Tuesday, December 01, 2009
Pasko na naman.
Tanong sa akin ni Kulasa: Kulas, ano ang gusto mong regalo ko sa iyo ngayong Pasko? Gusto mo ba ng recliner na upuan? "Ewan, di ko pa napag isipan kung anong regalo ang gusto ko," ang sagot ni Kulas.
Kaso nito e alam na ni Kulas ang gustong pamasko ni Kulasa. Marahil sa di sinasadyang pagdulas ng dila e nabulgar niya ang nais niyang pamasko. Hindi agad pinansin ni Kulas ng marinig niya ito, at sa kanyang hinala, nakalimutan na ni Kulasa na nabangit niya ang gusto niyang pamasko. He, he, he, malamang na magugulat si Kulasa sa araw ng Pasko, ang sumaisip ni Kulas.
Malapit na, hindi ba? Twenty-three days na lang Pasko na. Teka, e paano na yung sa akin? Ano kaya ang magandang pamasko para sa akin?
Hmmm...
Tuesday, November 17, 2009
General Pasan-pasan
Sent to me via e-mail: A picture of an American officer, wading the waters and a Filipino General, riding piggy back on a local man in read tank tops. The name of the General is not disclosed.
The caption on the picture said something to the effect that what the Pinoy General is doing in the picture depicted is setting an example on how to fight the war against the Abu Sayaf!
Tuesday, October 13, 2009
Fall na.
The autumn leaves drift by my bintana. And sooner than later malaking trabaho na naman ang maglinis nito. Last year, twenty 50 gallon leaf bags ang napuno ko. Ngayon, marahil ganoon din ka dami. Actually, tinabas ko yung puno sa tapat namin, pero dahil sa maulan na tag-init, ang bilis tumubo at kumapal ng dahon.
So, another Summer passes by. Fall is here and Winter follows. What, another year na naman ang palipas? Teka, magpa-pasko na naman!
Sunday, October 04, 2009
Wednesday, August 05, 2009
Monday, June 29, 2009
Ang Palabok ni Claring.
Hinde ko na masiguro ang pangalan niya, ngunit sa aking ala-ala bagay na bagay ang pangalang Clarita sa kanya. Tawagin na lang natin siyang Claring, ang kusinera ng dati kong paboritong karinderia.
May neckerchief siya ng una kong makita. Naka ponytail ang kumikislak niyang maitim na buhok. Umiilag ang kanyang tingin sa akin ng alukin niya ako ng gusto kong pagkaini. "Ano po ang order niyo, sir," ang bati niya. Hindi ako nag aksaya ng panahon, "may palabok ba kayo?" ang tanong ko. "Igagawa ko po kayo, sir," ang sagot niya.
Saka ko pa lang nasuma na siya pala ang kusinera sa sagot niyang iyon. Actually, para sa akin, hinde naman siya mukhang kusinera sa gayak niya(medyo over dressed sa tingin ko) para sa isang kusinera.
"Masarap ba?" ang tanong ko. (Alam niyo, paminsan-minsan may pagka-engot itong si Kulas kung magsalita. Ano ba namang tanong yan sa isang kusinera - "Masarap ba," asus.) Anyway, ngumiti siya sa akin at matuksong sumagot,"sasarapan ko po, sir." Hehehe, nadiyahe si Kulas sa sagot na iyon at mabilis na sumukli ng pinaka-simpatikong ngiti na makakayanan niya.
Nasa lasa ang katibayan.
Kakaiba ang palabok ni Claring. Ang hilaw na itlog sa ibabaw ang una kong napansin. Bihon ang pancit niyang ginamit sa halip na tunay na pampalabok. Hindi masabaw ng luto niya at tama lang ang sahog. May kaunti pang tinapa sa tabi imbis na bacon na ginagamit ng karamihang karindirya dito.
