Wednesday, March 11, 2009

Pinas today, according to Goring.

90% ng mababasa mo sa diaryo ay hindi mo mapaniniwalaan. Ang naka advertise lang na palabas sa sine ang totoo.

Kahit na anong bagay sa Pilipinas ay maari. Walang imposible. Lahat ng bagay mabibili mo.

Walang kapatid, pamangkin, anak o ano pa mang relasyon na may halaga kapag pera ang pinag-uusapan.

Masarap ang buhay sa Pilipinas. 60 - 70,000 pesos kada buwan, masaya ka na.

120 pesos a day sa pagkain. Approx. 35 pesos kada ulam, sa akin ang kanin. Okay na.

Kailangan may kotse ka rito. Di kailangan na bago, basta't may sasakyan ka. Pangit naman yung galing ka abroad tapos naglalakad o sumasakay ka ng dyip. Nagmumukha kang kawawa.

Iba ang may kasama sa bahay. Masaya ang buhay, kung may nagsasabi sa iyo ng: Kamusta ang araw mo? Kumain ka na ba? Pawisan ka, magpalit ka ng damit.

Masarap ang may kasiping at matulog ng nakahubad.

Hindi ako gumagawa ng appointment. Sa bawat sandali may nagte-text sa akin: Nag-aanyaya, nagsasamo o kaya naman e may pangangailangan. Kailangan alagaan mo sila para mahalin ka nila.

Lahat ng lalaki sa Pilipinas ay may querida. Sino ba naman ang ayaw ng kasiyahan? Iba ang asawa...

Ibinigay ko na sa asawa at mga anak ko ang bahay at apartment bldg. ko sa US. Alam ng asawa ko na hindi ako masaya sa America. Hindi na niya ako pinakikialaman at gayun din ako sa kanya.

2 comments:

  1. MK, Kanino kwento yan?

    ReplyDelete
  2. Ann, observation yan ng isa kong eccentric na kakilala/kaibigan na kagagaling lang sa Pinas.

    Talagang di kanais-nais ang nagyayari dun. Katiwalian galing sa pinaka puno ng gobierno.

    4:56 PM

    ReplyDelete