin siya pier. Malaking sibol si Pepe at kahit ilang taon pa ang layo niya sa apatnapung gulang, mapagkakamalang binata na siya. Siga-siga si Pepe sa lugar nila, ngunit hinde siya basagulero. May kaunting sumpong lang paminsan-minsan. Kamakailan lamang e nagpakita ng sungay ito. Nagaway sila ni Talito, ang siga-siga dun sa iskwater area ng rilis.
Umupo si Pepe sa tabi ni Efren:
"Gusto mo ng icedrop, Efren," ang tanong ni Pepe. Umiling si Efren at medyo nahihiyang sumagot, "Hinde, salamat." Natutunugan na nahihiya lang si Efren, muling nag-alok si Pepe,"Oh? Sige na! Bagong gawa yan. Masarap." Gusto naman talaga ni Efren, lalo na yung ube na may mungo sa tuktuk. Ang problema e wala siyang pera kaya kunwari e ayaw. "Sige na, Efren. Huwag ka ng mahiya," ang ulit ni Pepe at gaya-gaya ang isang eksena sa sineng napanood nila, mahinay niyang siniko si Efren, "Sige na bata... On the house yan, hehehe." Natawa si Efren, napawian ng hiya at tinangap ang alok ni Pepe. "Meron ba diyan ng ube flavor? Yung me mungo sa dulo," ang tanong niya. Habang hinalungkat ni Pepe ang kahon ng ice drop, nakita ni Efren na may paltik na natatabunan ng mga ice drop. "O, eto," abot-abot ni Pepe ang ice drop. "Pepe, ano ba, baril..." ang pasimulang tanong ni Efren ng biglang tumayo at nagpaalam si Pepe, "O, sige Efren, ingat ka ha," ang paalam niya at papaloob sa dilim maririnig ang malinaw na papalayong tinig niya:
Icedrop... Icedrop... Icedrop...... Icedrop...

Nagsusuntukan si Christopher De Leon at Cesar Montano. Sikad dito, sigad doon, ngunit sa tindi ng bugbugan halos hinde man magulo ang buhok ni Christopher - ayos pa rin. Mula sa loob ng gusali, palabas at patungo sa kabukiran ang labanan! Banat ng banat, At ng akala mo'y naubusan na sila ng lakas, bumunot ng baril at nagbarilan sila. Dahil wala sa kanilang asintado, hinde magkatamaan, pero hinde rin magkaubusan ng bala!
Pagkalipas ng ilang sandali, ng mapalagay na ang loob ni Efren, nakihalo na siya sa mga nakaupong manonood.
"Icedrop, icedrop," ang tawag ni Pepe, isang batang naglalako ng pampalamig sa loob ng sinehan. Nakasukbit sa kanyang balikat ay styrofoan na kahon na may tatak na "Remedios Ice drop," paborito ni Efren. Ngumiti si Pepe ng makilala niya si Efren. "Hoy, Efren, ikaw na naman? Ilang beses mo na bang napanood ang sineng ito," ang bati niya. "Hehehe," natawa si Efren dahil ilang beses na silang nagkita ni Pepe na pinanonood niya ang palabas na ito .
Si Pepe ay isa sa mga iskwater sa Pasig line. Part time niya ang magtinda ng icedrop sa sinehang ito. Paminsan-minsan, kung mayroon, ay nagtatrabaho rin siya pier. Malaking sibol si Pepe at kahit ilang taon pa ang layo niya sa apatnapung gulang, mapagkakamalang binata na siya. Siga-siga si Pepe sa lugar nila, ngunit hinde siya basagulero. May kaunting sumpong lang paminsan-minsan. Kamakailan lamang e nagpakita ng sungay ito. Nagaway sila ni Talito, ang siga-siga dun sa iskwater area ng rilis.
Umupo si Pepe sa tabi ni Efren:
"Gusto mo ng icedrop, Efren," ang tanong ni Pepe. Umiling si Efren at medyo nahihiyang sumagot, "Hinde, salamat." Natutunugan na nahihiya lang si Efren, muling nag-alok si Pepe,"Oh? Sige na! Bagong gawa yan. Masarap." Gusto naman talaga ni Efren, lalo na yung ube na may mungo sa tuktuk. Ang problema e wala siyang pera kaya kunwari e ayaw. "Sige na, Efren. Huwag ka ng mahiya," ang ulit ni Pepe at gaya-gaya ang isang eksena sa sineng napanood nila, mahinay niyang siniko si Efren, "Sige na bata... On the house yan, hehehe." Natawa si Efren, napawian ng hiya at tinangap ang alok ni Pepe. "Meron ba diyan ng ube flavor? Yung me mungo sa dulo," ang tanong niya. Habang hinalungkat ni Pepe ang kahon ng ice drop, nakita ni Efren na may paltik na natatabunan ng mga ice drop. "O, eto," abot-abot ni Pepe ang ice drop. "Pepe, ano ba, baril..." ang pasimulang tanong ni Efren ng biglang tumayo at nagpaalam si Pepe, "O, sige Efren, ingat ka ha," ang paalam niya at papaloob sa dilim maririnig ang malinaw na papalayong tinig niya:
Icedrop... Icedrop... Icedrop...... Icedrop...
