Gani: Ano ba Ompong, kailan ka bibili ng bagong oto?
Ompong: Ewan ko ba, di ko makahiligang bumili. HInde tulad ng dati na every 3 years naiiksayt akong magpalit ng sasakyan - ewan ko ba?
Gani: Ompong, sa palagay ko tumatanda ka na. Ganyan ang tumatanda. Nawawalan o nagpapalit ang hilig.
Ompong: O sige na nga. Bahala ka na diyan, pero ako hinde ko kailangan ng bagong oto. Okay na sa akin itong old reliable ko. Besides, 30,000 original miles lang milyahe nito. Isa pa, bakit ako aako ng $35,000 na gastosin samantalang wala na akong ala-ala dito sa sasakyan ko - bayad na!
Sa palagay mo may katotohanan ang salita ni Gani? Na, ang pagpalit ng hilig ay sintomas ng pagtanda ?
hahaha kung totoo yan, ibig sabihin ba nun matanda na ko? pero wala naman akong ibang kinahihiligan e...medyo magulo lang utak ko pero bata pa ko ganun na ko lol!
ReplyDeleteMelai, para sa akin mas ok yang magulo kaysa boring. Pero palagay ko medyo lumalakas nga lalo tuhod ni Ompong dahil panay ang jogging ng damuho. Bumibigat kasi at dina mabutones ang pantalon. ;)
ReplyDeletehehehehe pinaalala mo sa kin, kailangan ko rin palang mag jogging o exercise lumalaki na rin ang puson ko hindi tyan lol! maliit pa tyan yipeeeeeee :) pero sagwa ng laki puson lol! abah e congrats naman kay Ompong ano :), malayo ka ba Canada MK?
ReplyDeleteKelangan talaga ng exercise. Kahit na yung mga payat, kelangan din. Malayo yang Canada sakin, Melai. Di kayang maabot ng jogging. :-)
ReplyDeletehehehehe! sayang lol! happy mother's day sa asawa mo MK :)
ReplyDeletePinaabot ko bati mo kay Kulasa, Melai . Binatukan ako. "Mother's Day ka diyan," ang sabi sakin.
ReplyDeleteat magkuwentuhan ba dine? haha!
ReplyDeleteHindi nman cguro sign ng pag tanda ung pag palit ng hilig. parang sign of maturity kaya? hehe! ako kc tlagang gustong gustong bumili ng 2 door na sports car, pero dahil palaki ng palaki ang aming family e van nlang ang nakukursunadahan kong bilhin. cguro di nman sign un ng pagtanda diba? hehe baka namatanda fede pa!