Nakasilong sa harapan ng lumang sinihan, aboridong nagpapalipas ng ulan si lalaki. Nahagip ng nagsisipon niyang ilong ang mahinay na halimuyak ng hasmin na dala ng ihip ng mabasa-basang hangin.
Hanap ang simula ng bango napalingon siya at ang maitim na buhok ng isang dalaginding ang kanyang nagisnan. Hinde kita ang mukha nito dahil mababa sa kanya ang babae, ngunit sa pakiramdam niya may itsura ang katabi niya. Hindi siya nagkamali. Pinagbigyan siya ng pagkakataon ng sabay silang mabilis na umrung sa pag-iwas sa tumilapong baha sa pag-harurot ng lapastangang jeepney!
Ay! Ang hiyaw ng babae. Nampusa! Ang bulong ni lalake. Kundi sa isat-isa, marahil kung anong salita ang bumitiw sa kanilang mga labi. Oo nga, nakikiramdam silang dalawa. May vibes na umaaligid. Mapagbigay ang damdaming namumuno. Ewan ko kung posible, pero parang "Love's in the Air," ika nga.
Tama ang kanyang hinala. Maganda nga ang babae. Halos isang pulgada ang baba sa kanya, ngunit di pansinin ito sa likas niyang kagandahan: ang pagkaitim ng kulay ng kumislap niyang buhok, ang mabibilog niyang mga mata, ang buo at hugis puso niyang mga labi at ang hubog ng mabilog niyang katawan. Okay, okay, medyo mababa ang ilong, but that's okay dahil hinde naman siya markana o tisay. Pinay na pinay. May gaganda pa ba diyan? Besides, love is blind. Espesyaly, at first sight, pisikaly!
"Okay ka ba, Miss?" Ang pasok ni lalaki. Medyo pa-charming ang kanyang ngiti. Sa totoo lang, pinapraktis niya ang ngiting ito sa harap ng salamin. Just in case of situations like this one. Kampante siyang lumapit, inaalok ang kanyang panyong may tigas pa ng armirol na natitira. "I'm Okay," ang may kahalong ngiti ang sambit ng babae. Nakiliti ang tibok sa dibdib ng lalaki ng tagusing ng mapuingay na tingin ang bintana ng kanyang kaluluwa. "Thanks, I'm fine," ang maingat niyang paheleng tangi.
Muling naging ambon ang malakas na ulan. Sapat na ang hina upang takbuhin ang kabilang kanto. Nanghihinayang si lalaki. Hinde pa niya alam ang pangalan ng dilag. Paano kaya niya makukuha yung address o cellphone number ng babae? Ang laking sisi at sumbat na naman sa sarili ang uuwian nito. Aba, sige na, take a chance, di bale ng masupalpal, no guts, no glory, 'tol!
Kalog...: Eh, ehem, miss, mukhang nakita na kita, hinde ba close friend ka ni Mila?
Pakipot: Mila? Wala po akong kilalang Mila????
Kalog...: OH?, I could have sworn na nakita na kita. Sa, sa party ni Chari...
Pakipot: Chari? Sino pong Chari?
Kalog...: Si Chari Malagsino. Ah siyanga pala, ako si Ompong. Kayo po, ano ang pangalan ninyo?
Na insecure at napakamut ng ulo ang kumag sa kakaintay ng sagot ng babae. Baka hinde pa kamo siya sagutin.
____________________
Umiikot ang isip ni Aleng Inyang. Puspus ang paypay niya sa iniihaw na mais, ngunit ang isip niya ay na kay Mang Tonying. Saan kaya siya maghahanap ng perang pantubos sa kanyang asawa? Hinde naman basagulero si Mang Tonying, pera lang kung nakainom. At sa kainitan ng panahon kahapon (nagpapalamig lang daw,) e nag-inoman at nakipagtalo sa isang tambay sa kanto. Iyun, sa di inaasahang pangyayari, nabasag niya ang bote ng beer - sa ulo ni Iking. Ayan nakalaboso at kailangan ng limang libong pisong piansa para makalabas. Napatitig si Inyang sa bumabagang uling, ang lipad ng abong may baga na parang alitaptap sa kulimlim ng araw. Kung maari lang sanang mapundi ang problema niya sa katapusan ng araw, tulad ng nagbabagang uling...
____________________
May isang gusgusing batang tumityempong makapuslit sa loob ng sinehan. Pinagmamasdan niya ang takilyera. Kapag nailang ito, ayos na.