Nanatili si Claring sa tabi ko habang hinahalo ko ang palabok. "Gusto po ba ninyong pigaan ko ng kamasi, sir," ang alok niya. Dumikit ang balakang niya sa braso ko at naamoy ko ang sabon niyang ginamit sa pagligo. Wala siyang iba pang pabangong gamit, ang sumaisip ko. Ramdam ko ang himig ng kanyang pag-hinga habang pinagmamasdan niya ako (imagination ko lang kaya iyon?) Kung saan na patungo ang isip ko ng, "hoy, ano ba? Pakainin mo na ako!" ang angal ng nag-iingay kong tiyan.
Si Claring o ang palabok.
May kasabihan na sa tiyan ang daan papunta sa puso ng isang lalaki. May katotohanan kaya ito? Dumalas ang dalaw ko sa karindirya ni Claring. Lagi na lang palabok ang order ko, at kung wala si Claring, hindi na ako omo-order - saka na lang ika ko.
Ang sabi ng kaibigan ko, masarap daw ang palabok ni Claring, puwera yung hilaw na itlog. Para sa kanya, hard boil daw ang mas maigi (itlog na maalat pa nga daw, kung maari.) Kaya, tanong niya: si Claring ba o ang palabok?
Aba, kung wala si Claring e wala rin ng palabok, hindi ba?
Dito siya nagsimula.
Thursday, June 18, 2009
Si Henry.
Isang araw nakita ko na umiiyak si Henry. Akala ko e nakipagaway. "Henry, bakit, ano ang nangyari?" ang tanong ko. Galit na binalabag ni Henry ang bisikleta niya sa lupa. "Ayoko na ng bisikletang ito!" ang sikad niya. "Bakit?" ika ko.
Lumuluha si Henry habang nagsasalita,"Kinausap ako ng daddy ko, Kulas. Sabi niya, Henry, lahat ng bagay na ibinigay ko sa iyo ay galing sa sariling pera mo na isininubi ko para sa iyo. Henry, dapat alagaan mo ang mga bagay na ito dahil uuwi ako sa Amerika."
Wapelo! Wala akong nasabi, ngunit nakapagtataka? E, bakit naman uuwi sa Amerika yun na di sila kasamang mag-ina? Hindi ko na naitanong upang malinawan ang sinabi ni Henry dahil madali siyang tumayo at bilis-bilisang nagbisikletang humaripas papunta kung saan.
Ok, ok, siempre naman, ingles ang salita nung markanong mama, pero tagalog ang pag- kuwento ni Henry. Ok, ok, dahil hindi naman magaling mag-ingles si Henry noon, marahil, ineksplain ng nanay niya ang sinabi ng tatay niya. Ok...
Marahil may di pankaraniwang dahilan ang pag-uwi o pagbalik sa US ng tatay ni Henry. Maari din na may kinalaman sa relasyon ng mga magulang niya. Ngayon isipin, hindi nga pala ma-susyal ang ina niya tulad ng mga nanay naming mga makakalaro.
Bakit nagalit si Henry? Malamang dahil ito sa pag-uwi nga tatay niya. O baka naman dahil permanente ang paalam sa kanya. May iba pa sigurong dahilan, pero, ano malay ko noon? Totoy lang si Kulas, walang karanasan sa mga bagay-bagay na opisyo ng mga matatanda.
Anyway, matagal kaming di nagkita ni Henry mula noon. Para bang umiiwas siya sa aming barkad. Hinde ko na nalinawan kung ano ang nangyari. Nalaman ko na lang isang araw na huminto na siyang mag-aral(sa pribado pang paaralan pumapasok si Henry) at nagtatrabaho na siya kung saan.
Maagang nag asawa si Henry at ang mga expectations sa kanya, mula sa impression sa kanya noong bata pa kami as in the most likely to succeed, ay hindi nangyari.
Nga naman, maaga siyang pinalayaw ng kung ano-anong bagay na wari ko ay pakita ng pagmamahal. Itong tatay ko, manilaw-nilaw na ang puting kameseta ko bago mabigyan ng ilang piso na pang-sine, kahit na ng gugulpe, e matatag naman na lagi nandiyang umuuwi.
