Medyo surprising ang election 2007 results sa pinas ngayon, di lang sa national level kundi sa local level din. Marami ang nag-aakala na dahil sa makenarya at salapi ng administrasyon, tiyak na ang panalo nang mga kandidato nila. Ngunit sa kasalukuyang bilangan sa karera para sa senado Genuine Opposition ang lamang. Bukod pa dito, nagwagi at diniklara ng panalo sina Lim para alkalde ng Maynila, Binay ng Makati, at kalakihang surpresa sa Pampanga na teritoryo ni President Gloria Arroyo, natalo rin ang mga bataan niyang si Mark Lapid at Lilia Pineda! Para bagang bumaliktad ang mundo ni PGMA! Binatukan siya! Ano kaya ang nangyari?
Ayon sa balita, marami pa ring nagbenta ng mga boto nila, marami pa ring takutan at patayan, marami pa ring animalya at pagkukulang ng COMELEC sa kanilang tunkuling isagawa ang malinis, tahimik at patas na halalan! So, ano ang pinagbago o kaibahan ngayon kaysa noong 2004 elections? Ang sabi ng nasa kalagayang makakita, wala! Si Mr. Hello Garci, natalo man at sumuko na, ay handa muli na ipagpatuloy ang kanyang dagdag-bawas operasyon. Dagdag dito, si Abalos, ang puno ng COMELEC , ay walang hiyang ginuguyod sa ilong na parang baka ng palasyo, kuno!
Parang mahirap paniwalaan na ang puno mismo ng COMELEC ay kasabwat sa dayaan, kung di man nagbubulag-bulagan. Parang mahirap din paniwalaan na ang pangulo mismo ng pinas ay mandaraya! Mahirap lang idiskwento yung “Hello Garci!” Meron pa nga akong kopya ng usapan ni Garci at PGMA! Isa pa yung “I am sori,” kuno.
Kuno? Bakit kuno? Dahil mahirap paniwalaan ang mga pulitiko! Kailangan inaasinan ang salita nila. Kasama na diyan yung mga manunulat at kritiko. Isa pa ang mga yan, mayroon ding pansariling ganansya. Bayaran pa nga yung iba diyan. E sino kaya ang puwedeng paniwalaan? Yung nagbebenta ng boto nila? Asus, no can do yun. E yung mga lider ng kandidato kaya? Hinde rin, aba. Yung barbero o manikurista mo kaya? Hehehe. E sino?
Sino pa, e di ikaw, ang sarili mo! Marahil iyan ang kaibahan ng eleksyon ngayon. Hinde man nagbago ang pamamaraan ng dayaan, marahil, nakinig ang mamamayan sa kanilang sarili at ginawa ang nararapat upang protektahan ang kanilang kagustuhan para sa kabutihan ng sambayanan. At least, iyan ang gusto kong paniwalaan! At kasama na rito ang walang pahingang pagmamasid ng mga pankaraniwang tao at NGOs sa eleksyon. Ang tutok ng media sa presinto at mga kagawad ng COMELEC at NAMFREL.
Sa mga dumalo at nagsikap na magkaroon ng malinis na halalan, maraming salamat sa inyong lahat! Mukhang mayroon tayong hinaharap na panibagong pag-asa.

Alam mo bang napakagarapal daw nang nangyaring vote buying sa amin sa pampanga ng anak ng huweteng. Nasa 1taw daw ang bigayan, pero ang mga tao tanggap lang nang tanggap then yung pera raw dinodonate sa funds ni Fr.Ed Panlilio. Magandang halimbawa pa rin ang Pampanga na pwedeng magkaroon ng malinis na election kung gugustuhin lang at kung may pagkakaisa ang mga tao. Dahil daw sa mahigpit na pagbabantay ng mga taong-bayan walang nagawa ang mga nakaupo sa gobyerno para dayain ang nanalong kandidato.
ReplyDeleteAnn, magandang halimbawa nga iyang nangyari sa Pampanga. Marahil sa susunod, kung mapansin ng buong bayan ang nangyari doon, matigil na yang bilihan ng boto.
ReplyDeleteCongrats sa iyo and your kababayans!
nakakahigh blood talaga ang election sa Pinas,ano Kulas?.bakit nahalal pa rin si Lim?hmm,sa totoo lang,di ko na kilala yang mga kumandidato,kasi wala na ako talagang interes kung sino man ang mahalal dahil pare pareho lang naman ang tactics nila,sa una lang magpapakitang gilas,pagkatapos nun,raket na!!hmmpp!
ReplyDeleteTama ka diyan, Ghee. Ang ilan sa mga yan ay ningas kugon! Sana naman iba ang mangyari ngayon. Sana maging tapat sila sa kanilang tungkulan.
ReplyDeleteNagbago na rin ang political landscape. Mas naghahanap ng accountability ang mga mamamayan ngayon. Naging mahirap din ang pandararaya dahil na rin sa kagustuhan ng mga taong marinig ang kanilang tinig at mabilang ang boto.
ReplyDeleteoo nga,Kulas..kailangan siguro ng isang grupong magpapasimula ng maganda at honest na pamamalakad,modelo kung baga.hayy..ang sakit na nga ng daliri ko,kasi laging naka cross,hehe..(cross fingers).
ReplyDelete