Sunday, May 20, 2007

Panibagong Pag-asa.

Medyo surprising ang election 2007 results sa pinas ngayon, di lang sa national level kundi sa local level din. Marami ang nag-aakala na dahil sa makenarya at salapi ng administrasyon, tiyak na ang panalo nang mga kandidato nila. Ngunit sa kasalukuyang bilangan sa karera para sa senado Genuine Opposition ang lamang. Bukod pa dito, nagwagi at diniklara ng panalo sina Lim para alkalde ng Maynila, Binay ng Makati, at kalakihang surpresa sa Pampanga na teritoryo ni President Gloria Arroyo, natalo rin ang mga bataan niyang si Mark Lapid at Lilia Pineda! Para bagang bumaliktad ang mundo ni PGMA! Binatukan siya! Ano kaya ang nangyari?

Ayon sa balita, marami pa ring nagbenta ng mga boto nila, marami pa ring takutan at patayan, marami pa ring animalya at pagkukulang ng COMELEC sa kanilang tunkuling isagawa ang malinis, tahimik at patas na halalan! So, ano ang pinagbago o kaibahan ngayon kaysa noong 2004 elections? Ang sabi ng nasa kalagayang makakita, wala! Si Mr. Hello Garci, natalo man at sumuko na, ay handa muli na ipagpatuloy ang kanyang dagdag-bawas operasyon. Dagdag dito, si Abalos, ang puno ng COMELEC , ay walang hiyang ginuguyod sa ilong na parang baka ng palasyo, kuno!

Parang mahirap paniwalaan na ang puno mismo ng COMELEC ay kasabwat sa dayaan, kung di man nagbubulag-bulagan. Parang mahirap din paniwalaan na ang pangulo mismo ng pinas ay mandaraya! Mahirap lang idiskwento yung “Hello Garci!” Meron pa nga akong kopya ng usapan ni Garci at PGMA! Isa pa yung “I am sori,” kuno.

Kuno? Bakit kuno? Dahil mahirap paniwalaan ang mga pulitiko! Kailangan inaasinan ang salita nila. Kasama na diyan yung mga manunulat at kritiko. Isa pa ang mga yan, mayroon ding pansariling ganansya. Bayaran pa nga yung iba diyan. E sino kaya ang puwedeng paniwalaan? Yung nagbebenta ng boto nila? Asus, no can do yun. E yung mga lider ng kandidato kaya? Hinde rin, aba. Yung barbero o manikurista mo kaya? Hehehe. E sino?

Sino pa, e di ikaw, ang sarili mo! Marahil iyan ang kaibahan ng eleksyon ngayon. Hinde man nagbago ang pamamaraan ng dayaan, marahil, nakinig ang mamamayan sa kanilang sarili at ginawa ang nararapat upang protektahan ang kanilang kagustuhan para sa kabutihan ng sambayanan. At least, iyan ang gusto kong paniwalaan! At kasama na rito ang walang pahingang pagmamasid ng mga pankaraniwang tao at NGOs sa eleksyon. Ang tutok ng media sa presinto at mga kagawad ng COMELEC at NAMFREL.

Sa mga dumalo at nagsikap na magkaroon ng malinis na halalan, maraming salamat sa inyong lahat! Mukhang mayroon tayong hinaharap na panibagong pag-asa.

Friday, May 11, 2007

Silay's Day?

Happy Mothers Day? Wala naman talaga sa pinas niyan, a. As usual pick up natin yan sa mga Markano. Palagay ko may nag cecelebrate din ng Thanksgiving Day diyan sa pinas kahit na walang Indian diyan. Marahil Indian sa date meron, pero native Markano Indian, wala. Halloween, isa pa yan. Iyan, malaking occasion yan sa pinas. Actually araw ng mga bading yan diyan. Yung mga naglalabasang parang babaeng naka custume, nakakatakot talaga! That’s a Tate occasion din, lalo na sa Greenwitch village, sa NYC.

Ano? Sino puto maya?

Eto nakatutuwa ha, sa dinami-dami ng mga okasyon ng pinagdiriwang natin na gawing America, we hate Markanos! Well, of course, not all. Pero yung may hate, dahil sa ingay, akala mo e sila nakararami. Pero, pag binigyan ng pagkakataon ang mga ito na maka escapo pa States, ayon ang bilis, Hello Joe na kagad.

Uy yung mga makabayan diyan, huwag kayong mapipikon ha. Practical view lang naman yang kay Kulas. Kung mayroon kang gustong sabihin, lets have it. No problem.

Mabalik tayo sa Mother's Day. Ang ibig kong sabihin na walang Mother's Day sa pinas ay wala naman talagang tinakdang araw na para sa mga nanay. Hinde ibig sabihin na hinde nararapat na mayroon. Sa tingin ko, malayo na mangaling ang idea ng mothers day sa pinas dahil ang mga pinoy ay chauvinistic. Mga babaero, sugalero, bogbogero, at according to kulasa, mga machong tigas titi. Of course, as always, di naman lahat.

Lumaki ako sa pinas na walang malay sa mothers day. Mabuti na lang kamo nariyan si Silay dahil si mother ay nasa majongan all day, everyday. Yaya’s day kaya?