Sunday, November 02, 2008

Auntie S, as in Tia Sungit.

About two or three days ago, I got a call from a cousin. It was a little surprising because she hadn't called me in ages. In fact, I don't remember her ever telephoning me. Wow, this must be about something very important.

MK: Hello... Z, what's up?
Z...: Nothing much...

Nampusa, ano ba naman ito? Panahon pa yata ni Mahoma ng huli kaming magkita. Ngayon from out of the blue, tumawag siya sa akin. Tapos, nothing much daw. Ano bang estilo iyan?

Anyway, pagkatapos ng kamustahan, sinabi na rin niya ang dahilan ng pag-tawag niya: "Kulas, gusto kang makausap ni Auntie S," ang madiing sabi ni Z. Whoa, medyo nakagugulat iyon dahil si Auntie S ay ang Tiyahin kong napakalupit sa akin ng maliit pa ako. "Ano?" ika ko sa nagtatakang tono. "Gusto kang makausap ni Auntie S," ang ulit ni Z. "E bakit hinde na lang niya ako tinawagan?" ang tanong ko. "Kulas, wala kasi sa akin ang tel# mo ng nagkita kami, kaya eto number niya, tawagan mo na lang,"ang sagot ni Z." Hmmm, o sige, tatawagan ko when I get the chance," ang medyo naiinis kong sagot.

Pagkatapos namin magusap ni Z, napaisip ako kung bakit ako gustong kausapin ni Auntie S. Ano kaya ang dahilan? Tatawagan ko ba siya? Teka, matanong mo: sino ba itong si Auntie S? Ano ba ang ginampanan niyang papel sa buhay kulas?

Si Auntie S ang ika walong anak sa siyam na legal na anak ng Lolo ko. Ng maliit pa ako na nagbabakasyon sa probinsya, napasungit niya sa akin. Lagi niya akong sinasaktan at inaapi na sa pakiwari ko ay walang dahilan. Ng huli kong uwi sa Pinas, hinarap ko siya at tinanong kung bakit napakalupit niya sa akin ng bata pa ako.

Ay naku, Kulas. Alam mo ikaw ang paboritong apo ni Papa. Nagseselos ako sa inyo at dahil dito ikaw ang tinamaan ng aking pagseselos! Wow, what a likely story, I thought. Maniwala ka ba diyan na ang walang malay na musmus e paginitan niya? Pamangkin niya pa kamo. Malayong daplis na katuwiran, diba? At sa katunayan, iyong isa ko pang tiyahin (sa ibang lola) na mas bata sa kanya ay walang pasubalit na inaapi din niya.

Biston-bisto si Auntie S. ano? Pero, matagal na iyon at kahit na ba may stigma, ano pa magagawa natin? Maari din naman na iyon ang tunay na dahilan. So, kalimutan na lang, ano? Hehehe, actually, papaano makalilimutan samantalang ito nga at naaala-ala pa.

Marami siyang pakutsi-kutsi. Kesyo nang kakamusta. Kesyo ganito at kesyo ganyan. kay haba-haba man daw ng prosesyon, sa simbahan din ang tuloy. Kaya, iyon, sa wakas lumabas din ang dahilan.

Pinagtatakpan pala niya ang isang kamaganak kong nang-iisa. Huwag ko raw kalabanin at mabait at mahal niya! Kapal muks naman niyan, ano? Anyway, in a nice way sinabi ko na kung talagang mabait yung mahal niyang pamangkin na iyon, bakit gustong mang-isa? Bakit bantay salakay?

Hinde raw. At totoong mabait daw dahil tinatawagan siya sa telepono? Hehehe, natawa ako, ngunit diko pinahalata. Anyway, pinabayaan ko na lang at medyo lumilipad ang isip. Hinde ko madisimula kung dahil sa pagtanda niya ito o kung sa ano man na bagay na nakain niya.

Go figure nga naman...

6 comments:

  1. tignan mo nga naman..parang pelikula ha! teka bakit naman kasi inaaway mo yung pinsan mo na paborito nya? lol! wala namang ganyanan :)

    ReplyDelete
  2. Alam mo naman, Melai. Ang buhay ni MK ay totoong pelikula. Acutally, hinde kaiba sa buhay mo - puno ng drama at kasabikan: "Itutuloy" o di kaya "Abangan ang susunod na kabanata!"

    Anyway, some things don't, or maybe even better, can't change. Diba?

    ReplyDelete
  3. hehehe. pano ba yan? naniniwala ako na lahat ng bagay nagbabago..pero syempre merong dalawang patutunguhan...better or worst lol!

    naks! ibig sabihin ang ganda ganda pala ng buhay nating dalawa...parang pelikula :)

    ReplyDelete
  4. Totoo ang sinabi mo. Kaya lang may nakaligtaang qualification: lahat ng bagay na may buhay nagbabago. Iyong naiwanan ng panahon ay hinde.

    Melai, maganda ang buhay nating dalawa. Kung minsan, dahil sa bilis ng paparoon at paparito, di natin ma-appreciate. Sa paglingon, paglipas ng oras, sa pag-balik ng hininga, ang pag-unawa ng tanging halaga.

    Bigat naman niyan...

    ReplyDelete
  5. Oo nga ..sabi ko nga noon diba? hindi ko alam na napakaganda pala ng mga karanasan ko kung di pa ko natutong magblag lol!

    ganda ng sinabi mo ha pwedeng simulan ng panibagong entry lol!

    katuwa ang mga bagong blag ngayon MK, bumabalik yung dati na hindi nagbablag para magkapera lol! marami na ring mga tagalog na blagger na masarap basahin...tignan mo yung ibang mga nagkokomento sa blag ko, sarap nila basahin tyak ko magugustuhan mo :)

    ReplyDelete
  6. Happy New Year,Kulas!

    ReplyDelete