Wednesday, June 28, 2006

Wrong number.

Alas onse ng gabi:

Telepono: Kililing... kililing… kililing…

: Hello...

Tinig ng babae: Ano ka ba naman? Sabi mo magkikita tayo. Ang tagal, tagal ko na naghintay sa iyo. Hindi ka sumipot! Bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Bakit mo ako ginaganyan? Ano ba ang nagawa ko sa iyo?

: Hello? Sino po sila?

Telepono: Click.

Hmmmm... Sino kaya yun? Kawawa naman. Parang nagsusumbong ang pag-reklamo. Tsk, tsk. Mahirap ang pakiramdam na ganyan: galit dahil binabali-wala. Alam niyang mali ang ginawa sa kanya, ngunit sukat ang kanyang salita. Pigil ang reklamo. Nangangambang siya pa ang pagalitan. Baliktarin ang pangyayari at siya pa ang sisihin.

Sino kaya yung tinatawagan niya?
Hmmmm... Matawagan nga si B. Gising pa sana siya.

Telepono: do re la mi so me... kililing... kililing...

: Hello... Hello... Hello-oh!

Kabilang linya: Yes?

: Hi! Ling? I just called to say hello. I hope that I didn't wake you. Guess what? Someone called my number by mistake...

Kabilang Linya, interrupting: What number are you calling?

: Oops, sorry.

Telepono: click.

Monday, June 26, 2006

Wednesday, June 21, 2006

Kwentong batuta.

Nung maliit pa si Pepe maraming kahiwagaan siyang pinaniniwalaan, lalo na yang mga aswang at kung ano pang maligno diyan. Isang araw tinanong niya ang isang pari kung may katotohanan ang mga bagay na ito. “Pepe, kung ano man ang mga yan, walang mas makapangyarihan pa sa Diyos. Kaya, magdasal ka at walang kapahamakan ang mangayayari sa iyo,” ang sabi ng pari.

Kamut-ulo si Pepe dahil lagi naman siyang nagdarasal. Lalo na ng gabing mapanood niya yung pelikulang "Dracula." Nagdasal siya, ngunit hindi rin siya nakatulog at kahit na maiinit nagtalokbung na lang siya ng kumot sa takot. Baka naman hindi narinig ang dasal ko, ang isip ni Pepe. Di naman kasi importante ang hiling ko. Marahil iyan ang dahilan!

Isang araw sinama siya ng lola niyang reliyosa manuod ng sine. May Tower of Babel sa palabas. Isang pinaka makapangyarihang hari ang nagpatayo ng mataas na gusali upang maabot niya ang langit. Sa ganoon, malalapit at makakausap niya ang diyos. Ng matapos ito, umakyat siya sa itaas at tumawag: "O makapangyarihang diyos narito ako, ang pinaka makangyaring nilalang sa mundo. Hala magkakita ka at harapin mo ako!" Ng walang sumagot, nagalit siya at pinana niya ang langit. (He he he, wala sa kalingkingan ni GMA ang haring ito dahil si GMA kinakausap ng diyos) Nagalit ang diyos at ginunaw niya ang gusali at winatak ang buong sangkatauhan.

O nga ano, kung malapit ka sa langit marinig ka ng diyos, ang sumaisip ni Pepe. Siempre naman hindi ka mampapana kung di ka sasagutin. Huwag kang magagalit. Basta cool lang Pepe, at pagbibigyan ka.

Ng magpista sa kanilang bayan, sumali si Pepe sa palacebo. Bukod sa simbahan sa kapitolyo, itong kawayan na dalawampot-limang pulgada ang haba ang pinakamataas na maaakyat sa palayan, at marahil, kung maabot niya ang itaas, marinig ang dasal niya.

Inspirado si Pepe. Marami siyang ibabalita. Isusumbong niya rin yung pari na walang bisa ang payo sa kanya. “Pepe, Pepe,” ang sigaw ng mga nagmamasid ng paligsahan habang puspusan ang akyat si Pepe. Dalawang beses siyang nadulas paibaba, ngunit parang naingkanto siya at walang humpay ang kanyang pag-akyat.

Ayun! Malapit na siya sa itaas. Halos maabot na niya ang bandera sa tuktuk ng biglang bumuhos ang ulan. Nagdilim ang langit at nakabibinging kulog ang dumagundong. KABROOMMM!
Nagtakbuhan ang mga manonood at naiwang nagiisa si Pepe sa itaas ng nakatirik na kawayan. Mahigpit niyan niyakap at sinipit ng kanyang nangangawit na mga paa ang madulas na kawayan. Pilit niyang inaabot ang bandera, ngunit di niya mabuting makita ito dahil sa hangin at patak ng ulan sa kanyang mga mata. Tila nanghihina na siya. “Diyos ko, tulungan mo po ako!” ang samo ni Pepe.

Hindi niya lubos na maunawaan kung saan nangaling ang kanyang panibagong lakas. Ng hawak na niya ang bandera, dumulas siya paibaba na walang pinsala, datapwat may panghihinayang na hindi niya nagawang magdasal sa itaas. Subalit sa kung ano pa mang dahilan, nadama niya sa kanyang kalooban na hindi na kailangan sapagkat naririnig siya saan pa man.

