Ito pala ang kinahinatnan ng buhay ni Inyang, ang dating "Miss Simpatica" ng Villamar high school maraming taon ng lumipas. Sino ang makapagsasabi ngayon na sa ilalim ng mauling niyang mukha ay may natatago pang ganda? Bihira ng makita ang mahalina niyang ngiti at maperlas niyang mga ngipin. Subalit, bigo man ang buhay niya sa mata ng ibang tao, may nananatili siyang pagasa - Si Mang Tonying! "Walang nakapagbibigay ng ligayang binibigay sa akin ni Tonying," ang sabi niya. "Ano man ang diperensya ni Tonying, mapagmahal siyang asawa. Hinde lang nila siya nauunawaan," ang pilit ni Inyang.
Antonio Abueva Senerez, ang tunay na pangalan ni Mang Tonying. May ugat Kastila, matangos ang ilong at maganda ang tayo. Mapagkakamalang artista! Pinaglihi si Tonying kay Leopoldo Salcedo (Poldo), ang tinaguriang hari ng puting tabing noong kabataan ng nanay niya. Parang hinulma si Tonying sa anino ni Poldo at di malayong sabihin na hawig na hawig sila. Marahil, nakatulong ito sa kanyang pagkahirang na "Mr. Charisma" at "The Man most likely to Succeed," kasabay ng pagka Miss Simpatica ni Aleng Inyang.
Kung tutuusin, hinde masamang tao si Mang Tonying. Hinde lang siya tamaan ng suwerte sa tamang oras o kaya naman sa tamang dahilan. Marahil labis niyang inaasahan ang likas na kagandahang biyaya sa kanya. "Masuwerte ka Tony," ang puri ng barkada niya. Biro mo pinasa siya ni Miss Cruz, isang matandang dalaga at estriktang titser, kahit na may kulang pa ka siya sa grado. Kung di kay Miss Cruz, hinde siya nakagraduate. Ganyang ang "swerte" ni Mang Tonying, lagi na lang nakalulusot. Ng itawag pansin sa nanay niya ito, "sa labas at hinde sa loob ng silid ng paaralan hahatulan ang kapalaran ni Tonying," ang sagot nito. Datapwat, kung pakikisama ang paguusapan, wala kang masasabi kay Tonying. Lagi siyang handa! Oo, basta't may Marka Demonyo o San MIguel sa mesa maasahan siya, ang sumbat ng iba!
Sadigan ni Inyang ang mga ala-alang ito. Parang gupit ng pelikulang paulit-ulit na pinalalabas sa panahon ng kalungkutan at alinlangan.
Nakabigkis sa kanyang baywang at nakabalot sa panyolito ay pulseras at hikaw. Wala na yung kuwintas na katerno ng mga ito, nakasanla na kay Beho, isang intsik na mayari ng isang maliit na tindahan sa kanto ng Mabuhay at Hiwaga. (Bakit ba lagi na lang may pera itong mga intsik? Bakit nga ba?) Inisip ni Inyang kung paano niya ise-sales talk si Beho. Siguradong alam ni Beho na kailangan niya ng pera. Walang sekretong lumalampas sa taong yun, lalo na yung mga balitang kalye, yung mapagkwakwartahan! Sana huwag akong baratin ng hayop na singkit na yun, ang ngitngit ni Aleng Inyang.
Paparoon si Inyang mamya paghupa ng ulan, at tulad ng dati, umaasang ang alahas na dala niya ang magpapalaya kay Tonying.
______________________________
Si Efren ang batang gustong makapuslit sa loob ng sinehan. Napanood na niya ang palabas. Narito siya dahil wala lang siyang magawa. Naghahanap ng sakit ng katawan, kung ang tatay niya ang tatanugin. Lagi naman kasing walang tao sa bahay nila. Nasa majongan ang nanay niya buong araw at ang tatay naman niya ay gabi na kung umuwi. Nasa trabaho pa, kundi sa kwadra ng kanyang kabayo. Kung sabagay, mabuti na iyan kaysa tamaan pa siya ng sinturon at tsinelas, lalo na kung talo ang tatay niya sa karerahan. Mas grabe diyan ay ang isama siya ng tatay niya sa lakad at iwanan na nagiisa sa kotse buong gabi hanggan umaga.
Tiyak na siya na naman ang susundo sa nanay niya mamayang gabi. Kinagawian na ito: Si Efren ang designated tagasundo sa kanila: Efren, sunduin mo na kapatid mo sa school. Efren, sunduin mo si Goring sa OTB. Efren tayaan mo ito. Efren masahein mo ako. Efren, punta ka dito. Efren, punta ka doon. At ito ang madalas: Efren, sunduin mo na ang nanay mo sa majongan!
Kawawang Efren, madalas kasi ayaw pang umuwi ng nanay niya - Lagi na lang isa pang Hai-alai, isa pang Hai-alai. Nalilipasan tuloy siya ng gutom at nakakatulog sa sahig sa kakahintay. Oks lang yan dahil palagi naman akong nananalo, ang sabi ng nanay niya. Paano naman hinde mananalo samantalang pati patay ay kasabwat sa labanan? "Naku, talong talo na ako ng maisip kong maghilamos at magpa-presko sa banyo. Nagdadasal ako doon ng maala-ala ko si Berto(lumipas niyang kaibigan na husler at sugalero). Berto, tulugan mo ako! Tapos nun, bigla akong nakabunot ng siete pares at rumatsada ng panalo, ang kuwento ng nanay niya. Hehehe, kung di man naniniwala, natatawa na lang yung tatay ni Efren.