Saan ka pa?
Tuesday, June 09, 2009
Sausage!
Naala-ala ko isang nakatatawang pangyayari sa isang Pilipinong kainan sa Manhattan:
Iilan-ilan lamang ang mesa ng maliit na restawran. Dalawa lamang ang waiter at abalang abala sila pareho. Anyway, naroroon kami at naghihintay na masilbihan. Sa wari ko, iniiwasan kaming masulyapan ng waiter dahil sa gulo ng paligid. Hehehe, hindi ba ganyan sa karamihan ng restawran, parang ayaw matawag ng pansin ang mga waiter? Paroon at parito silang dalawa, timbang sa nakataas nilang kamay ang serving tray na puno ng inorder na pagkain. Nakapanglalaway ang halimuyak nito lalo na ang sinigang at kung ano pang putahe na umuusok pa sa init.
Pasok ang isang pamilyang Amerikano. Mukhang out-of-towners ang mga ito. Naka short cargo pants yung mama at teenager niyang anak na lalaki. Yung asawa niya at anak na babaeng teeny bopper ay naka-tanktops at sandals. Blond silang lahat at mukhang pagod sa kalalakad at init ng panahon.
Taas leeg silang sumisilip sa bawat pagkain na dumadaan sa kanilang mesa. Medyo kumikisay ang kanilang ilong sa nakahahalina at nakalalaway na amoy ng pagkain, lalo ng yung sinigang.
Masigasig na pinag-aaralan nung tatay ang menu. Kamut ulo ito dahil wala namang explanation yung entrees dahil pinoy lang naman ang madalas sa resto na ito at yung mga taga New York naman ay may experience na sa dish pinoy. Anyway, nahihirapan yung mama ng kunin ang pansin nung waiter. Ilang beses niyhang kinawayan na walang bisa. Sa wakas, lumapit din yung waiter. He, he, he, bading pala itong waiter at medyo masama na ang timpla. Malamang dahil sa dami ng tao o ano pa mang dahil:
Waiter: Yes?????
Kano: Uhmmmm, this entry here... Sausage...
Waiter: Yessss?????
Kano: Uhmmmm, what kind of sausage is this?
Waiter, medyo nagtataka sa tanong nung Kano: What do you mean, what kind of sausage is this?
Kano, nag-aalala na hindi naunawaan ang tanong niya, tinuro ang entry sa menu: Yes, this, what kind of sausage is this???
Waiter, may attutude at nakapamaywang pa (bading na bading style): What kind of sausage? That is good sausage, delicious sausage!
Kano, naduro na at ayaw magkaroon ng scene: Oh, I see...???
Waiter, parang naiinis at ayaw ng maabala. Nagpapadinig: Hmmm, there are so many customers...
Kano, just one question: This sausage. Does it have sauce?
Waiter, parang asungot: Of course, it has sauce! That is why it is called sausage - SAUCE, SAUSage.
Hehehe.
Wednesday, May 27, 2009
Maka Pamilya.
Hinde una pinansin ng tatay niya na abala sa kuwentuhan at pag-kain. "Waaaaaaaaaaaaaaaaa," ang ulit ng bata. Ngayon medyo may banta at pahiwatig na iyak na ang susunod. Wala pa ring pumansin. Natural, yung mga kumakain doon sa turo-turo e naiinis sa ingay, pero dahil puro kabababayan, kunwari, wala lang. Sa ika-tatlong walang patid na ngawa ng bata, hinde napigilang bigyan ng pansin ito. Tumayo ang isang kasamahan nung tatay, kinuha sa baby seat at kinalong. Asus, e cute naman pala yung bata at medyo kalakihan ang sibol (5'7" daw ang taas ng nanay, ang sabi ng tatay ng nagkapalagayang loob na).
