Tapos na christmas holidays. Eto ni-riribyo ko ang natangap kong mga regalo: may gift card, jacket, cash at kung ano pa. He, he, siempre yung cash ang pinaka maganda dahil kahit ano, kahit saan pwedeng gastahin. Actually, kaunti lang ang natangap kong regalo ngayong pasko kumparado sa nakaraan, although more or less, mas ok ang regalo ngayon – wala ng masyadong “practical gifts” tulad ng panyo, medias, scarf, o kaya gloves. Of course, this is not to say that there is something wrong with practical gifts. For example, lagi namang kailangan at gamitin ang panyo, hinde ba? Besides, saan ka pa, si Armani pa nga itong inaatsingan ko, hehehe.
Maraming taong pamasko na naipon sa aparador ko. Pinadala na nga sa Pinas ang karamihan dahil di ko naman ginagamit – sweater, polo shirt, tees at neckties. Gloves? Saan naman gagamitin sa atin ang gloves! Yung sweater nga e di ko na sana padadala ng maalala ko na malamig-lamig din ang pasko sa atin, lalo na kung magsimbang gabi. E ang daming payat sa Pinas (tulad ko nun), lamigin pa naman ang mga iyan.
Uy, siyanga pala, nakatayo pa hanggan ngayon ang Christmas tree ko. Nakakahinayang ibaba, ang ganda ng liwanag ng x-mas lights kung gabi, lalo na kung ito lamang ang nakasindi. Iwan ko kayang nakatayo ito until 2007 Christmas?
Bagong taon.
Uso pa ba ang mag “New Years Resolution” diyan sa inyo? Dito hard to tell dahil ayaw magsabi ng mga tao kung meron o wala. Kung sabagay mahirap magsalita dahil kailangan panindigan ang resolution at kung hinde matupad, medyo nakakamenos ang pakiramdam.
So, ang tanong: Ano ang New Year’s Resolution mo? Meron ba?

hindi ako nag nenew years resolution
ReplyDeleteewan ko basta hindi ako nasanay na magkaroon nun kahit isa.
yung xmas tree mo tanggalin mo na sus ..wag pairalin ang katamaran lol!!! belated happy holidays mang kulas :)
MK, salamat naman at nag-update ka na... hehehe
ReplyDeleteako rin di naniniwala sa new years resolution... parang niloloko ko lang ang sarili ko tapos di ko gagawin!
aba at may chirstmas tree ka pa! hehehe, ako all year round ang christmas lights dito, tama ka, maganda sya sa gabi!
Wala akong maisip na new year's resolution, pero one thing for sure tuloy ang blogging career ko...hehehe.
ReplyDeleteKahapon kumakanta si tin2 ng xmas song, sabi ko wag na at tapos na ang pasko.Bakit daw hindi na pwede pag hindi na pasko? Bakit nga ba? At yang xmas tree mo , bakit nga ba kailangang tanggalin na ?
Diko alam kung kanino ko narinig na ang magandang new years resolution daw e wag ng mag new years resolution. Basta kung me gusto kang baguhin sa sarili mo baguhin mo hindi na kelangan ng new year...
ReplyDeleteonga nman dba? Happy NEw Year Kulas, Salamat sa pag bisita sa aking ld apartment nyahahah
naranasan na namin na hndi alisin ang christmas tree ng isang buong taon, nagkatamarang kasi at nagturuan kung sino ag magliligpit kaya ayun pinabayaan nalang naka display the whole year! try mo. hehe.
ReplyDeletenagsawa na ako sa paggawa ng new year's resolution, kasi hindi ko naman nga napapanindigan, gusto ko sana mag control sa pagkain pero hanggang ngayon cge pa rin ng cge.
maganda yan ipon ka lang ng ipon ng regalo tapos ipadala mo sa pilipinas para pang regalo din, eh di tipid ka sa pamasko sa mga taga pinas. ;)
Melai, naman.
ReplyDeleteMmy-lei, di lang maganda ang x-mas lights sa gabi, medyo romantic pa kamo!
Ann, alam mo kung anong nakatutuwang x-mas song? Santa Claus is coming to town. Kung iisipin para siyang si Orwell’s Big Brother: “He sees you when you’re sleeping, He knows when you’re awake. He knows, if you’ve been bad or good…”
Tuts, sa palagay ko ang pag-gawa ng New Year’s resolution ay pahiwatig ng pag-asa, na sa pagsisikap ay may hinaharap na tagumpay. Mahirap gumawa ng commitment. That is why the New Year is used as a special occasion to make one.
It’s okay to make a resolution and fail so long as you honestly try to succeed.
Iskoo, okay iyon, isang taong naka display ang x-mas tree.
wow bait naman...
ReplyDeletemusta na dito MK, lapit na valentines. ang post kana ulit heheh
Masakit mahalin ang taong hindi ka naman mahal. Nakakapagod lang umasa, pero kahit umiwas ka na, may sasakit pa ba kapag tumama yung siko mo sa kanto ng lamesa? Nakapanghihina di ba?
ReplyDeleteMK, san ka na? May bagong bahay ka na ba?
ReplyDelete@TK, masakit din yung sa lulod di ba? (yun nga ba tawag dun?)
Akala ko, ang pinakamasakit ay ang magmahal ng taong hindi ka mahal. Hindi pala. Mas masakit pala yung alam na nyang may pigsa ka sa pwet, hinampas pa nya. It hurts you know, it hurts!
ReplyDeletewaaaaa.. salamat sa pagbisita sa aking lungga!