Sunday, December 14, 2008

Pektus!

Sa mga dumaang taon papasok pa lamang ang Disyembre inaasikaso na ni Kulas ang listahan ng kanyang mga papaskuhan. Binibigyan niya ng pag-iisip ang mga hilig ng kanyang mga kaibigan at kamaganak. Sa ganitong paraan naniniwala siya na kahit hindi mamahalin ang kanyang pamasko, magugustohan nila. Walang duda ito. Napatunayan niya na ito sa mga dumaang taon.

Mabangit ko lang na hinde ako naniniwala sa mga nagsasabi na kahit na ano ay maaring panregalo – na sapat na ang may mai-abot ka. Para kay Kulas mas mabuti pa ang wala kaysa mayroon na wala namang kabuluhan. Siyempre, iba yung magpasalubong ka ng para sa lahat tulad ng pagkain, halimbawa. Pero, sa mga personal na bagay, kailangang may kahalagahan ang regalo mo sa hinahandugan.

Nawari ni Kulas ito sa sariling niyang karanasan. Sa kanyang paglaki wala siyang maala-alang ragalo na tunay niyang napusuan. Lagi na lang mintis o daplis ang dating! Sa kung ano pa mang dahilan na hinde niya maunawaan, kahit na sabihin niya ang bagay na gusto niya, hinde pa rin niya ito makamtan. Kaya, sa kanyang paglaki, tulad ng kasabihan na "do unto others what you want others to do unto you, " binibigyan niya ng tunay na halaga at panahon ang kanyang handog. Hinde naman siya martir, ano. Ang katunayan may pansariling dahilan ito. Nagbabaka sakali lang na kapag kumalat ang ideyang ito ay talbugan siya at iba pang nilalang ng sinimulan niyang gawain.

Talbugan kaya?


4 comments:

  1. Ako? ewan ko parang okey lang sa kin na wala akong matanggap na regalo ..di ko rin maalala kung talagang natuwa ba ko na me natanggap akong regalo e.

    ReplyDelete
  2. Natural lang na ok ang makatangap ng regalo dahil isa itong expression ng pagmamahal.

    Ang problema ay kung gamitin itong paraan ng pambabastos. Actually, ginawa ito ng bunso kong kapatid na babae sa nobya ng tatay ko, sumalangit nawa ang kaluluwa niya. Hinde na lang sana nagbigay ng regalo. Ang itim ng buto ng kapatid kong iyon. Ginagamit ang Pasko sa kanyang galit.

    Merry Christmas and a Happy New Year!

    ReplyDelete
  3. Ganun? kalungkot naman MK..ano nangyari pagkatapos?

    ReplyDelete
  4. Mel, E di nagalit si tatay, pero hanggan dun lang naman yun. Ano magagawa niya e nauunawaan man ang sitwasyon niya dito sa Amerika, e sa Pinas e di pede ang may ibang kasama kahit na nagbago na pagmamahal niya sa nanay.

    Di na magbabago si bubble girl, yan ang tawag sa kanya ng nakaaalam ng ugali ni bunsong babae. Wala naman siyan paki dahil naka-asawa ng multi-millionaire na damatang kano.

    Halik sa puwet niya ang mga kapatid ko. Hehehe.

    Buhay nga naman...

    ReplyDelete