Narinig ko ang kapirasong himig ng isang awitin. Hindi ko mawari ang pangalan datapwat sumasabay ang isip ko sa pag-awit nito. Nawala ako sa aking kinalalagyan at naglakbay sa isang tag-init na kahapon: nakasakay sa bus papuntang Quiapo, manunood ng sine sa Avenida Rizal.
Nangangagat ang araw at nakapupuwing ang alikabok sa arangkada ng bus. Paparoon at paparito ang mga naglalakad sa bangketa, lahat abala at wari mo ay nagmamadali sa pupuntahan nila.
Sandali pala akong nakatulog. Dumalaw ang antok at sa tulong ng isang awitin ay sandaling bumalik ang isang saglit ng kahapon. Nalungkot ako, nais ko sanang maibalik ang dumaang panahon na hindi ko binigyan ng sapat na pansin at pasalamatan.
Pero, talaga naman ganyan, hinde ba. Ang ngayon ay laging lumilipas. Sa kinabukasan lang natin nare-realize na okay ang nangyari kahapon.
Tuesday, February 23, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nung nasa pinas pa ko sa tuwing mapupunta ako sa Avenida, naalala ko rin yung dati, malaki ang role nito sa kamusmusan ko e.
ReplyDeleteoo,talagang ganon MK...kung hindi pa lilipas ay di natin malalaman kahalagahan nito...
ReplyDeleteakala ko ay may aabangan na naman kaming kwento mo MK,na miss ko yun.. :D
Malai,
ReplyDeleteIkaw yata yung nakita ko dun 'sang araw, nagwi-window shopping.
Ghee,
ReplyDeleteOo nga ano, parang istorya ang simula. Meron din ng mga kuwento na kasama iyan, pero pira-piraso lang ang dating, lol.
MK, parang di na yata ako marunong mag comment sa blog ngayon...hehehe.
ReplyDeleteOks pa rin naman kami medyo tinatamad pa rin mag update kasi mas mabilis sa facebook :)
Okay lang, Ann. Bibisita pa ako sa blog mo at magbabasakali ng bagong saysay.
ReplyDeleteAno ba pakulo niyo dian sa Facebook?
hehehe marami, maraming blogger ang di na nakakapagblog dahil sa facebook lol!
ReplyDelete