E, ayun, nagsalita na ang mga patron ng tuto-turo: "Aba e mas malakas pa sa boses ko ang boses ng batang ito a," ang nakangiting sabi ng isang nakasalamin at bigotilyon lolo. "He, he, he, ilang taon na ba yang kutil na iyan," ang tanung noong isa. Natutuwang sinagot naman ng palakpak tengang tatay ang kung ano-anong pang mga tanong ng mga patron sa resto at nag volunteer pa nga ng ilang impormasyon ukol sa bata at pamilya niya.
Mala-pista ang himig sa turo-turo restawran - parang restawran sa probinsya na ang lahat ay magkakilala, kung hinde mag-kamaganakan.
Ha, ha, ha, Pinoys lang kaya ang ganyan na maka-pamilya?
Tuesday, May 05, 2009
Blogging.
Well, I get to wonder no more when I come across blogs that tell of their daily lives, as they are, being themselves. It amuses me and it makes my views more tolerant and less critical because I see myself as I was(and often times still am) doing and saying the same stupid, silly things. When I read off side posts, I sometimes think, what a silly thing to do or that was stupid! But then, my long memory reminds me of my own crazy, stupid deeds when I was a kid: like when I held and exploded a fire cracker in my hand, stand on the saddle of my running bike, hitched a ride on a sailboat out to sea then swim back to port, drink silly until I pass out, smoked one and half packs of cigarettes a day, gamble my tuition money away, etc.
Why exactly I did those things simply escapes me today. But then, only last August '08, I got myself a mountain bike and started riding what is rated to be "most difficult trails." I had banged both of my knees, my right elbow, crashed, and somersaulted a couple or so times. For a grown up like me, that's kind of silly, isn't it? But then again, there are older people out there blogging about the same (mis)adventures.
Also, blogs gives me a feel of things I would like to do but can't right now. This guy Sidney, for example, he goes around taking pictures of places, events and people. Also, this guy Dennis V, who travels solo and writes interesting essays about the images he takes. Sometimes I can relate with their experience which is the next thing to being there. Why, that is something I would like to do someday. Well, today, if I could.
I do browse through politic blogs. I had commented on some, but shy away from them now. They are upsetting at times and really does not provide any practical usable lesson or value. I find most of them one sided, polarizing and self-serving. Some of them are so full of themselves, they lose track of what they blog about. And worse, some just fire up people to hate!
The blogs I find really interesting are those that tell of there own lives, their own stories - their adversities, their joys and their hopes. OFWs working hard, going for a better life, sharing their blessings and inspiring others, is a good example. Sometimes, you can't help but get involved. You know what they are going through. You have been there before. You begin to personalize and offer kind supporting words. Things you had wished for when you were on a boat they are in now!
I liken some blogs to TV family shows. You grow up with them and they, the characters, grow up with you. You come to know and talk about them on a first name basis. Sometimes you feel like you know them enough to be your own family. You become personal? How does that figure out? You become personal without really being personal?
Blogging is cool, eh.
Sunday, March 29, 2009
Pagsubok.
Pagbalik ni Kulasa galing Europe marami siyang dalang crucifix mulas sa Portugal at Spain. Ilan sa mga ito ay ukol kay St. Benedict na sabi niya ay tapagtangol o laban sa maligno. "Blessed na iyan," ang sabi niya. "Ihahanap kita ng neck chain para diyan para masuot mo araw-araw, "ang pangako niya sa akin.
Si Kulas naman ay hindi mapaniwalain sa mga bagay-bagay ng maligno. Kahit na sa ala-ala niya ay ilang beses na siyang pinakitaan ng multo noong paslit siya. Ngunit sa idad niyang ito ay mahirap na sadyaing isipin na nangyari nga. Anyway, ng pumanaw ang nanay ni Kulas, lagi siyang bagabag. Hindi niya masiguro kung bakit, ngunit lagi siyang nakararamdam ng pangi-ngilabot. Ang sabi ng mga mahilig sa lagimgim, malapit daw si Kulas sa mundo ng anino. Shiiiit! ika ko.
