Friday, October 10, 2008

MTBkr

Noong dumaan na Winter Olympics nahalina akong panoorin ang Downhill Race events. Hinde mawala sa isipan ko ito. Parang na cha-challenge ako. Halos nararamdaman ko ang mabilis na ihip ng hangin sa aking mukha. Ang kagat ng lamig sa tulin ng skis sa ilalim ng aking mga paa. Ang hagibis ng tumitilamsik na yelo sa aking tagiliran.

Pangarap na gising? Medyo. Nakadidismaya nga dahil hinde naman ako magaling mag-ski. Ito man ang katotohanan, may makulit na humahamon sa looban ko. Nambubuyo: "kaya mo iyan, Kulas. Kaya mo iyan! Ikaw pa, kaya mo yan! Kaya ko? Kaya ko kaya? Oo, nga kaya ko 'to!" ang sangayon ng kalooban ko.

Hmmm, teka, mai-bounce nga kay Kulasa.

Kulasa : Kulas, kailan ka huling nag-ski? Ha? Di mo na maala-ala kung kailan iyon?
Kulas...: Ala-ala ko naman... Diba pibe years ago lang iyon?
Kulasa : Times two mo kaya 'yong pive? Plus 2 mo pa kaya?
Kulas...: Di naman...
Kulasa : E kung mabalian ka ng buto, paano na yan? Sino ang mag-aalaga sa iyo, aber!

Nampusa itong si Kulasa. Parang wala na ng adventurous ispirit. Puro na lang mga bagay na praktikal ang nasa isip. Kung sabagay magastos mag ski at umaangal na rin itong umaabanteng hinanakit ng katawan sa di mapigil na takbo ng panahon. Mukhang naiwan na ng panahon ang aking ambisyon na maging amateur downhill skier.

Oops, teka, biking kaya? chuma-chubby si Kulas. Kailangan ng di ka-aboridong exercise. Inilabas ko yung 12 speed racer kong linalawa na sa garahe. Pinaspasan ng trapo at pinapasada pababa mula sa isang mataas na kalye. Uy, okay to, parang downhill racing na rin ang pakiramdam. Hehehe.

Diyan nagpasimula ang aking pagma-mountain biking. Nag-switch ako sa mountain biking dahil nahalina ako ng off-trail scene. Para kang nasa malayong lugar, sa isang forest, kahit na nasa city ka pa rin. At, may mga trail na challenging. Tulad ng skiing na may grado ang mga slopes, ganoon din sa mountain biking trails, tulad ng easy, more difficult, most difficult at experts only trails. Sa skiing, ang equivalent nito ay from bunny to diamond slopes.

So, wala namang angal si Kulasa. Hinde lang siya makasama sa akin dahil di naman siya marunong mag bisikleta. Alam mo na.

Eto pics ng trails at maiksing video:

Ang pula kong bisekleta sa bukana ng mountain bike trails. kasunod ay bundok-bundokin na trail. Parang moguls sa skiing. Kaya lang ito a y mula sa mataas, pababa. More difficult and description ng trail na ito.


Ito naman ay papasok sa isang "more difficult" trail. Acutally, nasa kabilang panig ito ng sistema ng trails kabit ng isang isang highway overpass. Katabi nito ay malalim na slope. Kailangan mahusay ang preno ng bike para safe ka.




As you may have guessed solo flight ako sa biyahe kong ito. Di ko tuloy ma-video sarili ko, although yung portrait pic ko sa pasimula e ako kumuha. Anyways, maiksi at medyo magalaw and shot ko. I hope ma-enjoy rin niyo ang mag mountain biking.

6 comments:

  1. naks MK...gaganda katawan mo nyan :)..kelan pa ba kuha yan? di pa nababakasan ng fall ha..e nagssnow na dito lol! kung nandyan ako samahan kita :)

    ReplyDelete
  2. Mane, noong September pa tong kuha kong ito. Totoo yan, nagpapa bawas timbang. Eto nga at minamasdan na ng mga aswang diyan. Lalao na ngayon na Halloween na!

    ReplyDelete
  3. me tanong ako MK ..kaw ba yung naka helmet? :)

    ReplyDelete
  4. Parang napakatahimik naman dyan sa dinaanan mo. Sana man lang magsasama ka pag byahe mo ulit sa bike mo.

    I second the motion...ikaw nga ba yung nasa picture?

    ReplyDelete
  5. Nalen at Ann, Kayo naman. E sino pa ba yan kung hinde si Mang Kulas. Pansin niyo, inextend ko kaliwang braso ko at click!

    Maraming pinoy ang nagma-mountain bike sa trail na ito, lalo na sa umaga ng weekend. Di ako pumaparito dahil masyadong maraming tao. Napadadali ka tuloy. Hinde ka makapahinay-hinay. Weekday ang pasok ni MK. Yung nga lang madalang ang may makasama.

    ReplyDelete
  6. MK, kahawig mo si Apo Makoy lol! wow!! at long last..pagkatapos ng mahigit tatlong taon nakita rin kita sa litrato :)

    ReplyDelete