Tuesday, February 09, 2010

Ma-der Philippines.

Malapit na eleksyon sa Pilipinas. Marami ang umaasa na magkaroon ng panibagong palakad sa Gobyerno. Mayroon ding kaunti diyan ng nagwi-wish na manatili sa kapangyarihan ang kaslukuyang naninirahan sa Malacanang. Ang sabi nila, bakit pa palilipatin ito kung babalik rin naman pagdaan ng ilang buwan? Isa pa baka naman hindi na kailangan bumaba dahil kailangan magka martial law sa gulo ng panahon. Dagdag dito, na tiyak na magulo, kung hindi madisgrasya ang eleksyon. Hindi nga ba marami ng babala diyan na maraming pagkukulang sa preparasyon ang Comelec sa darating na halalan?

Kung sakali mang matuloy ang eleksyon, sino naman ang bobotohin mo? Sabi da, karamihan raw, kung hindi lahat ng tumatakbo ay magnanakaw. Yung isa sa top sa listahan, si Mr. C5, ay according to charges, ay nakapagnakaw na ng bilyun-bilyong piso. Paano nga naman pag nakaupo na? Sa gastos nito sa pagbili ng eleksyon at boto, parang vacuum cleaner ito humigop ng bawi.

Teka, yung anak ng dilaw movement, yung sikat ng araw na nagbigay liwanag sa mga sawi ng panahon ni super world war 2 hero. Number one siya sa SWS survey dati (pumatas na si Mr. C5). Siya kaya? May mga issue daw yan - binata at may kapatid na kerengkeng. Ano naman kung kerengkeng ang kapatid, e artista yun? E, basta raw, baka gawaing tambayan ng mga artista ang Malacanang. Paano e di paano na si Juan dela Cruz? Siempre, mahiyain yun, e di magtatatlong isip yun bago lumapit sa Malacanang. Aba e tahanan ng taumbayan yun, diba?

Si Erap kaya? Maherap kung si hErap. Dinadaan ng nga sa rap, di pa rin puwede.

Si Gibo? Ang tinaguriang: 'GMA's Interest Before Others' candidate. No can do!

Yun pang iba? Sa totoo lang pare-pareho silang lahat. Mas bulgar lang yung iba at ang ilan ay bistadong may record na ng katiwalian na alam mo ng di dapat botohin. Sa walo o siyam na tumatakbo, mayroon ng isa o dalawa na may totoong layunin para sa sambayanan, relatively. Suriing mabuti kung sino ang makapagbibigay ng bagong umaga sa ating bayan at mamamayan.

Isipin mo na kailangan ka ng bayan. Kailangan ng bayan ang tinig mo. Kailangan magsalita ka. Kailangan bumoto ka. Kailangan ka ni Ma-der Philippines.

No comments:

Post a Comment