Saturday, September 30, 2006

Skyscrapers ng probinsya?

Pinas Scenery: Woman and children dwarfed by a forest of tall coconut trees.

Monday, September 25, 2006

Over sabik


Hindi mapakali si Ompong. Pabulong na nagmumura. Paano naman kasi abuso ang traffic. Lalo na't umuulan! Eto ang pic ng traffic sa expressway papuntang Kennedy Airport. Tatlong oras pa bago lumipad ang eroplano ni Ompong, pero akala mo e iiwanan. Over ang pagka-nerbyos. Sino nga ba naman ang hindi sabik na umuwi sa pinas.

Tuesday, September 19, 2006

My Fav Basketball Shoes



Nike Jordan XII. Ito ang paborito kong basketball shoes. May kalumaan na, ngunit may silbi pa. Tinuturing kong matalik na kaibigan ang mga ito: Nariyan pag kailangan. Walang reklamo. Laging handang pangalagaan at ipagtangol ang aking mga paa. Pinapa guwapo pa. Kaya pagdating ng di maiiwasan nitong panahon ng pamamahinga, di ko ito ibabasura. Itatabi ko na parang may halaga pa, tulad ng mga liham ni Lydia. Pero ang sabi ni kulasa, Itapon mo na! Malapit na pasko. Bili kita ng bago.

Tuesday, September 12, 2006

Busy Bee.

When I took this picture I thought that there was only one bee, the one at the top covered with the flower's pollen. But, when I downloaded the picture to my laptop I was pleasantly surprised to see that there were actually two bees.

The flower is not much bigger than my thumbnail. So, you can just imagine how small these insects are.

Friday, September 08, 2006

Blindsided.

Kumikirut ang masakit na ulo niya pagbangon kaninang umaga. Nalasing ang kumag kagabi. Dalawang taon na siyang hindi umiinom, ngunit di niya naiwasang uminom muli kagabi. Biro mo, kahating bote ng black label, beer ang chaser, tapos brandy pa ang panhimagas.

Malamig na shower ang remedyo sa nalasing. Okay din yan kung balisa ka at walang kaabay.

Brrrrr, nangangagat ang malamig na tubig. Akala mo e umuulan ng maututlis na aspili. Maaari kayang gawaing penetensya ito, ang biro niya sa kanyang sarili. Kabayaran sa mga luhang umagos, sanhi ng katigasan ng loob niya?

“Magbabayad ka sa pagka walang puso mo! Darating ang araw ng iyong pagsisisi! Hahanapin mo ang mga pag-ibig na tinalikuran mo!”

Uhumm, langya! Kung ano anong umiikot sa isip niya. Wala namang malinaw na isipin. Puro mga pira-pirasong gunita ng kahapon: mga dapat niyang ginawa, mga masasaya at malulungot na sandali, mga kalokohan ng mapusok niyang damdamin.

Ika labimpito ng Hulio. Anibersaryo ng pag-lisan ng kanyang kabiak! But that was more than two years ago. Nakalimutan na niya ito(akala niya). Ngunit kagabi, bisperas ng anibersaryo ng huli nilang pagsasama, sa di maipaliwanag na dahilan, nabalot siya ng kalungkutan. Kinailangan niyang magpakalunod sa alak upang makalimot.

Mga damdaming pinagkait at binaun sa kaibuturan ng loob, nangingibabaw sa pitik ng di inaakalang pahiwatig. Hagupit mula sa bulag na bahagi ng paningin.

Sunday, September 03, 2006

Laging bisita.

Ang bilis ng araw. September na kaagad.
Hindi mapagkakaila sa nagdidilaw na dahon ng mga punong pumapaligid dito na patapos na ang summer. Eto ako, sa makulimlim na umaga. Iyan, at nakalong sleeve na nga. Malamig na kasi ang simoy ng hangin, datapwat may ilang araw pang tag-init na natitira.

Ang tag-init ay napaka saya. Ang ginisnan kong Pilipinas ay lagi kong naaala-ala: Ang amoy ng aming kusina, mga ipis na di mapuksa, ang ihip ng hangin sa manipis na damit ni Nena, pinapakita ang balinkinitang katawan niya. Bakasyon sa probinsya. Mahabang tulog sa hapon at umaga. Nakapaglalaway na pagkain sa pista. Naka aaliw na mga parada. Outing kamasa ang mga kaibigan at nobya. Talagang kahali-halina.
Kung sa bagay, ganyan rin ang gawain dito tuwing tag-araw. Kaya lang may pag kaiba ang pakiramdam. There is something missing. Hindi ka lubusang mapalagay. State of mind lang kaya ito? Malamang, hindi. Ang mamuhay sa ibang bayan ay tulad ng isang bisita. Hindi mo magawa ang lahat ng gusto mo. Kailangang makisama at makibagay ka. "When in Rome, do as the Romans do!" Iyan ang kasabihan, hindi ba?
Ang sabi ni Mr. Cruz sanay na siya rito sa US, ngunit hindi niya mapagkaila ang kanyang pag-kaiba. Dahil bihira siyang umuwi malaki at nakabibiglang pagbabago ang nakikita niya sa atin. Hindi niya matangap ang malaking kaibahan ng pamumuhay sa atin. Ang tindi ng traffic, ang dami ng tao sa lunsod, ang nangangagat na init, ang kahirapan ng buhay, etc., etc., etc. Wala na rin siyang masasabing mga kaibigan at kamaganak doon. Nabibilang na ang mga ito sa mga nadiasporang pinoy.
Kailangang makibagay siya. Ang hirap nito, ang sabi niya. Pag nasa pinas ako, mag Isip pinoy ka, ang sabi nila. May nakaugaliang Amerikano na kasi ako. Dito naman, think American ang sinasabi, dahil lumalabas at lumalabas ang pagka-pinoy ko. Sa pakilasa ko tuloy, doon at dito, para akong laging bisita. Para akong laging nasa Roma.