Huli na kami. Nagmamadali na lang lagi. Naku naman!
About two days before, tumawag sa akin ang aking pamangkin, "Tito, Papa passed away yesterday. He was in a hospital for some time. He was just fading away and when they turned off his life support system, he just slipped away..." Nagulat ako dahil matagal ko ng hinde nababalitaan si Kuya L. Ang akala ko'y umuwi na siya sa Pinas.
Mabait siya sa akin at masaya siyang kasama. Hehehe, matinong tingnan dahil isa siyang Engineer, ngunit sa loob may kulo din siya. Siya ang lagi kong kasama ng bagong salta ako dito sa America. Kung saan-saan kami nakararating. And, as you might expect to hear, mahilig siya sa babae. Wala namang malisya, ano. Talaga lang naman na may mga lalaki na mahilig sa babae. Mahirap unawain ng iba, at kung ikaw ang damay ng kasong ganyan, malamang na maiinis ka rin, kung di mo ikagalit. But, what can you do? That is how the cookie crumbles! For me, okay lang siya.
Nagpi-picture taking ang mga tao pagdating namin sa funeral parlor. Akala mo e may party o kaya naman isang malaking reunion! Ang daming tao. Naghehelera sa harap ng kabaong, at nakangiti ang karamihan sa kanilang pagposing. May pro pang inarkila para kumuha ng video. Actually, hinde mo masiguru kung sino ang sino sa gulo. Wala akong nakilala kaagad at tihil leeg akong naghanap ng kilalang mukha.
Ayon, nagpupulong sa isang tabi ang mga pinsan ko. Madali akong lumapit at maligayang nakipagbatian. Naturally, pinakikiramdaman ko si Ate S, ang asawa ni Kuya L - kung nasaan siya, at parang di ako mapakali. Gusto ko ng matapos siyang batiin at sabihin ang aking pakikidamay. Hinde ko siya makita kaya lumapit na muna ako sa nakaburol kong pinsan. Ayon, ano pa e di nakahiga. May rosaryong nakapulupot sa kanyang kamay. Mataba siya at naka markana! Hmmm, di ko na nga matandaan kung ito ang unang pagkakataong makita kong naka kana si kuya! Anyway, nakapamburol ang kumag. Ano pa nga ba, hehehe.
Nasaan si Ate S, ang tanong ko. Wala rito, ang sagot sa akin. Ah, oo nga pala, may sakit din siya, at kung di pagiingatan e baka di oras na sumunod. So, how is she, ang tanong ko. Ay, masama ang loob niya kaya di dumalo. Hmmm, nadisimula kong may ibang halaga ang salitang narinig ko. Kung sabagay hanggan bukas pa naman ang burol, so maybe tomorrow narito si Ate S. Inalis ko na lang sa isip ko kahit nakahihinayang na di ako makapag condolence sa kanya dahil gusto ko si Ate S. Mabuti siyang tao.
So, nakipagbalitaan na muna ako: mga tsimis at kung ano-ano pang mga bagay na di ko na kailangang malaman pa. Pero ganyan ang pamilya, maraming naghahalong balita na kailangang alam mo ang totoo sa hinde. Kung alin ang kuwentong may patong at kung alin sa mga kuwento ang pinaltan ang ending.
Kulas, eto nga pala si Ate E, ang asawa ni Kuya L. Huh??? Oo, Kulas si Ate E ang kasalukuyang asawa ni Kuya L! Nampusa, kaya pala wala si Ate S e dahil ex na pala siya. Condolence E, ang bati ko. Mahalinang ngiti ang sinukli ni E sa akin. Kaunti pang small talk kami and then she had to attend to the other guests. Walanging! hinde ko alam na may bago pala si Kuya L., sa di sinasadyang pagbigkas ng salita ng isip ko. Oo, kulas at si E ang ika apat na asawa ni kuya L, ang patuloy ng pinsan ko. Actually, narito silang lahat puwera kay Ate S. Correction, narito kanina si Ate S, pero hinde si Ate na alam mong Ate S. S din ang pangalan ng third wife ni kuya L.
Kinawayan ng pinsan ko ang isang mistisahing babae sa kabilang panig ng silid. Madali itong lumapit at nagpakilalang unang asawa ni Kuya L. Seventeen daw siya ng mag asawa sila at may isang anak, si C, na kusang pumarito sa Amerika upang hanapin ang kanyang ama, si Kuya L.
Pinagmasadan ko si C. Oo nga kamukha siya ni Kuya L. Hinde mapagkakaila. Siempre pahug, hug kami. The usual greeting ng long lost relative, except in this case we know that we will not see each other again.
Mahirap paniwalaan, ngunit para sa isang luksa they all seem happy! Mga bata batuta raging from, maybe, high school age to having families of their own. They are all related through the same father, all from four different mothers. I can only imagine the kind of life some of the kids went through. Example na si C. Biro mo hinanap niya talaga ang tatay niya and she had little or no resentment towards him. She was happy to see him and felt lucky to have done so when he was still alive. What irony! Sa paglipas ni Kuya L nabuhay ang kanyang pamilya. All separate and yet one.