Baka naman may bilin sa iyo o kaya naman ay may gustong ipaalam, ang tanong ni Kulas sa kanyang sarili. Tangna, bakit hindi na lang magpakita ng harapan para tapos na, diba? Balisa si Kulas sa pagtulog sa mga dumaang gabi. Hindi niya magawang humigang nakatagilid sa kanang tabi dahil may nararamdamang siyang ihip ng hanging sa kaliwa niyang tainga - parang may mukhang nakatutuk sa kanyang pisngi. Kaya, ng ulitin ni Kulasa na sasangahan siya ni St. Benedict sa mga damdaming ito, hindi na siya tumangi - Ginamit na niya ang kuwintas. Mahusay ang tulog ni Kulas ng gabing iyon. Ganoon din sa mga sumunod gabi.
Lagi ng suot ni Kulas ang kuwintas kahit saan siya pumunta. Isang hapon pagka-galing niya sa isang department store, napansin niyang nawala ang krus sa kuwitas niya. Marahil napigtas ito? Ngunit, wala naman siyang napansin. Napigtas kaya ito ng magsukat siya ng damit? Bumalik siya sa department store at nagtanong sa mga sales clerk kung may nakita silang krus. Wala po, ang sabi nila. Nagpunta siya sa customer service at nagtanong doon - wala rin. "Hayaan niyo sir, babantayan namin at pag may sumuko nito sa amin ay ipaalam namin sa inyo," ang pangako nila.
Naku, paano na ito ang isip ni Kulas. Tinrays ni Kulas ang kanyang dinaan. Nagdala pa nga siya ng flashlight at ginamit ito sa kalye sa pag-sakali na makita niya ito. Ng dumilim ng husto, umuwi na lang si Kulas. Iniisip niyang baka mas suwertehin siya kunabukasan.
Hindi niya maalis ito sa kanyang isipan at buntunghiniga siyang bumagsak sa upuan. "Haaay naku naman, bakit naman ganito. Sobra...!
Paglipas na ilan pang sandali, naihi si Kulas. Tuloy pa rin ang himutok ng kumag ng humarap siya sa inudoro. Inilabas niya si Pedro para magdilig. Oops, ang gulat ni Kulas ng may tumurok sa tumbong niya. Ano ba ito??? Hindi siya makapaniwala ng matuklasan niyang ang hinahanap niyang krus ang tumumbok sa kanya! Talaga namang nakapagtataka at naroroon ang krus. Nasa loob ng karsunsilyo niya!
Walanging, papaano napunta yun dun?
Ang sabi ni Kulasa, pinaglalaruan daw si Kulas? O kaya naman e natutuwa daw sa kanya at sinusubukan kung may malasakit siya sa gamit niyang icon... Pagsubok daw.
Sunday, March 15, 2009
Keep an eye...
So, siguro to make me feel at home, kinausap ako ng mga katabi ko. Small talk, halimbawa, kung ano ang palagay ko sa ganito at ganyang bagay, you know... Anyway, naisip ko na I might as well make the best of the situation so, nakipag kuwentuhan na rin ako.
Halakhakan ang mga tsikas sa mga joke ko. He, he, he, naala-ala ko tuloy yung napaka saya at care free days ng high school at college days ko - Napaka saya. Ganun yun, e.
Ang grupo namin ang pinaka maingay sa workshop. Mabuti na lang kamo at understanding yung in-charge sa workshop. Tutal, libangan lang naman talaga yung worshop. Pampalipas ng panahon!
Nag enjoy na rin si Kulas. Parang barkada kasi ang init ng usapan. Natural ang isat-isa. kaya masaya ang pakiramdam ni Kulas ng nagpaalaman na. Isang bagay lang ang hindi niya naintindihan, o kaya naman e pinagtakahan ng marinig niyang sabihin ng mga babae kay Kulasa na bantayan niya si Kulas.