Tuesday, November 13, 2007
Intermission.
Si Mz. Susan Roces. Da Best! Notice how she continue to act when the camera switches focus to the other character. As they say they don't make 'em the way they used to.
This clip, I'm not sure if it's the same movie, shows a change in mood. I like the expression of desperation ( retreat to cry on the wall).

Sunday, October 21, 2007
Ambon II
Ito pala ang kinahinatnan ng buhay ni Inyang, ang dating "Miss Simpatica" ng Villamar high school maraming taon ng lumipas. Sino ang makapagsasabi ngayon na sa ilalim ng mauling niyang mukha ay may natatago pang ganda? Bihira ng makita ang mahalina niyang ngiti at maperlas niyang mga ngipin. Subalit, bigo man ang buhay niya sa mata ng ibang tao, may nananatili siyang pagasa - Si Mang Tonying! "Walang nakapagbibigay ng ligayang binibigay sa akin ni Tonying," ang sabi niya. "Ano man ang diperensya ni Tonying, mapagmahal siyang asawa. Hinde lang nila siya nauunawaan," ang pilit ni Inyang.
Antonio Abueva Senerez, ang tunay na pangalan ni Mang Tonying. May ugat Kastila, matangos ang ilong at maganda ang tayo. Mapagkakamalang artista! Pinaglihi si Tonying kay Leopoldo Salcedo (Poldo), ang tinaguriang hari ng puting tabing noong kabataan ng nanay niya. Parang hinulma si Tonying sa anino ni Poldo at di malayong sabihin na hawig na hawig sila. Marahil, nakatulong ito sa kanyang pagkahirang na "Mr. Charisma" at "The Man most likely to Succeed," kasabay ng pagka Miss Simpatica ni Aleng Inyang.
Kung tutuusin, hinde masamang tao si Mang Tonying. Hinde lang siya tamaan ng suwerte sa tamang oras o kaya naman sa tamang dahilan. Marahil labis niyang inaasahan ang likas na kagandahang biyaya sa kanya. "Masuwerte ka Tony," ang puri ng barkada niya. Biro mo pinasa siya ni Miss Cruz, isang matandang dalaga at estriktang titser, kahit na may kulang pa ka siya sa grado. Kung di kay Miss Cruz, hinde siya nakagraduate. Ganyang ang "swerte" ni Mang Tonying, lagi na lang nakalulusot. Ng itawag pansin sa nanay niya ito, "sa labas at hinde sa loob ng silid ng paaralan hahatulan ang kapalaran ni Tonying," ang sagot nito. Datapwat, kung pakikisama ang paguusapan, wala kang masasabi kay Tonying. Lagi siyang handa! Oo, basta't may Marka Demonyo o San MIguel sa mesa maasahan siya, ang sumbat ng iba!
Sadigan ni Inyang ang mga ala-alang ito. Parang gupit ng pelikulang paulit-ulit na pinalalabas sa panahon ng kalungkutan at alinlangan.
Nakabigkis sa kanyang baywang at nakabalot sa panyolito ay pulseras at hikaw. Wala na yung kuwintas na katerno ng mga ito, nakasanla na kay Beho, isang intsik na mayari ng isang maliit na tindahan sa kanto ng Mabuhay at Hiwaga. (Bakit ba lagi na lang may pera itong mga intsik? Bakit nga ba?) Inisip ni Inyang kung paano niya ise-sales talk si Beho. Siguradong alam ni Beho na kailangan niya ng pera. Walang sekretong lumalampas sa taong yun, lalo na yung mga balitang kalye, yung mapagkwakwartahan! Sana huwag akong baratin ng hayop na singkit na yun, ang ngitngit ni Aleng Inyang.
Paparoon si Inyang mamya paghupa ng ulan, at tulad ng dati, umaasang ang alahas na dala niya ang magpapalaya kay Tonying.
______________________________
Si Efren ang batang gustong makapuslit sa loob ng sinehan. Napanood na niya ang palabas. Narito siya dahil wala lang siyang magawa. Naghahanap ng sakit ng katawan, kung ang tatay niya ang tatanugin. Lagi naman kasing walang tao sa bahay nila. Nasa majongan ang nanay niya buong araw at ang tatay naman niya ay gabi na kung umuwi. Nasa trabaho pa, kundi sa kwadra ng kanyang kabayo. Kung sabagay, mabuti na iyan kaysa tamaan pa siya ng sinturon at tsinelas, lalo na kung talo ang tatay niya sa karerahan. Mas grabe diyan ay ang isama siya ng tatay niya sa lakad at iwanan na nagiisa sa kotse buong gabi hanggan umaga.
