Ang tatay ni Henry ay Amerikano at ang nanay niya ay Pinay. Para sa mga batang tulad ko, mamisteryo ang malaki at maputlang tatay niya na laging naka sunglasses - akala ko nga e piloto. Sa totoo lang di ko alam kung ano ang trabaho nun at hindi naman nababangit ni Henry. Pansin ko lang na tuwing umuwi ang tatay niya sa bahay nila, may kung ano-anong pasalubong ito. Wow, ang isip ko, napakasuwerte naman ni Henry, lagi na lang may surpresa mula sa tatay niya, samantalang itong tatay ko pang arkila lang ng bisekleta pahinog muna ako bago bigyan. Talagang mahal siya ng daddy niya!
Isang araw nakita ko na umiiyak si Henry. Akala ko e nakipagaway. "Henry, bakit, ano ang nangyari?" ang tanong ko. Galit na binalabag ni Henry ang bisikleta niya sa lupa. "Ayoko na ng bisikletang ito!" ang sikad niya. "Bakit?" ika ko.
Lumuluha si Henry habang nagsasalita,"Kinausap ako ng daddy ko, Kulas. Sabi niya, Henry, lahat ng bagay na ibinigay ko sa iyo ay galing sa sariling pera mo na isininubi ko para sa iyo. Henry, dapat alagaan mo ang mga bagay na ito dahil uuwi ako sa Amerika."
Wapelo! Wala akong nasabi, ngunit nakapagtataka? E, bakit naman uuwi sa Amerika yun na di sila kasamang mag-ina? Hindi ko na naitanong upang malinawan ang sinabi ni Henry dahil madali siyang tumayo at bilis-bilisang nagbisikletang humaripas papunta kung saan.
Ok, ok, siempre naman, ingles ang salita nung markanong mama, pero tagalog ang pag- kuwento ni Henry. Ok, ok, dahil hindi naman magaling mag-ingles si Henry noon, marahil, ineksplain ng nanay niya ang sinabi ng tatay niya. Ok...
Marahil may di pankaraniwang dahilan ang pag-uwi o pagbalik sa US ng tatay ni Henry. Maari din na may kinalaman sa relasyon ng mga magulang niya. Ngayon isipin, hindi nga pala ma-susyal ang ina niya tulad ng mga nanay naming mga makakalaro.
Bakit nagalit si Henry? Malamang dahil ito sa pag-uwi nga tatay niya. O baka naman dahil permanente ang paalam sa kanya. May iba pa sigurong dahilan, pero, ano malay ko noon? Totoy lang si Kulas, walang karanasan sa mga bagay-bagay na opisyo ng mga matatanda.
Anyway, matagal kaming di nagkita ni Henry mula noon. Para bang umiiwas siya sa aming barkad. Hinde ko na nalinawan kung ano ang nangyari. Nalaman ko na lang isang araw na huminto na siyang mag-aral(sa pribado pang paaralan pumapasok si Henry) at nagtatrabaho na siya kung saan.
Maagang nag asawa si Henry at ang mga expectations sa kanya, mula sa impression sa kanya noong bata pa kami as in the most likely to succeed, ay hindi nangyari.
Nga naman, maaga siyang pinalayaw ng kung ano-anong bagay na wari ko ay pakita ng pagmamahal. Itong tatay ko, manilaw-nilaw na ang puting kameseta ko bago mabigyan ng ilang piso na pang-sine, kahit na ng gugulpe, e matatag naman na lagi nandiyang umuuwi.
Saan ka pa?

oo nga,saan ka pa?
ReplyDeletetumigil si henry sa pag aaral,siguro permanente nang hindi umuwi ang tatay nya.ano nga kaya ang dahilan at di sila sinamang mag ina?mas importante pa rin ang presensya ng magulang kesa sa mga materyal na bagay...
hindi na hinanap ni henry ang tatay nya sa amerika?pwede naman shang mag stay dun di ba?
nga pala,Mk,salamat sa paalala mo sa chinese bamboo,muntik na akong bumili nun,yung nasa malaking paso nga lang..kaso,super mahal kaya inawat ko ang sarili ko..hehe
Ghee, maganda ang bamboo plant but, a lot of work to maintain.
ReplyDeletehmnn, kaya umalis ang tatay ni henry kasi wala syang papel dito..siguro isa sya sa mga sundalong kano noong araw na naghanap lang ng babae dito pansamantala... sa pinas pala hehehe dito ko ng dito :)
ReplyDeleteYun na nga siguro, TNT sa Pinas.
ReplyDeleteoo,sossy nga yung bamboo plant na type ko,kaso nga mahal!hehe dun na ako sa mura,para marami akong mabili. :D
ReplyDelete