"Keep an eye on him," ang sabi nila kay Kulasa. Ano kaya ang ibig nilang sabihin noon?
Wednesday, March 11, 2009
Pinas today, according to Goring.
Kahit na anong bagay sa Pilipinas ay maari. Walang imposible. Lahat ng bagay mabibili mo.
Walang kapatid, pamangkin, anak o ano pa mang relasyon na may halaga kapag pera ang pinag-uusapan.
Masarap ang buhay sa Pilipinas. 60 - 70,000 pesos kada buwan, masaya ka na.
120 pesos a day sa pagkain. Approx. 35 pesos kada ulam, sa akin ang kanin. Okay na.
Kailangan may kotse ka rito. Di kailangan na bago, basta't may sasakyan ka. Pangit naman yung galing ka abroad tapos naglalakad o sumasakay ka ng dyip. Nagmumukha kang kawawa.
Iba ang may kasama sa bahay. Masaya ang buhay, kung may nagsasabi sa iyo ng: Kamusta ang araw mo? Kumain ka na ba? Pawisan ka, magpalit ka ng damit.
Masarap ang may kasiping at matulog ng nakahubad.
Hindi ako gumagawa ng appointment. Sa bawat sandali may nagte-text sa akin: Nag-aanyaya, nagsasamo o kaya naman e may pangangailangan. Kailangan alagaan mo sila para mahalin ka nila.
Lahat ng lalaki sa Pilipinas ay may querida. Sino ba naman ang ayaw ng kasiyahan? Iba ang asawa...
Ibinigay ko na sa asawa at mga anak ko ang bahay at apartment bldg. ko sa US. Alam ng asawa ko na hindi ako masaya sa America. Hindi na niya ako pinakikialaman at gayun din ako sa kanya.
Monday, March 09, 2009
Ang tilaok ng Uwak.
“Huwag mo ng pakawalan 'yan – paputukan mo na agad! “ Walanging, ke drama, ano? Gayun pa man, iyan ang sigaw ng mga kasama ko isang araw sa mabunduking niyogan ng probinsya ni inay. Doon kaming magkakapatid lagi nagbabakasyon tuwing tag-init. Nasa elementary school pa lamang ako nun at pasabit-sabit sa lakaran. Ngunit sa pagkakataong ito, ako ang may hawak ng de bombang perdegones na baril.
Crack! ang putok ng baril. Parang mga dice na kumarambola sa beto-beto ang mga ibon sa gulat. Yung pinaka malaki na inasinta ko ay gumulong at parang manok na pinugutan ng ulo: Kumisay-kisay ng walang pasubalit. Tumangkang lumipad muli, paparoon, paparito, at sa huli, agaw hinga na sumuko.
Sa kubo ni Otik ang aming pinuntahan – doon namin ito lulutuin. Mabilis kaming bumaba ng bundok. Dumaan sa baybay dagat ng mapansin kami ng isang mangingisdang pauwi galing sa laot, “Ano yang dala-dala ninyo?” ang tanong niya. "Wala po... Ibong Uwak na nabaril namin, " ang sagot namin habang bilis-bilisan ang paiwas naming lakad.
"Otik, lutuin mo itong ibon na-hunting namin. Iluto mo sa gata, tulad ng luto mo noon pista," ang sabi namin. Ininspeksyon ni Otik ang ibon at nakangiting nagtanong, “Ano bang klaseng ibon ito?” "Uwak," ang sabay-sabay namin sagot. “Wow, ang laking Uwak nito ha,” ang nakatutuyang kumento niya.
Ayon, habang nag-init siya ng tubig kumayod siya ng niyog at piniga ang katas nito. Inalisan niya ng balahibo ang ibon, pinira-piraso at niluto sa isang luma at maitim na frying pan. Wah, ang sarap ng amoy. Ng maluto ito, naglabas siya ng tuba. Kumain at naginuman yung medyo me idad na. Ako, kumain din at tumikim-tikim lang ng tuba.
