Wednesday, May 27, 2009

Maka Pamilya.

Kumakain ako sa isang pinoy tuto-turo ng marinig ang nakababasag dinig na sirena ng isang bata, "waaaaaaaaaaaaaaaaaaa," ang ngawa niya. "Nampusa, ano ba nangyari," ang isip ko? Hinde ko pinansin dahil talaga naman ganyan ang mga bata, hinde ba? Hinde naman iyak ang sigaw ng bata, ngaunit gusto lang marahil makakawala sa "baby seat" niya. Minamana mo naman na naka-strap siya doon at hinde makagalaw.

Hinde una pinansin ng tatay niya na abala sa kuwentuhan at pag-kain. "Waaaaaaaaaaaaaaaaa," ang ulit ng bata. Ngayon medyo may banta at pahiwatig na iyak na ang susunod. Wala pa ring pumansin. Natural, yung mga kumakain doon sa turo-turo e naiinis sa ingay, pero dahil puro kabababayan, kunwari, wala lang. Sa ika-tatlong walang patid na ngawa ng bata, hinde napigilang bigyan ng pansin ito. Tumayo ang isang kasamahan nung tatay, kinuha sa baby seat at kinalong. Asus, e cute naman pala yung bata at medyo kalakihan ang sibol (5'7" daw ang taas ng nanay, ang sabi ng tatay ng nagkapalagayang loob na).

E, ayun, nagsalita na ang mga patron ng tuto-turo: "Aba e mas malakas pa sa boses ko ang boses ng batang ito a," ang nakangiting sabi ng isang nakasalamin at bigotilyon lolo. "He, he, he, ilang taon na ba yang kutil na iyan," ang tanung noong isa. Natutuwang sinagot naman ng palakpak tengang tatay ang kung ano-anong pang mga tanong ng mga patron sa resto at nag volunteer pa nga ng ilang impormasyon ukol sa bata at pamilya niya.

Mala-pista ang himig sa turo-turo restawran - parang restawran sa probinsya na ang lahat ay magkakilala, kung hinde mag-kamaganakan.

Ha, ha, ha, Pinoys lang kaya ang ganyan na maka-pamilya?

6 comments:

  1. oo nga,ang saya naman!nakakamiss ang ganyang turu turo na wala dito sa north.buti pa sa dati naming place,may nag iisang filipino shop na masarap mag videoke(minsan lang naman akong pumasyal)at chika chika sa mga kababayan mo.

    cutie naman pala si "waahhh",haha!mabuti na lang at may pumansin sa kanya.

    ReplyDelete
  2. Ghee, videoke, magaling ang mga pinoy diyan.

    ReplyDelete
  3. pinoy nga lang siguro kasi last week andun kami sa isang coffee shop sa bahrain, may kasama kaming 3 and 2 yrs old na mga bata.Then may 2 arabong mag-asawa ang pumasok at naupo, nakita ko na may sinasabi sa waitress. Then umiling yung waitress at ang sabi, "i'm, sorry sir but we can't do that." Tumayo yung mag-asawa at umalis.

    Tinawag ko yung waitress at tinanong kung bakit? Maingay daw kasi yung 2 bata na kasama namin kaya kung pwedeng patahimikin at kung hindi ay aalis sila.

    ReplyDelete
  4. Ann, sobra talagang magpasensya ang mga pinoy. Pero alam mo may mga markano din na palayaw sa mga anak nila sa public places. Yun nga lang di kinukonsinte ng iba.


    Sidney, yup babies can sure cry.

    ReplyDelete
  5. oo nga,madalas ngang gamitin ni Russel(indian-canadian comedian) yung videoke scene ng mga pinoy na meron pang P...I na murahan,haha!

    ReplyDelete
  6. He, he, he, Ghee. Hindi nagpapahuli pinoy. Kung minsan parang mga butangero dito tate na f**k u ng f**k u pag nagsalita.

    ReplyDelete