Tiyak na siya na naman ang susundo sa nanay niya mamayang gabi. Kinagawian na ito: Si Efren ang designated tagasundo sa kanila: Efren, sunduin mo na kapatid mo sa school. Efren, sunduin mo si Goring sa OTB. Efren tayaan mo ito. Efren masahein mo ako. Efren, punta ka dito. Efren, punta ka doon. At ito ang madalas: Efren, sunduin mo na ang nanay mo sa majongan!
Kawawang Efren, madalas kasi ayaw pang umuwi ng nanay niya - Lagi na lang isa pang Hai-alai, isa pang Hai-alai. Nalilipasan tuloy siya ng gutom at nakakatulog sa sahig sa kakahintay. Oks lang yan dahil palagi naman akong nananalo, ang sabi ng nanay niya. Paano naman hinde mananalo samantalang pati patay ay kasabwat sa labanan? "Naku, talong talo na ako ng maisip kong maghilamos at magpa-presko sa banyo. Nagdadasal ako doon ng maala-ala ko si Berto(lumipas niyang kaibigan na husler at sugalero). Berto, tulugan mo ako! Tapos nun, bigla akong nakabunot ng siete pares at rumatsada ng panalo, ang kuwento ng nanay niya. Hehehe, kung di man naniniwala, natatawa na lang yung tatay ni Efren.
Tulad ng ibang bata, parang wala ng bale kay Efren ang karanasan ngayon, kinabukasan. Ang mahirap ay ang maipon ang mga karanasang nakakasugat sa murang isipan. Nagpapatong-patong ito! At kung hinde maagwatan sa tamang oras at paraan ay parang bagyo na biglang bumubuhos sa di inaasahang panahon o dahilan.
Nakakita ng pagkakataon si Efren at mabilis na pumuslit paloob ng sinehan...
Hoy! Hoy, bata! Hoy, ang sigaw ng takilyera!
______________________________
Nagulat si Ompong ng bigla siyang kinausap ng babae:
Babae...: Sir, excuse po sir, may alam po ba kayong malapit na Metro Bank rito?"
Kahit walang alam si Ompong, mabilis pa sa alas kuwatro sumagot, at paingles-ingles pa...: Oh, yes Miss, in fact papunta ako doon ngayon. Hinihintay ko lang humina ang ulan. Ompong, Miss, Este, Napoleon Valeriano, at your service.
Walanjing, ang galing ng pasok ni Ompong!
Napangiti ang dalaga, ngunit nagalinlangan kung ano ang sasabihin. Nagtatalo ang isip: Fafa na fafa itong mamang ito. May pagka-OA lang, pero cute naman. Ano kaya? Okay kaya siya? Makisabay kaya ako? Naku, huwag na lang kaya at baka isipin niya pang pa easy-easy lang ako. Hinde yata ako basta bastang sumasabit sa taong di ko kilala. Pero, paano na yan. Hmp! Ang payat naman neto. Hinde tulad ni Richard(Gomez) na machong macho, pero who cares? Naku, po, ang cute niya...
Babae...: Sir, maari po bang sundan ko na lang kayo, Sir?
Ompong: It will be my pleasure. And please call me Nap, Nap at your service, Miss...?
Babae...: Lolita...
Ompong: Lolita? Oh, kay gandang pangalan. Lolita...?
Babae....: Lolita Madrona po. Lolly po, for short.
Nap.......: Asus, baka habulin ako ng mga apo ko, Aleng Lolly. Hinay mo na lang yung "po," LOL.
Lolly......: Pasensya na po, ay kana pala, Nap nakasanayang ko na kasi e.
Nap.......: It's okay, ganyan din ako, pero nakakalimutan ko ang sarili ko, kung minsan, lalo na pag...
Lolly......: Kayo naman.
Iyan nagkakilala na ang dalawa at nagi-ismall talk na. Mukhang ayos na. Ito na lang problema. Hinde alam ni Ompong na maselan si Lolly. Galit na galit sa mga sinungaling, kahit na maputing kasinungalingan, at kapag nalaman nitong hinde totoo na alam ni Ompong kung saan may Metro bank bibitiwan siya ni Lolly na parang mainit na kamote.
Kung sabagay, hinde din naman alam kung talagang naghahanap ng Metro Bank si Lolly, diba? Malay mo kung kumekerengkeng lang yun!
So, we will see next time, okay?

Natalisod si Inyang ng matapakan ni Tonying ang kanyang saya. Madali naman siyang nahagip nito. Sandaling tumigil ang parada papuntang intablado ng magdikit ang kanilang paningin. Pumitik ang kislap ng mapuputing ngipin ni Inyang at nagusap ang kanilang mga mata sa wikang sila lamang ang nakauunawa. Parang ipo-ipong umikot ang paligid sa himig ng "You Belong to my heart," Nagsasayaw sila ni Tonying, nalalasing sa palakpakan ng mga tagahanga. Parang walang katapusan ang ligaya nila noon.