Kuntento na kami. Busog na! "Mapupula na ang hasang," sa salita ng pinsan ko.
Ng kamustahin ni tio ang nangyari sa araw namin ng hapunan, walang nagbangit ng sapalaran namin. Alam ni tio na nag-hunting kami. Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit hindi kami sumunod sa payo niya na pag-aralan ang mga gawain sa bukid. At dahil naroroon si Inay, hindi ni Tio magawang itulak ang programa niya sa amin. Hindi na tinuloy ni tio ang usapan sa hunting namin, datapwat may paramdam siyang may alam siya ukol dito.
Kinalimutan na namin iyon hanggat makita ko kinaumagahan na kausap ni Tiong ang mangingisdang bumati sa amin sa baybay dagat kahapon. Hindi ko marinig ang kanilang pinaguusapan. Saka ko lang nalaman na nagsumbong pala kay tiong ang mangingisda sa nawawala niyang manok -- Ang tumitilaok naming uwak!
Sunday, February 01, 2009
Ano ang gagawain mo?
Hinde raw niya maunawaan kung bakit, datapwat alam na ni Nonoy na masamang uring tao si Jun, ginawa pa niyang katiwala? Kahit na bibgyan na niya ng babala si Nonoy, dahil ninakawan na sila ni Jun, patuloy pa ring inempleyo ito at ginawa pang kanang kamay.
Ano pa, ika ko? Ano sa tingin mo ang dahilan? Iyon na nga ang di ko maintindihan ang ulit. Bakit nga ba? E, magaling gumawa ng istorya iyang si Nonoy. Maraming sinasabing hindi naman totoo. Ang mga salaysay niya sa iyo ukol sa mga kasangkapan na nawawala, na ang mga ito ay marahil ninakaw ni Jun ay mahirap lunukin.
Iyon na nga ang hindi ko maintindan ang pilit ng pinsan ko.
E yung lupa na iniwan sa iyo, ano ang nangyari doon, ang tanong niya sa akin. Hindi ko binigyan ng pansin, ang sabi ko. Walang nagpapaliwanag kung bakit hinde tama ang nasa titulo, ang patuloy ko. Ay Kulas, iba diyan sa US na kailangan tama-tama ang mga bagay. Iba dito sa pinas. Puro dayaan dito, ang patuloy na. May sumbat ang salita niya. Hindi sumbat sa akin ngunit sa pagka hindi ko praktikal. DApat alam ko na yun sa tuno ng boses niya. Lahat ng bagay dito ay may dayaan at kurapsyon. Way of life na iyan sa Pinas. Lahat ay gumawa niyan dito.
Hmmm, nakatutuwa naman si insan. Hindi niya maunawaan ang mga gawain ni Nonoy ukol kay Jun, ngunit nauunawan niya na way of life ang dayaan at kurapsyon sa Pinas.
Mayroon akong istorya ukol dito:
Si Juan at Pedro ay matagal ng mag-kaibigan. Isang hapon, pauwi galing sa isang salu-salo, napansin nilang may tindahan na basag ang bintana at nakatimbuwang ang pintuan.
Juan: Pedro, tingnan mo iyong tindahan, basag ang nintana at halos wala nang pintuan, tumawag tayo ng pulis!
Pedro: Oo nga ano. Teka, maraming mga tao sa loob. Nagnanakaw! Ah, namumulot ng kasangkapan... May mga gusto akong mga bagay sa tindahang iyan, Juan. Mga bagay na di ko kayang bilihin...
Napakamut ng ulo si Juan. Ano kaya ang ibig sabihin ni Pedro? Kung ikaw si Juan, ano ang gagawain mo? Makisama sa gawain ng maraming tao sa loob ng tindahan o tumawag ng pulis? Ano ang gagawain mo?