Madiin na sumandal si Efren sa pader, umaasang hindi siya mahanap sa dilim, kung sakaling may humabol sa kanya. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Naiinip, nagmamadaling masanay ang paningin sa dilim:
Lumitaw ang anino ng kanyang ama. May hawak hawak na sinturon; Nakabibingi ang malutong ng lagitik nito ng lumatay sa kanyang tagiliran. Pumulupot sa kanyang braso ang sumunod na hagupit. Papang! Papang, and pigil na hiyaw ni Efren sa gumagapang na hapding pumupunit sa kanyang balat. Agad niyang dinilat ang kanyang mga mata.
Pagkalipas ng ilang sandali, ng mapalagay na ang loob ni Efren, nakihalo na siya sa mga nakaupong manonood.
"Icedrop, icedrop," ang tawag ni Pepe, isang batang naglalako ng pampalamig sa loob ng sinehan. Nakasukbit sa kanyang balikat ay styrofoan na kahon na may tatak na "Remedios Ice drop," paborito ni Efren. Ngumiti si Pepe ng makilala niya si Efren. "Hoy, Efren, ikaw na naman? Ilang beses mo na bang napanood ang sineng ito," ang bati niya. "Hehehe," natawa si Efren dahil ilang beses na silang nagkita ni Pepe na pinanonood niya ang palabas na ito .
Si Pepe ay isa sa mga iskwater sa Pasig line. Part time niya ang magtinda ng icedrop sa sinehang ito. Paminsan-minsan, kung mayroon, ay nagtatrabaho rin siya pier. Malaking sibol si Pepe at kahit ilang taon pa ang layo niya sa apatnapung gulang, mapagkakamalang binata na siya. Siga-siga si Pepe sa lugar nila, ngunit hinde siya basagulero. May kaunting sumpong lang paminsan-minsan. Kamakailan lamang e nagpakita ng sungay ito. Nagaway sila ni Talito, ang siga-siga dun sa iskwater area ng rilis.
Umupo si Pepe sa tabi ni Efren:
"Gusto mo ng icedrop, Efren," ang tanong ni Pepe. Umiling si Efren at medyo nahihiyang sumagot, "Hinde, salamat." Natutunugan na nahihiya lang si Efren, muling nag-alok si Pepe,"Oh? Sige na! Bagong gawa yan. Masarap." Gusto naman talaga ni Efren, lalo na yung ube na may mungo sa tuktuk. Ang problema e wala siyang pera kaya kunwari e ayaw. "Sige na, Efren. Huwag ka ng mahiya," ang ulit ni Pepe at gaya-gaya ang isang eksena sa sineng napanood nila, mahinay niyang siniko si Efren, "Sige na bata... On the house yan, hehehe." Natawa si Efren, napawian ng hiya at tinangap ang alok ni Pepe. "Meron ba diyan ng ube flavor? Yung me mungo sa dulo," ang tanong niya. Habang hinalungkat ni Pepe ang kahon ng ice drop, nakita ni Efren na may paltik na natatabunan ng mga ice drop. "O, eto," abot-abot ni Pepe ang ice drop. "Pepe, ano ba, baril..." ang pasimulang tanong ni Efren ng biglang tumayo at nagpaalam si Pepe, "O, sige Efren, ingat ka ha," ang paalam niya at papaloob sa dilim maririnig ang malinaw na papalayong tinig niya:
Icedrop... Icedrop... Icedrop...... Icedrop...

Nagsusuntukan si Christopher De Leon at Cesar Montano. Sikad dito, sigad doon, ngunit sa tindi ng bugbugan halos hinde man magulo ang buhok ni Christopher - ayos pa rin. Mula sa loob ng gusali, palabas at patungo sa kabukiran ang labanan! Banat ng banat, At ng akala mo'y naubusan na sila ng lakas, bumunot ng baril at nagbarilan sila. Dahil wala sa kanilang asintado, hinde magkatamaan, pero hinde rin magkaubusan ng bala!
Pagkalipas ng ilang sandali, ng mapalagay na ang loob ni Efren, nakihalo na siya sa mga nakaupong manonood.
"Icedrop, icedrop," ang tawag ni Pepe, isang batang naglalako ng pampalamig sa loob ng sinehan. Nakasukbit sa kanyang balikat ay styrofoan na kahon na may tatak na "Remedios Ice drop," paborito ni Efren. Ngumiti si Pepe ng makilala niya si Efren. "Hoy, Efren, ikaw na naman? Ilang beses mo na bang napanood ang sineng ito," ang bati niya. "Hehehe," natawa si Efren dahil ilang beses na silang nagkita ni Pepe na pinanonood niya ang palabas na ito .
Si Pepe ay isa sa mga iskwater sa Pasig line. Part time niya ang magtinda ng icedrop sa sinehang ito. Paminsan-minsan, kung mayroon, ay nagtatrabaho rin siya pier. Malaking sibol si Pepe at kahit ilang taon pa ang layo niya sa apatnapung gulang, mapagkakamalang binata na siya. Siga-siga si Pepe sa lugar nila, ngunit hinde siya basagulero. May kaunting sumpong lang paminsan-minsan. Kamakailan lamang e nagpakita ng sungay ito. Nagaway sila ni Talito, ang siga-siga dun sa iskwater area ng rilis.
Umupo si Pepe sa tabi ni Efren:
"Gusto mo ng icedrop, Efren," ang tanong ni Pepe. Umiling si Efren at medyo nahihiyang sumagot, "Hinde, salamat." Natutunugan na nahihiya lang si Efren, muling nag-alok si Pepe,"Oh? Sige na! Bagong gawa yan. Masarap." Gusto naman talaga ni Efren, lalo na yung ube na may mungo sa tuktuk. Ang problema e wala siyang pera kaya kunwari e ayaw. "Sige na, Efren. Huwag ka ng mahiya," ang ulit ni Pepe at gaya-gaya ang isang eksena sa sineng napanood nila, mahinay niyang siniko si Efren, "Sige na bata... On the house yan, hehehe." Natawa si Efren, napawian ng hiya at tinangap ang alok ni Pepe. "Meron ba diyan ng ube flavor? Yung me mungo sa dulo," ang tanong niya. Habang hinalungkat ni Pepe ang kahon ng ice drop, nakita ni Efren na may paltik na natatabunan ng mga ice drop. "O, eto," abot-abot ni Pepe ang ice drop. "Pepe, ano ba, baril..." ang pasimulang tanong ni Efren ng biglang tumayo at nagpaalam si Pepe, "O, sige Efren, ingat ka ha," ang paalam niya at papaloob sa dilim maririnig ang malinaw na papalayong tinig niya:
Icedrop... Icedrop... Icedrop...... Icedrop...
Nagtitinda ng ice drop sa loob ng sinehan? Meron ba nun? Panahon mo ba yan MK...hehehe.
ReplyDeleteAlam ko balut pero kwento na lang ng nanay ko sa akin...hahaha!
ReplyDeleteNakalimutan mo yung penoy. ;)
ReplyDeleteAy gusto korin ng icedrop hindi na kc uso ngaun un e! puro mga frost nalang heheh
ReplyDeleteYung props at di yung karakter ng istorya ang napapansin, ah.
ReplyDeletenaku miss ko na yang ice-drop na may mungo... pero baket may baril si Efren? ...hmmm, parak ba o terorista? hehehe
ReplyDeleteako po ay nagbabalik...
Ikaw MK ha! Ginaya mo yata yung style ko...hehehe..Bakit old post ito?
ReplyDelete