Saturday, October 06, 2007
Thursday, September 20, 2007
Ambon
Nakasilong sa harapan ng lumang sinihan, aboridong nagpapalipas ng ulan si lalaki. Nahagip ng nagsisipon niyang ilong ang mahinay na halimuyak ng hasmin na dala ng ihip ng mabasa-basang hangin.
Hanap ang simula ng bango napalingon siya at ang maitim na buhok ng isang dalaginding ang kanyang nagisnan. Hinde kita ang mukha nito dahil mababa sa kanya ang babae, ngunit sa pakiramdam niya may itsura ang katabi niya. Hindi siya nagkamali. Pinagbigyan siya ng pagkakataon ng sabay silang mabilis na umrung sa pag-iwas sa tumilapong baha sa pag-harurot ng lapastangang jeepney!
Ay! Ang hiyaw ng babae. Nampusa! Ang bulong ni lalake. Kundi sa isat-isa, marahil kung anong salita ang bumitiw sa kanilang mga labi. Oo nga, nakikiramdam silang dalawa. May vibes na umaaligid. Mapagbigay ang damdaming namumuno. Ewan ko kung posible, pero parang "Love's in the Air," ika nga.
Tama ang kanyang hinala. Maganda nga ang babae. Halos isang pulgada ang baba sa kanya, ngunit di pansinin ito sa likas niyang kagandahan: ang pagkaitim ng kulay ng kumislap niyang buhok, ang mabibilog niyang mga mata, ang buo at hugis puso niyang mga labi at ang hubog ng mabilog niyang katawan. Okay, okay, medyo mababa ang ilong, but that's okay dahil hinde naman siya markana o tisay. Pinay na pinay. May gaganda pa ba diyan? Besides, love is blind. Espesyaly, at first sight, pisikaly!
"Okay ka ba, Miss?" Ang pasok ni lalaki. Medyo pa-charming ang kanyang ngiti. Sa totoo lang, pinapraktis niya ang ngiting ito sa harap ng salamin. Just in case of situations like this one. Kampante siyang lumapit, inaalok ang kanyang panyong may tigas pa ng armirol na natitira. "I'm Okay," ang may kahalong ngiti ang sambit ng babae. Nakiliti ang tibok sa dibdib ng lalaki ng tagusing ng mapuingay na tingin ang bintana ng kanyang kaluluwa. "Thanks, I'm fine," ang maingat niyang paheleng tangi.
Muling naging ambon ang malakas na ulan. Sapat na ang hina upang takbuhin ang kabilang kanto. Nanghihinayang si lalaki. Hinde pa niya alam ang pangalan ng dilag. Paano kaya niya makukuha yung address o cellphone number ng babae? Ang laking sisi at sumbat na naman sa sarili ang uuwian nito. Aba, sige na, take a chance, di bale ng masupalpal, no guts, no glory, 'tol!
Kalog...: Eh, ehem, miss, mukhang nakita na kita, hinde ba close friend ka ni Mila?
Pakipot: Mila? Wala po akong kilalang Mila????
Kalog...: OH?, I could have sworn na nakita na kita. Sa, sa party ni Chari...
Pakipot: Chari? Sino pong Chari?
Kalog...: Si Chari Malagsino. Ah siyanga pala, ako si Ompong. Kayo po, ano ang pangalan ninyo?
Na insecure at napakamut ng ulo ang kumag sa kakaintay ng sagot ng babae. Baka hinde pa kamo siya sagutin.
____________________
Umiikot ang isip ni Aleng Inyang. Puspus ang paypay niya sa iniihaw na mais, ngunit ang isip niya ay na kay Mang Tonying. Saan kaya siya maghahanap ng perang pantubos sa kanyang asawa? Hinde naman basagulero si Mang Tonying, pera lang kung nakainom. At sa kainitan ng panahon kahapon (nagpapalamig lang daw,) e nag-inoman at nakipagtalo sa isang tambay sa kanto. Iyun, sa di inaasahang pangyayari, nabasag niya ang bote ng beer - sa ulo ni Iking. Ayan nakalaboso at kailangan ng limang libong pisong piansa para makalabas. Napatitig si Inyang sa bumabagang uling, ang lipad ng abong may baga na parang alitaptap sa kulimlim ng araw. Kung maari lang sanang mapundi ang problema niya sa katapusan ng araw, tulad ng nagbabagang uling...
____________________
May isang gusgusing batang tumityempong makapuslit sa loob ng sinehan. Pinagmamasdan niya ang takilyera. Kapag nailang ito, ayos na.
____________________
Mabigat huminga ng hangin na may hawang gasolina. Hinde na ba talaga malulunasan ang smoke belching? Hinde kayang hugasan ng ulan ang polution sa hangin. Mainit ang hamog. Kung maaaring magpaulan na lang sana, pero mahirap ang magkasipon.