Napangiti ako ng huli akong magpaalam sa bangkay ni Kuya L. Parang kailan lang ng mag long distance driving kami papuntang Washington D.C. Parang kailan lang ng makipagparty kami tuwing Weekend. Isang araw lagi kaming magkasama. Ngayon wala na siya. Hindi namin namalayan ang mabilis na paglipas ng panahon sa bawat araw na di kami nagkita. Naipon na lingo, buwan at taon, hanggan sa mawalan ng kahulugan ang bilang nito. Wala man lang akong ideya sa misteryo ng kanyang buhay.
Kuya L, sana maging mapayapa ang huli mong pamamahinga, kung saan ka man mapunta. Kung ayaw mo ng tahimik o maaboridong pahinga, sana kung ano man ang gusto mo e makuha o ibigay sa iyo. Kuya, have a wonderful time.
Paalam Kuya.
Saturday, March 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
my condolences mang kulas, mukhang okey ka naman e ang saya ng kwento mo lol!!! ibig mong sabihin ganun katagal kayong walang komunikasyon at di mo alam na nagpalit (na naman) ng asawa ang pinsan mo?
ReplyDeletelol! napansin ko na may koneksyon ang recent entry ko sa recent entry mo :)
ReplyDeleteDear MK, pasensya na po at bihirang bihira ako makabisita sa blog mo katulad ng bihirang bihira din akong makabisita sa mga nasa blogroll ko pero nadadalaw ako paminsan minsan sa blog mo di nga lang ako nag-iiwan ng komento.
ReplyDeleteAno yung good decision? yung kainin ang aso? lol!
reply ko po yan sa kabila since hindi ka nakasubscribe via email lol!
Oo, Melai, matagal kaming hinde nagkita. Alam mo dumarating ang panahon ng pagiba ng estilo ng buhay ng di inaasahan. Basta na lang nangyayari. 'Di ba?
ReplyDeletesabagay tama ka dyan.. kahit saan naman e parang di ka nga maniniwala sa iba kung bakit nagkaganoon bigla buhay nila e.
ReplyDeleteparang sa lahat ng nakiburol ikaw lang ang di affected mang kulas!hehe!nagiging funny kasi ang kwento ng buhay ni kuya..sumalangit nawa. buhay nga naman!lol
ReplyDeleteCondolences to you and to his family Mang MK. Kaya pala matagal kana nmang nawala e ang haba ng entry..
ReplyDeletenakakalungkot pero ano pa nga ba ang gagawin kundi tanggapin.
ReplyDeletenakakatuwa naman si Kuya L, ang daming pamilya, pero at least masaya ang mga naiwana, imagine may picture taking pa sa kabaong...hahaha
ev, affected din kaya lang laggng masaya si Kuya L. noon. No point in changing now.
ReplyDelete______
tikey, mahaba ang entry dahil may kailangang sabihin.
______
mmy-lei, pati ako nagulat. Hinde ko akalain na apat ang pamilya niya. Bilib ako sa kanilang attitude. Now, nagkakilala ang mga magkakapatid na otherwise, would have not known themselves.
parekoy..
ReplyDeleteunang dalaw ko dito sa blog mo
pero malungkot
na bahagi ng buhay mo
ang nadatnan ko
alam kong wala akong magagawa para muli kang mapasaya pero sana sa salitang ito eh sapat na para maiparating ko sa iyo ang pakikipagdalamhati ko..
Condolence..
Para palang hindi burol ang pinuntahan mo MK, happy ang mga naiwan..hehehe.
ReplyDeleteLam mo ba na kapatid ng lolo ko ay 4 din ang asawa. Nagkakilala pa yung magkapatid dahil hagad(pulis) yung isa, hinabol yung isa dahil overspeeding. Noong magkaharap lumakas ang loob ng nahuli kasi nakita sa nameplate na same ng surname. Sabi nung nahuli, "brod, baka magkamag-anak pa tayo ah. San province mo?" Yun na iisa pala ng tatay..hahaha!
Salamat sa pag comment at pakiramay mo, ferbert.
ReplyDelete________________
ann, nakakatuwa ang istorya mo. Palagay ko iyang pagkikita ng mag kapatid sa ama ay sinadya ng tadhana.
Ano ba nangyari, tinikitan ba, hahaha?
condolence,MK..
ReplyDeletepang hindi funeral ano?masaya parang perya ang dating..
siguro,kahit babaero si kuya L mo,mabait pa rin shang tao kaya hinanap pa ni C at masayang nagkatipun tipon ang mga naiwan nyang pamilya except kay Ate S mo na mukhang bitter dahil napalitan ni Ate E mo...
hehe,galing ko,nakabisa ko agad ang mga characters,feeling ko kasi ay maikling kwento mo lang to dahil sa pagkakasulat mo.
ghee
Ghee, I know you are very sharp. You understand human weaknesses and strenghts.
ReplyDeleteSalamat for dropping by.