Monday, June 19, 2006

Unisphere

New York World's Fair Unisphere: Height: 12 stories (140 feet). Diameter: 120 feet. Base: 20 feet. Location: Flushing Queens, New York.

Friday, June 16, 2006

Araw at ulan.

Ang sariwa ng pakiramdam pagkatapos umulan. Pansin mo ba ang paglipas ng malamig na hangin, habang dahan-dahang tinutuyo ng araw ang namamasang ulap? Hayan, may sikat na ng araw sa mga butil na patak ng lumisang ulan.

Friday, June 09, 2006

Puppy Love-iii. Letters

Nilagay na ni kulas sa kahapon ang ala-ala ni Lydia. Maingat niyang itinabi ang mga liham nito na paulit-ulit pa rin niyang binabasa. Mahirap man tangapin inamin na rin niya na wala siyang magagawa. Ayaw na niyang linlangin ang kanyang sarili. Sinuko na niya ang pangarap na magkikita pa silang muli.



Letter excerpts:

From one of her early letters:

Dearest Tamsi,

Papa lessoned me about my feelings for you. He said that I’m silly girl and must think about my future. Study hard, Lydia, papa said. Forget this boy! It’s only puppy love. How can papa say that? He does not even know you…

I cry all the time thinking of you. I miss you soooo much, my tamsi. I love you very, very much.

I’m so sorry I pinch you many, many times because I love u soooo much my tamsi… Maybe you will find another Lydia because I'm far away from you. Please don’t exchange me for Tina. I know she likes you. Tina wants to bf you from me. Bruha naman talaga yan si Tina. Lagi lang alembong!!!!!!!!! Grrrrrrr……….

Tamsi ko, …

Thank you for the card. I put it under my pillow. Like you said, you also put my card I sent you under your pillow. Nag mantsa na nga tinta sa kakakiss ko, tee hee!

...I love the gumamela petals from your mom’s garden. Medyo fresh pa nga.
Remember ko the first kiss sa garden… Remember mo din ba? Hoy, hala ka diyan pag di mo remember!

Write me everyday, tamsi ko. LLK!

Love you forever,
Ning


After a few months, souring notes:

Dear K,

... So sorry you find my letters cold. Di naman cold talaga. Your's naman is like angry. What is my fault? There is no one. Maybe some boy, my brothers friend, likes me, but it's okay. How about you? Nora writes to me saying ...

...It's okay, if you don't like to write me anymore. Maybe you have a new gf. IT'S OK. BE HAPi KA DIYAN!

Hmp,
L



Her last letter in response to Kulas's agreement for a break. Actually, she hinted a break, which kulas did not like, but thought sensible. Yung last lines na lang i-share ko dahil daming hinanakit ang nilalaman. Marahil sa kawalang pag-asa, may alitan sila na wala namang katuturan. Mga hinayang sa mga bagay na wala naman silang kinalaman o magagawa.

Dearest Tamsi,

… I will always have you in my heart. I will never forget you. You will always be my tamsi.

Please don’t forget me too.

Love always,
Ning

P.S.

keep ko letters mo.


Wednesday, June 07, 2006

Katotohanan, Ipagkait.

Napakaganda ng pangitain mula sa bintana ng hotel na tinutuluyan ni Kulas. Sa katahimikan ng kanyang silid, parang sineng walang talkies kung malasin ang mga sasakyan at tao sa ibaba. Akala mo’y mga langgam na sunod-sunuran lamang sa likas nilang katangian. Ng Patayin ni Kulas ang ilaw sa kanyang silid, natiwalag siya sa mundo na kanyang kinabibilangan. Naging tagapagmasid na lamang siya na walang paki sa buhay ng sangkatauhang kanyang pinagmamasdan.

Napakasuerteng pakiramdam ito. Tahimik na tagapagmasid: Walang hirap at pasakit. Walang hinagpis at kabiguan. Malayo at tiwalag sa pang araw-araw na gulo sa mundo!.

Nang Huwe, ang OA naman nare!

Mga kablags napundi si kulas ng magawi siya sa Inq7. Sang katutak na namang kabalbalang balita ang nabasa niya. Nabulabog ang kanyang masagana at masayang mundo. Nadistorbo ang kuntento niyang kalagayan. Nawalan siya ng ganang kumain, hindi dahil sa masakit ang kanyang ngipin, ngunit dahil sa mga sawing palad sa minamaahal niyang bayan.

Mga mangingisdang sawi dahil sa mercurying lason na kumalat sa kapabayaan ng banyagang nagpautang ng ilang milyong dolyar sa pamahalaan ng magiting nating pangulo. .

Malabo ang kinabukasan ng ‘pag-asa ng bayan’. Malamang na mangulelat sa paligsahan ng talino sa mundo. Higit sa isang daang istudyante ang pilit na sinisiksik sa silid paaralan dahil sa kakulangan nito. Ano ba yan? Sa halip na aminin at bigyan lunas ang kamalian, pinagalitan at hiniya pa ang tagapag balita, ang naatasang sumuri ng pangangailangan! Masyado namang kapal muks yan!

Ipagkait ang katotohanan. Iyan ang sagot ng kinauukulan. Gawaing mangibabaw ang kasinungalingan. Iyan ang magandang halimbawa ng nagbibida-bidahan!

Ano naman ang magagawa ni Kulas? kinlik niya ang daga at viola! Nawala ang problema.

Nawala nga ba?