Muling bumuhos ang ulan.
____________________
Nag-trip si Ompong:
Ganitong ganito ang panahon ng naibig niya si Luisa. Nag-iisa siya sa silid ng di umanoy pumasok si Luisa. Nakangiti ito at basang basa, galing sa bumubuhos na ulan sa labas. "Ompong, tulungan mo naman akong kunin ang aking labada! Pinadpad ito sa lakas ng ulan at hangin," ang humuhingal na samo ni Luisa. Bakas sa malalim niyang pag-hinga ang malusog niyang dibdib na animoy sabik na makawala sa pangilalim niyang piitan. Nagulat man si Ompong, di siya nagdalawang-isip. Sinamahan niya agad si Luisa ng walang pagsakali.
Wari mo'y hagupit ang ulan sa lakas ng hangin, kasabay ang kidlat na kumikislap sa umaagos na baha, kasunod ng dagundong ng kulog. Kung mayroon man, wala ng labadang nakasampay na inabutan. Marahil natangay na ng malakas na hangin, ngunit sino ba ang nag-aala sa sampayan? Nadulas si Luisa at abot-kapit kay Ompong, sabay silang natumba sa baha. Ayun, gumulong-gulong...
____________________
Napatid ang lipad ni Ompong sa kililing ng cellphone ng babae. "Yes," ang sagot ng babae - Uhum ng Uhum at yes ng yes. Sino kaya ang kausap niya? Baka my boyfriend na siya. Sa ganda niyang iyan, maari ba namang wala pa? Pero bakit wala siyang kasama? Kung ako ang boyfriend niya hinde ako papayag na lumabas siya ng bahay ng walang kasama! Teka, baka naman wala pa siyang boyfriend? Tingnan mo mukhang tsuplada ang hanep, at mukhang mapili. Siguro masyadong mataas ang ilong ng pangong ito, tse...
Hehehe, walanghiya ka Ompong! Hinde lang sinagot ang tanong mo e kung ano-ano na pumasok sa isip mo. Kausapin mo! O yan, tingnan mo titigil na ulan, umaambon na lang. Aalis na yan, lost opportunity ka diyan, bokyo!
_____________
Itutuloy...
Sunday, July 22, 2007
P.I. at the World's Fair
May nagtatanong kung sa Mall of Asia(MOA) ang pic nuong Unisphere below. Naalala ko na mayroon nga palang ganoong structure sa MOA, pero hinde ito yun. From Google earth ito ang location ng 1964 New
York Worlds Fair Unisphere.
Kalapit ng Unisphere ay ang observation tower. Familiar siguro ito sa inyo. Ito yung flying saucer ng dambuhalang ipis sa sineng MIB, Men in Black
.
Saturday, June 30, 2007
Friday, June 29, 2007
Sunday, June 17, 2007
Sunday, May 20, 2007
Panibagong Pag-asa.
Medyo surprising ang election 2007 results sa pinas ngayon, di lang sa national level kundi sa local level din. Marami ang nag-aakala na dahil sa makenarya at salapi ng administrasyon, tiyak na ang panalo nang mga kandidato nila. Ngunit sa kasalukuyang bilangan sa karera para sa senado Genuine Opposition ang lamang. Bukod pa dito, nagwagi at diniklara ng panalo sina Lim para alkalde ng Maynila, Binay ng Makati, at kalakihang surpresa sa Pampanga na teritoryo ni President Gloria Arroyo, natalo rin ang mga bataan niyang si Mark Lapid at Lilia Pineda! Para bagang bumaliktad ang mundo ni PGMA! Binatukan siya! Ano kaya ang nangyari?
Ayon sa balita, marami pa ring nagbenta ng mga boto nila, marami pa ring takutan at patayan, marami pa ring animalya at pagkukulang ng COMELEC sa kanilang tunkuling isagawa ang malinis, tahimik at patas na halalan! So, ano ang pinagbago o kaibahan ngayon kaysa noong 2004 elections? Ang sabi ng nasa kalagayang makakita, wala! Si Mr. Hello Garci, natalo man at sumuko na, ay handa muli na ipagpatuloy ang kanyang dagdag-bawas operasyon. Dagdag dito, si Abalos, ang puno ng COMELEC , ay walang hiyang ginuguyod sa ilong na parang baka ng palasyo, kuno!
Parang mahirap paniwalaan na ang puno mismo ng COMELEC ay kasabwat sa dayaan, kung di man nagbubulag-bulagan. Parang mahirap din paniwalaan na ang pangulo mismo ng pinas ay mandaraya! Mahirap lang idiskwento yung “Hello Garci!” Meron pa nga akong kopya ng usapan ni Garci at PGMA! Isa pa yung “I am sori,” kuno.
