Tuesday, December 23, 2008

Pamasko ni Tatang..

Nagpasimulang magpadala ng pamasko sa amin si tatang pagpatong niya ng edad fifty-five. Pareho-pareho at praktikal ang regalo niya sa aming lahat: kubyertos, hamon, o ano mang bagay na pambahay. Walang personal touch.

Medyo nakapag-tataka, kung hinde nakatatawa dahil hinde naman talaga nagpapadala si tatang ng kahit ano - Regalo pa? Sa totoo lang, lagging nakasimangot yun kapag nilalapitan mo sa umaga(lalo na noong nasa high school ako). Akala mo e laging hihingian ng pera. Hehehe, gayun pa man, e kanino pa ba naman kami lalapit?

May kutob ako na itong padala-dala ng regalo sa amin ni tatang ay dahil sa gulo nila ni nanang. Nagbabanta kasi si nanang ng divorce! Wala naman sa Pinas niyan, diba? So, legal separation kung sa atin? Mabuti pa nga siguro na huwag na lang silang magsama. Tutal, sumbatan lang naman ang dating nila. Iyan e kung mag-uusap silang dalawa. Ang kaso e ayaw ng magsalita ni tatang dahil puro sisi lang inaabot niya. So, mabuti pang tumiklop at magpangamuyo na lang siya. Nakapupundi naman talaga si nanang, kung maririnig mo. Puro na lang salungat sa kuro ni tatang kahit sa anong bagay. Halimbawa, kapag sinabi ni tatang na puti, sasabihin ni nanang na itim. Kung sabihin ni tatang na mataas, sasabihin ni nanang na mababa. Gets mo? Ito na yata ang tinatawag na "a woman's scorn."

Teka, teka, medyo na-distrak ako. Iba iyang istorya ni nanang at tatang, although may kinalaman ito sa post ko ngayon.

Naniniwala ka ba sa kasabihang, "It's never too late?" Na maihahabol sa tambol mayor ang ano mang bagay? Siyempre, as always di lahat, pero I'm sure na sa pagbabago ng ugali - It's never too late!

Tulad ng nabangit ko sa simula, hinde type ni tatang ang nagbibigay ng regalo. Sa tanang buhay kong nasa ilalim ng bubong ni tatang wala akong natangap na regalo sa kanya. Sure, pagdating ng Pasko ay may pamasko, pero di ko masasabing galing sa kanya personally, na siya ang mismong bumili o pumili para sa akin. Sa totoo lang, wala siyang interes sa mga bagay na iyan. Dinidisponer niya ang gawaing ito sa iba. I bet na hinde niya alam kung anong regalo ang pamasko ko. To be sure, hinde ko hinahatulan na masama o mabuti ito. At doon sa nga magsasabi na pinalaki niya ako o siya nagsustento sa akin of ano pa man diyan, tungkulin ng magulang iyan, bukod sa tungkulin ang damay dito. Basta't ganoon lang talaga ang sitwasyon.

So, nagpasimulang magpadala na ng regalo si tatang tuwing Pasko. Okay yun, kaya lang hanggan doon na lang yun. Wala na ng kamustahan, tawagan sa telepono, e-mail o snail-mail man lang. Yun lang ang contact namin. Pagdating ng Pasko exchange gift kami, that's it. Marahil he tried? Kaya lang kung hinde mo alam kung papaano magpakita ng nasa loob mo sa isang tao, mahirap gawain. Isa pa, hinde marunong mag small talk si tatang, isang bagay na namana ko sa kanya. Kaya pareho na kami na walang mapagusapan. Sa huli, nagsawa din ng kakapadala. Hinde naman siguro niya na appreciate ang mga regalo ko, kahit na mamahalin. Kaya dumalang ito hanggan tumigil na rin.

Naroon ako sa mga huling oras niya. Hinde na makapag salita dahil naka oxygen mask, pero alam ko sa kanyang mga mata na matalas pa ang kanyang isip. Naramdaman ko ang ngiti niya ng makita niya ako. Pansin ko na naroroon pa ang lisik ng kanyang mga tingin. Pumanaw siya ng madaling araw, kinabukasan ng pag dalaw ko.

Ng pumunta ako sa bahay niya nakita ko sa kanyang closet ang mga pamaskong regalo na natangap niya sa mga taong lumipas. Nakabalot pa. Palagay ko, sinubukan niyang mapalapit sa amin. Oo, he tried. And, he picked the right time to do it - tuwing Pasko. Hinde lang natulak ng maigi ang pamasko ni tatang.

2 comments:

  1. nakakalungkot naman itong kwento mo sa tatang mo :( bakit ganun? simple lang naman yung hi at hello saka kumusta ka na?

    Yung regalo wala yun...

    kaya nga natutuwa ako nung sinabi ng anak ko na sabi daw ng tatay ko namimiss na nya ko...

    kami ang dakilang magkaaway ng tatay ko kasi nga walang kwenta ako e tanda ko na umaasa pa ko sa kanila.

    sabi ko pa sa kanya noon, ginaganito mo ko, di mo alam pagtanda mo ako rin mag aalaga sayo.

    pero mahal na mahal ko tatay ko kahit di kami magkasundo nun. pag nakakarinig ako ng hindi magandang salita from other relatives.. sinasagot ko.

    para akong nanay ko, nakatagal sa tatay ko.

    ReplyDelete
  2. Bakit ganun? E ganun ang lagay ano magagawa natin. Kung maganda ending e di mas mahusay, pero sa totoong buhay ganun ang takbo. Hinde naman masamang bagay yan. It could be better, pero that's just how it is. That is life!

    Yung regalo, tulay iyon. Siyempre mahalaga yun dahil iyon ay nagpapahiwatig ng kaalam mo sa isang tao. Kaya nga sabi ko na mas mabuti pa wala, kaysa meron na wala namang kabuluhan.

    I hope you had a wonderful Christmas.

    ReplyDelete