Tulad ng ibang bata, parang wala ng bale kay Efren ang karanasan ngayon, kinabukasan. Ang mahirap ay ang maipon ang mga karanasang nakakasugat sa murang isipan. Nagpapatong-patong ito! At kung hinde maagwatan sa tamang oras at paraan ay parang bagyo na biglang bumubuhos sa di inaasahang panahon o dahilan.
Nakakita ng pagkakataon si Efren at mabilis na pumuslit paloob ng sinehan...
Hoy! Hoy, bata! Hoy, ang sigaw ng takilyera!
______________________________
Nagulat si Ompong ng bigla siyang kinausap ng babae:
Babae...: Sir, excuse po sir, may alam po ba kayong malapit na Metro Bank rito?"
Kahit walang alam si Ompong, mabilis pa sa alas kuwatro sumagot, at paingles-ingles pa...: Oh, yes Miss, in fact papunta ako doon ngayon. Hinihintay ko lang humina ang ulan. Ompong, Miss, Este, Napoleon Valeriano, at your service.
Walanjing, ang galing ng pasok ni Ompong!
Napangiti ang dalaga, ngunit nagalinlangan kung ano ang sasabihin. Nagtatalo ang isip: Fafa na fafa itong mamang ito. May pagka-OA lang, pero cute naman. Ano kaya? Okay kaya siya? Makisabay kaya ako? Naku, huwag na lang kaya at baka isipin niya pang pa easy-easy lang ako. Hinde yata ako basta bastang sumasabit sa taong di ko kilala. Pero, paano na yan. Hmp! Ang payat naman neto. Hinde tulad ni Richard(Gomez) na machong macho, pero who cares? Naku, po, ang cute niya...
Babae...: Sir, maari po bang sundan ko na lang kayo, Sir?
Ompong: It will be my pleasure. And please call me Nap, Nap at your service, Miss...?
Babae...: Lolita...
Ompong: Lolita? Oh, kay gandang pangalan. Lolita...?
Babae....: Lolita Madrona po. Lolly po, for short.
Nap.......: Asus, baka habulin ako ng mga apo ko, Aleng Lolly. Hinay mo na lang yung "po," LOL.
Lolly......: Pasensya na po, ay kana pala, Nap nakasanayang ko na kasi e.
Nap.......: It's okay, ganyan din ako, pero nakakalimutan ko ang sarili ko, kung minsan, lalo na pag...
Lolly......: Kayo naman.
Iyan nagkakilala na ang dalawa at nagi-ismall talk na. Mukhang ayos na. Ito na lang problema. Hinde alam ni Ompong na maselan si Lolly. Galit na galit sa mga sinungaling, kahit na maputing kasinungalingan, at kapag nalaman nitong hinde totoo na alam ni Ompong kung saan may Metro bank bibitiwan siya ni Lolly na parang mainit na kamote.
Kung sabagay, hinde din naman alam kung talagang naghahanap ng Metro Bank si Lolly, diba? Malay mo kung kumekerengkeng lang yun!
So, we will see next time, okay?

Natalisod si Inyang ng matapakan ni Tonying ang kanyang saya. Madali naman siyang nahagip nito. Sandaling tumigil ang parada papuntang intablado ng magdikit ang kanilang paningin. Pumitik ang kislap ng mapuputing ngipin ni Inyang at nagusap ang kanilang mga mata sa wikang sila lamang ang nakauunawa. Parang ipo-ipong umikot ang paligid sa himig ng "You Belong to my heart," Nagsasayaw sila ni Tonying, nalalasing sa palakpakan ng mga tagahanga. Parang walang katapusan ang ligaya nila noon.

hehehe...oo nga style lang din yun ni Lolita. Gusto nya ng Metrobank eh di sa pulis sya magtanong o kaya sa metro aid...hehehe,
ReplyDeleteyayyy! eto na yung inaabangan ko!! ok,magbabasa na muna ako ;)
ReplyDeletehanep,Mk,para ako nagbasa ng liwayway,haha!
ReplyDeleteat napansin ko,marami nang characters dito,so ibig sabihin,hindi ito short story,iikot sa ibat ibang tao ang istroya nito ano?(may conclusion agad?haha!)
eniweys,nagpacute si Ompong at naging Nap pa,at may name na yung babae,si lolly pala!
hmmmm,kayang kayang lusutan ni Ompong yan,di ba? :D
Ann,
ReplyDeleteMukhang kilala mo ang mga "Lolita," ha. Pilya, ano?
______________
Ghee,
Lolly, as in lollypop! Hehehe
ngek,hehe...malaswa palang name :)
ReplyDeleteakala ko,may nangyari na kay nap at lolly,hehe..
Binubuwenas itong si Ompong. Paano ka niya hahanapin ang Metrobank? Baka kung saan sila mapadpad ni Lolly? Aabangan ko ang kasunod.
ReplyDeletePalagay ko up to now ay hinahanap pa rin nila ang Metrobank.
ReplyDeletehehe,yung metro bank ba ang nawawala,Ann? :)
ReplyDeletepssst,MK,asan ka na?
wishing you a nice week ahead!
ghee