Kuno? Bakit kuno? Dahil mahirap paniwalaan ang mga pulitiko! Kailangan inaasinan ang salita nila. Kasama na diyan yung mga manunulat at kritiko. Isa pa ang mga yan, mayroon ding pansariling ganansya. Bayaran pa nga yung iba diyan. E sino kaya ang puwedeng paniwalaan? Yung nagbebenta ng boto nila? Asus, no can do yun. E yung mga lider ng kandidato kaya? Hinde rin, aba. Yung barbero o manikurista mo kaya? Hehehe. E sino?
Sino pa, e di ikaw, ang sarili mo! Marahil iyan ang kaibahan ng eleksyon ngayon. Hinde man nagbago ang pamamaraan ng dayaan, marahil, nakinig ang mamamayan sa kanilang sarili at ginawa ang nararapat upang protektahan ang kanilang kagustuhan para sa kabutihan ng sambayanan. At least, iyan ang gusto kong paniwalaan! At kasama na rito ang walang pahingang pagmamasid ng mga pankaraniwang tao at NGOs sa eleksyon. Ang tutok ng media sa presinto at mga kagawad ng COMELEC at NAMFREL.
Sa mga dumalo at nagsikap na magkaroon ng malinis na halalan, maraming salamat sa inyong lahat! Mukhang mayroon tayong hinaharap na panibagong pag-asa.

Friday, May 11, 2007
Silay's Day?
Happy Mothers Day? Wala naman talaga sa pinas niyan, a. As usual pick up natin yan sa mga Markano. Palagay ko may nag cecelebrate din ng Thanksgiving Day diyan sa pinas kahit na walang Indian diyan. Marahil Indian sa date meron, pero native Markano Indian, wala. Halloween, isa pa yan. Iyan, malaking occasion yan sa pinas. Actually araw ng mga bading yan diyan. Yung mga naglalabasang parang babaeng naka custume, nakakatakot talaga! That’s a Tate occasion din, lalo na sa Greenwitch village, sa NYC.
Ano? Sino puto maya?
Eto nakatutuwa ha, sa dinami-dami ng mga okasyon ng pinagdiriwang natin na gawing America, we hate Markanos! Well, of course, not all. Pero yung may hate, dahil sa ingay, akala mo e sila nakararami. Pero, pag binigyan ng pagkakataon ang mga ito na maka escapo pa States, ayon ang bilis, Hello Joe na kagad.
Uy yung mga makabayan diyan, huwag kayong mapipikon ha. Practical view lang naman yang kay Kulas. Kung mayroon kang gustong sabihin, lets have it. No problem.
Mabalik tayo sa Mother's Day. Ang ibig kong sabihin na walang Mother's Day sa pinas ay wala naman talagang tinakdang araw na para sa mga nanay. Hinde ibig sabihin na hinde nararapat na mayroon. Sa tingin ko, malayo na mangaling ang idea ng mothers day sa pinas dahil ang mga pinoy ay chauvinistic. Mga babaero, sugalero, bogbogero, at according to kulasa, mga machong tigas titi. Of course, as always, di naman lahat.
Lumaki ako sa pinas na walang malay sa mothers day. Mabuti na lang kamo nariyan si Silay dahil si mother ay nasa majongan all day, everyday. Yaya’s day kaya?

Thursday, April 26, 2007
Isang Taon
Isang taon na ang Ingles Kalabaw ngayon. Bukod kay Kulas na Mang Kulas na ang tawag ngayon, walang masyadong pinagbago. Kung may pinagbago man, hinde pansinin. So, ano ang nangyari sa loob ng isang taon? Eto synopsis:
Excluding this one, there were forty three posts with 707 comments during the year. May ’06 was the busiest month with ten posts and 223 comments. Understandably, dahil bagong sibol at inspirado, madalas ang posting in May. The Puppy Love series was the most popular of the posts, Puppy Love II having 43 comments.
On the average, may tatlo’t kalahating posts every month. Kumparado sa ibang active blogs kakaunti ito. So, it’s either find the time and ideas to post more or shut down na.
Kahit papaano sinikap na bigyan ng sari-saring lasa ang mga posts: may tula, photography, kuwentong kutsero, true experience sa buhay, komiks and lately awit. Bawat post ay kaunting parte ni Kulas. So, by now maaring may idea ka na kung sino siya?
Marami ang bumisita at binisitang balik. Ang ilan sa kanila ay nakagawian ko na. Ang iba naman ay parang binhi ng dandelion na napadpad - sandaling dumaan at lumisan sa sipol ng hangin.
Gayon man, saglit kong nasilayan ang buhay-buhay ng aking naging bisita at kapitbahay. Nasaksihan ko ang kanilang pakikipagsapalaran. Ang kakuwelahan ng araw-araw na buhay: mga kasiyahan, kalungkutan, kabiguan at tagumpay. Ito ang ilan sa kanila:
Si Melai, na dati-rati ay nasa Singapore e umuwi na sa pinas ngayon. Siya ang nag-enganyo ng Ingles Kalabaw. Ng napadpad ako sa blogsite niya isang gabi in 2006, parang nakita ko ang sarili ko. Ng halungkatin ko ang mga sulat niya may nagsabing , “Uy alam mo yan, diba?”
