Tuwing tag-init maraming pakulong pista-pistahan dito sa New York. Sa kinadami ng ibat-ibang lahing naninirahan dito, talaga namang sari-sari ang dahilan ng pagdiriwang. Ang talagang dinadayo sa mga kapistahang ito ay ang ethnic na pagkain.
Naala-ala ko isang nakatatawang pangyayari sa isang Pilipinong kainan sa Manhattan:
Iilan-ilan lamang ang mesa ng maliit na restawran. Dalawa lamang ang waiter at abalang abala sila pareho. Anyway, naroroon kami at naghihintay na masilbihan. Sa wari ko, iniiwasan kaming masulyapan ng waiter dahil sa gulo ng paligid. Hehehe, hindi ba ganyan sa karamihan ng restawran, parang ayaw matawag ng pansin ang mga waiter? Paroon at parito silang dalawa, timbang sa nakataas nilang kamay ang serving tray na puno ng inorder na pagkain. Nakapanglalaway ang halimuyak nito lalo na ang sinigang at kung ano pang putahe na umuusok pa sa init.
Pasok ang isang pamilyang Amerikano. Mukhang out-of-towners ang mga ito. Naka short cargo pants yung mama at teenager niyang anak na lalaki. Yung asawa niya at anak na babaeng teeny bopper ay naka-tanktops at sandals. Blond silang lahat at mukhang pagod sa kalalakad at init ng panahon.
Taas leeg silang sumisilip sa bawat pagkain na dumadaan sa kanilang mesa. Medyo kumikisay ang kanilang ilong sa nakahahalina at nakalalaway na amoy ng pagkain, lalo ng yung sinigang.
Masigasig na pinag-aaralan nung tatay ang menu. Kamut ulo ito dahil wala namang explanation yung entrees dahil pinoy lang naman ang madalas sa resto na ito at yung mga taga New York naman ay may experience na sa dish pinoy. Anyway, nahihirapan yung mama ng kunin ang pansin nung waiter. Ilang beses niyhang kinawayan na walang bisa. Sa wakas, lumapit din yung waiter. He, he, he, bading pala itong waiter at medyo masama na ang timpla. Malamang dahil sa dami ng tao o ano pa mang dahil:

Waiter: Yes?????
Kano: Uhmmmm, this entry here... Sausage...
Waiter: Yessss?????
Kano: Uhmmmm, what kind of sausage is this?
Waiter, medyo nagtataka sa tanong nung Kano: What do you mean, what kind of sausage is this?
Kano, nag-aalala na hindi naunawaan ang tanong niya, tinuro ang entry sa menu: Yes, this, what kind of sausage is this???
Waiter, may attutude at nakapamaywang pa (bading na bading style): What kind of sausage? That is good sausage, delicious sausage!
Kano, naduro na at ayaw magkaroon ng scene: Oh, I see...???
Waiter, parang naiinis at ayaw ng maabala. Nagpapadinig: Hmmm, there are so many customers...
Kano, just one question: This sausage. Does it have sauce?
Waiter, parang asungot: Of course, it has sauce! That is why it is called sausage - SAUCE, SAUSage.
Hehehe.
hehehe....pilosopong waiter
ReplyDeletehehehehe patawewe lol!
ReplyDeleteAnn, tama ka diyan. Pilosopong di maintindihan. Hehehe, TNT yata yun na pa-partime-partime lang.
ReplyDeleteMelai. may pagka tusplada pa nga ang bading na yun.
ReplyDeleteBy the way, true story yan. May kadugtong pa nga yan ukol sa kusinara na magaling magluto ng palabok. ;)
asan na yung kusinera?
ReplyDeleteAnn, marahil sa susunod na kabanata.
ReplyDeletehahaha!supladang bading!wawa si merkano,na sopla dahil sa saucesage!
ReplyDeleteNakatatawa talaga ang mga bading.
ReplyDelete