Monday, June 29, 2009

Ang Palabok ni Claring.

Pinay na pinay ang kanyang tayo. May kaunting bahid ng tisay dahil sa ilong niya na medyo matangos. Wala siyang bahid ng Intsik. Bilog ang kanyang mga mata at tunay na kayumangi ang kanyang balat. Sa wari ko 5'2" - 5'4" ang taas niya at medyo may kalusugan ang katawan(masarap bagang pisilin.)

Hinde ko na masiguro ang pangalan niya, ngunit sa aking ala-ala bagay na bagay ang pangalang Clarita sa kanya. Tawagin na lang natin siyang Claring, ang kusinera ng dati kong paboritong karinderia.

May neckerchief siya ng una kong makita. Naka ponytail ang kumikislak niyang maitim na buhok. Umiilag ang kanyang tingin sa akin ng alukin niya ako ng gusto kong pagkaini. "Ano po ang order niyo, sir," ang bati niya. Hindi ako nag aksaya ng panahon, "may palabok ba kayo?" ang tanong ko. "Igagawa ko po kayo, sir," ang sagot niya.

Saka ko pa lang nasuma na siya pala ang kusinera sa sagot niyang iyon. Actually, para sa akin, hinde naman siya mukhang kusinera sa gayak niya(medyo over dressed sa tingin ko) para sa isang kusinera.

"Masarap ba?" ang tanong ko. (Alam niyo, paminsan-minsan may pagka-engot itong si Kulas kung magsalita. Ano ba namang tanong yan sa isang kusinera - "Masarap ba," asus.) Anyway, ngumiti siya sa akin at matuksong sumagot,"sasarapan ko po, sir." Hehehe, nadiyahe si Kulas sa sagot na iyon at mabilis na sumukli ng pinaka-simpatikong ngiti na makakayanan niya.

Nasa lasa ang katibayan.
Kakaiba ang palabok ni Claring. Ang hilaw na itlog sa ibabaw ang una kong napansin. Bihon ang pancit niyang ginamit sa halip na tunay na pampalabok. Hindi masabaw ng luto niya at tama lang ang sahog. May kaunti pang tinapa sa tabi imbis na bacon na ginagamit ng karamihang karindirya dito.

Nanatili si Claring sa tabi ko habang hinahalo ko ang palabok. "Gusto po ba ninyong pigaan ko ng kamasi, sir," ang alok niya. Dumikit ang balakang niya sa braso ko at naamoy ko ang sabon niyang ginamit sa pagligo. Wala siyang iba pang pabangong gamit, ang sumaisip ko. Ramdam ko ang himig ng kanyang pag-hinga habang pinagmamasdan niya ako (imagination ko lang kaya iyon?) Kung saan na patungo ang isip ko ng, "hoy, ano ba? Pakainin mo na ako!" ang angal ng nag-iingay kong tiyan.

Si Claring o ang palabok.
May kasabihan na sa tiyan ang daan papunta sa puso ng isang lalaki. May katotohanan kaya ito? Dumalas ang dalaw ko sa karindirya ni Claring. Lagi na lang palabok ang order ko, at kung wala si Claring, hindi na ako omo-order - saka na lang ika ko.

Ang sabi ng kaibigan ko, masarap daw ang palabok ni Claring, puwera yung hilaw na itlog. Para sa kanya, hard boil daw ang mas maigi (itlog na maalat pa nga daw, kung maari.) Kaya, tanong niya: si Claring ba o ang palabok?

Aba, kung wala si Claring e wala rin ng palabok, hindi ba?

Dito siya nagsimula.

6 comments:

  1. haha!kakatuwa ka talagang magsulat MK!(simpatikong ngiti ha?) :D

    para akong nagbasa ng tagalog pocketbook.yun kasing palabok,di mo pwedeng pisilin!hehe

    pero kakaiba yung palabok nya ha?bihon at di mataba.

    ReplyDelete
  2. Ghee, talaga naman, napaka romantika.

    ReplyDelete
  3. ang mahirap kay claring, masarap na nga palabok nya e bakit kailangan pang ipaamoy sayo yung sabong ginamit nya sa pagligo?

    ReplyDelete
  4. tanungin natin si claring sa susunod na post lol!

    ReplyDelete