Sa feel ko, there are many good things waiting for Melai. And, if I am not mistaken, she will share the good news as it comes.
Si Tuts – makulet, hehe! Dalawa na blog site, hehehe. Actually, she has more! May Kanta kantahan, Sama-samahan(well not exactly the title, but yun na yun,) and best of all, kumuha ng test and pasado with flying colors. So there are more good things in the offing for her this year, if not the next. On the other hand, may mga emo-emo siya, but surely easily handled. Sa una, maybe parang hinde, but in the end, all’s well that end’s well.
Si Ann na dati-rati ay pa simple ang catering e blooming na ang bisnis. Binibiro mo diet catering na ang dating. Pretty good, if you ask me. Ang kabilib dito e tatlong ritaso ang nakakapit sa kanyang saya, may Kadyo pa and still, no problemo – the show goes on!
How can you mend a broken heart? Iyan ang tanong kay mmy-lei. Palagay ko mended na and moving on! Ok, ok, ok, tumalon siya mula sa napakataas na palapag - nag bundy jumping pala, hehehe.
Si Ghee nga pala na nasa Japan(mahirap na baka magtampo kung di ko mabangit, hehe). Madalas din bumisita dito. Nakakatuwa ang kanyang pov. Happy go lucky ba? Maybe so, ano?
In any case, hopefully this year e maka post regularly. Makahanap sana ng oras. Time management ang kailangan para ang 24 hours e maging 25, at least. Well, tingnan natin kung ano mangyari this year. Tulad ng dula sa radio, ito ang paalam na salita:
Ano kaya ang mangyari? Manatili kaya ang Ingles Kalabaw sa daigdig ng blogging? Hinde kaya tamarin si Kulas? Magkaroon kaya siya ng panahon itaguyud at ituloy ang Ingles Kalabaw?
Abangan sa susunod na kabanata???

Saturday, April 21, 2007
Thursday, March 15, 2007
Google Earth
Sunday, March 04, 2007
Puting latik
Dinalaw si Kulasa ng yumaon niyang ina. Wala raw sinabi, ngunit nagpahiwatig na umuwi siya sa kanilang bayan at kailangan ang kanyang tulong. Hinde na ako umimik o mangahas magusisa. Yari na isip niya. Decidido na siyang umuwi.
So, the following week lumipad si Kulasa. Wala ng seremonya, halos walang dalang pasalubong, just one suitcase, but I suspect, plenty of cash. Marami siyang mga bilin sa akin, mga bagay na aasikasuhin – nampusa, binigyan ako ng assignment!

Mahigit na isang buwan siya dun.
Kapanibago nag-iisa sa bahay lalo na kung nakasanayan mo ng may kasama. Parang biglang tumahimik. Kahit na nag-iisa ako sa bahay nung nariyan siya, tahimik din, pero hinde pareho pakiramdam. I’m sure you know the feeling.
After one week nagsawa rin ako ng kakakain sa restaurant. So, nangahas ako na magluto sa bahay. Hanap sa cookbook o kaya naman surf the Net for recipes. Kung ano-anong recipe sinubukan ko: Orange beef, Pork/beef spare ribs with black bean sauce, kare-kare, kaldereta, boneless daing na bangus. Ang daming hiwa-hiwa, huhugasang bandehado at ang daming tira! Kasawa rin pala lalo na kung di tama labas ng luto. Okay resulta ng iba, while others iba itsura at lasa, pero okay na rin. Kapag gutom ka, kahit hinde, masarap na rin!

Mabuti kamo at meron akong rice cooker at turbo cooker! Except for the first try, lahat ng sumunod kong lutong kanin e perfect! Yung una kasi nakalimutan kong i-on yung switch ng rice cooker, hehehe.
Sa turbo cooker naman kahit na anong karne, chicken, baboy, beef, isda, o ano pa diyan, puwede. Basta't timplahan ko ng salt, pepper, Cheyenne, at butter, okay na. For vegies, bokchoy boiled in water with chicken stock, okay na rin. Sa ganitong paraan ng luto, wala masyadong huhugasan at mabilis pa.
So, pag-balik ni kulasa, nagulat siya at di ako nangayayat.
Maraming tanong! Hehehe.
----------------------
Ito sinumpong ako two days ago. Kumain ako sa pinoy tuo-turo. May kakaning biko, kulay ube at masarap. Gusto kong gayahin, may magagayang recipe, pero di ko alam ang lahat ng ingredients. Sabi nung cook may tupol daw. Ano Yun? Sabi nung isa pang cook, maitim na malagkit na kanin daw ang ginamit. Talaga?