____________________
Mabigat huminga ng hangin na may hawang gasolina. Hinde na ba talaga malulunasan ang smoke belching? Hinde kayang hugasan ng ulan ang polution sa hangin. Mainit ang hamog. Kung maaaring magpaulan na lang sana, pero mahirap ang magkasipon.
Muling bumuhos ang ulan.
____________________
Nag-trip si Ompong:
Ganitong ganito ang panahon ng naibig niya si Luisa. Nag-iisa siya sa silid ng di umanoy pumasok si Luisa. Nakangiti ito at basang basa, galing sa bumubuhos na ulan sa labas. "Ompong, tulungan mo naman akong kunin ang aking labada! Pinadpad ito sa lakas ng ulan at hangin," ang humuhingal na samo ni Luisa. Bakas sa malalim niyang pag-hinga ang malusog niyang dibdib na animoy sabik na makawala sa pangilalim niyang piitan. Nagulat man si Ompong, di siya nagdalawang-isip. Sinamahan niya agad si Luisa ng walang pagsakali.
Wari mo'y hagupit ang ulan sa lakas ng hangin, kasabay ang kidlat na kumikislap sa umaagos na baha, kasunod ng dagundong ng kulog. Kung mayroon man, wala ng labadang nakasampay na inabutan. Marahil natangay na ng malakas na hangin, ngunit sino ba ang nag-aala sa sampayan? Nadulas si Luisa at abot-kapit kay Ompong, sabay silang natumba sa baha. Ayun, gumulong-gulong...
____________________
Napatid ang lipad ni Ompong sa kililing ng cellphone ng babae. "Yes," ang sagot ng babae - Uhum ng Uhum at yes ng yes. Sino kaya ang kausap niya? Baka my boyfriend na siya. Sa ganda niyang iyan, maari ba namang wala pa? Pero bakit wala siyang kasama? Kung ako ang boyfriend niya hinde ako papayag na lumabas siya ng bahay ng walang kasama! Teka, baka naman wala pa siyang boyfriend? Tingnan mo mukhang tsuplada ang hanep, at mukhang mapili. Siguro masyadong mataas ang ilong ng pangong ito, tse...
Hehehe, walanghiya ka Ompong! Hinde lang sinagot ang tanong mo e kung ano-ano na pumasok sa isip mo. Kausapin mo! O yan, tingnan mo titigil na ulan, umaambon na lang. Aalis na yan, lost opportunity ka diyan, bokyo!
_____________
Itutuloy...
ayos.. para kong nagbasa ng pinag tagni-tagning maiikling kwento sa liwayway nung bata pa ko lol!!!
ReplyDeleteganyang ganyan din yung mga kwentong pinag-isa sa dalawang dekadang mga kwento sa Buwan Buwan Hulugan Mo Ako Ng Sundang ni Luwalhati Bautista e .....
hmmnn bakit kaya di ako makagawa ng tulad nyan....
ibig sabihin hindi ako talaga gifted lol!!!
hay salamat nag updeyt din lolo ko :)
naks parang komiks pala .....may itutuloy pa hmmnn kailan naman kaya yun lol!!! after three months? lol sana naman wag po no....
ReplyDeleteayy,bitin!!namiss ko rin ang mga kwento mo,Kulas!sana nga,wag mong tagalan ang kasunod,masyado akong naintriga kay Ompong at sa magandang babaeng mataas ang ilong pero pango,hahaha!
ReplyDeleteako pala ay nagbabalik sa mundong ito :)
Sana parehas din nang komiks, isang linggo lang ang pag-antay tapos may karugtong na kaagad....mahirap pa naman maghintay lalo na kung walang waiting shed, mainit.
ReplyDeletenakuu,masyado nmang suspense,Kulas..kelan ba ang kasunod?very curious ako talaga kung ano ang mangyayari kay ompong at sa beautiful girl :)
ReplyDeleteuy,may bagong post na ako,hehe.
Hinihintay pa kasi ako ni MK na dumalaw dito bago mag update...hehehe.
ReplyDeleteNamiss ko ang mga ganitong kwneto mo sa totoo lang....
Baka next month ang kasunod, nabitin ako. Happy ending kaya itong kuwdento mo? Aabangan ko ang kasunod nito.
ReplyDeletemay iba kang blog db MK?may iba akong napuntahan nun eh...hmmmm
ReplyDeleteTGIF!!
ghee
MK, asan ka na?
ReplyDelete