Anyway, yung puti na ginamit ko. Iyan ang resulta. Hehehe, sensya na sa pic, paubos na. Dalawang piraso na lang natira. Pansin mo, maputi latik? Hehehe, okay din naman lasa. Tamo may pili nut topping pa!
Breaking News! Saka ko lang nalaman na meron pala talagang black glutinous rice, from Thailand. Hinde ko pa alam kung saan mabibili. Well, when I get some, try ko. Ako pa?
Thursday, February 08, 2007
Luha
Malapit na Valentines Day. Tiyak na may aagos na namang luha sa mga mata ni L. Hinde lang siya. Marami pa diyan – di mabilang sa dami.
Basta araw ng pagsasalo ng dadamin nagbabaha ng luha. Bakit kaya? Actually, mahirap ipaliwanag. Ang sabi nga ay “If you don’t know it, I can not explain it to you.” Well, marahil may mga adjectives na maaring gamitin to describe the feeling. But still, kung di mo pa na experience di mo talaga mage-gets.
Of course, luha can mean happy or sad. Alam na natin yung sad. Yung mangiyak-ngiyak sa saya ang nakatutuwa. Hinde yung napaiyak sa kiliti ha. Yung napaiyak sa galak, sa di mapigil na buhos ng kaligayahan ang tukoy ko. Na experience mo na ba iyan? Marami na akong nasaksihang ganyan, pero ako malayong mangyari sa akin iyan, puwera lang siguro kung manalo ako sa Lotto ng milyon-milyong USD maari akong mapaluha-luha – hehehe.
Ano ang pakiramdam mo ng una kang mapa-ibig sa isang tsiki-baby o tsiki-boy, as the case may be. Napaluha ka ba sa lungkot o sa saya? Can you describe the feeling?

Tama bang sabihin na mapait, pangit o masakit ang pakiramdam? Masarap o matamis kaya? Hinde! Although may mga lasang ganyan sa katunayan parang pinaghalong salungat na damdamin na nakapepeste ang karanasan, diba? Damdaming parang kabag na gustong lumabas(poooot). Hinde mo inakala na bigla na lang isang araw nag-iba ang mundo mo. Parang nakulam ka! Hinde maalis sa isip mo ang kirot. Laging naririyan. Parang tagihawat – peste! Tama ba?
Sa huli, mabigo man o magtagumpay ang iyong pag-ibig, pasalamat ka at ay may hantungan. Sa bigo, at least, you know what the vibes are like. Next time around, kung mabigo muli hinde na masyadong masakit, and when you succeed, the joy is many times more than the disappointments.

To the victor naman, if things go sour and it just might, you already know what it is like. That way next time around di ka na masyadong masasaktan and di na lang basta basta susugod sa apoy.
In any case, huwag kang madadala. Lumuha man o hinde, remember:
"Tis better to have loved and lost than never to have loved at all." (Alfred Lord Tennyson)
Happy Valentines Day!
Happy Valentines Day!
Wednesday, January 17, 2007
Patawid.
Tapos na christmas holidays. Eto ni-riribyo ko ang natangap kong mga regalo: may gift card, jacket, cash at kung ano pa. He, he, siempre yung cash ang pinaka maganda dahil kahit ano, kahit saan pwedeng gastahin. Actually, kaunti lang ang natangap kong regalo ngayong pasko kumparado sa nakaraan, although more or less, mas ok ang regalo ngayon – wala ng masyadong “practical gifts” tulad ng panyo, medias, scarf, o kaya gloves. Of course, this is not to say that there is something wrong with practical gifts. For example, lagi namang kailangan at gamitin ang panyo, hinde ba? Besides, saan ka pa, si Armani pa nga itong inaatsingan ko, hehehe.
Maraming taong pamasko na naipon sa aparador ko. Pinadala na nga sa Pinas ang karamihan dahil di ko naman ginagamit – sweater, polo shirt, tees at neckties. Gloves? Saan naman gagamitin sa atin ang gloves! Yung sweater nga e di ko na sana padadala ng maalala ko na malamig-lamig din ang pasko sa atin, lalo na kung magsimbang gabi. E ang daming payat sa Pinas (tulad ko nun), lamigin pa naman ang mga iyan.
Uy, siyanga pala, nakatayo pa hanggan ngayon ang Christmas tree ko. Nakakahinayang ibaba, ang ganda ng liwanag ng x-mas lights kung gabi, lalo na kung ito lamang ang nakasindi. Iwan ko kayang nakatayo ito until 2007 Christmas?
Bagong taon.
Uso pa ba ang mag “New Years Resolution” diyan sa inyo? Dito hard to tell dahil ayaw magsabi ng mga tao kung meron o wala. Kung sabagay mahirap magsalita dahil kailangan panindigan ang resolution at kung hinde matupad, medyo nakakamenos ang pakiramdam.
So, ang tanong: Ano ang New Year’s Resolution mo? Meron ba?

Subscribe to:
Posts (Atom)