Wednesday, June 07, 2006

Katotohanan, Ipagkait.

Napakaganda ng pangitain mula sa bintana ng hotel na tinutuluyan ni Kulas. Sa katahimikan ng kanyang silid, parang sineng walang talkies kung malasin ang mga sasakyan at tao sa ibaba. Akala mo’y mga langgam na sunod-sunuran lamang sa likas nilang katangian. Ng Patayin ni Kulas ang ilaw sa kanyang silid, natiwalag siya sa mundo na kanyang kinabibilangan. Naging tagapagmasid na lamang siya na walang paki sa buhay ng sangkatauhang kanyang pinagmamasdan.

Napakasuerteng pakiramdam ito. Tahimik na tagapagmasid: Walang hirap at pasakit. Walang hinagpis at kabiguan. Malayo at tiwalag sa pang araw-araw na gulo sa mundo!.

Nang Huwe, ang OA naman nare!

Mga kablags napundi si kulas ng magawi siya sa Inq7. Sang katutak na namang kabalbalang balita ang nabasa niya. Nabulabog ang kanyang masagana at masayang mundo. Nadistorbo ang kuntento niyang kalagayan. Nawalan siya ng ganang kumain, hindi dahil sa masakit ang kanyang ngipin, ngunit dahil sa mga sawing palad sa minamaahal niyang bayan.

Mga mangingisdang sawi dahil sa mercurying lason na kumalat sa kapabayaan ng banyagang nagpautang ng ilang milyong dolyar sa pamahalaan ng magiting nating pangulo. .

Malabo ang kinabukasan ng ‘pag-asa ng bayan’. Malamang na mangulelat sa paligsahan ng talino sa mundo. Higit sa isang daang istudyante ang pilit na sinisiksik sa silid paaralan dahil sa kakulangan nito. Ano ba yan? Sa halip na aminin at bigyan lunas ang kamalian, pinagalitan at hiniya pa ang tagapag balita, ang naatasang sumuri ng pangangailangan! Masyado namang kapal muks yan!

Ipagkait ang katotohanan. Iyan ang sagot ng kinauukulan. Gawaing mangibabaw ang kasinungalingan. Iyan ang magandang halimbawa ng nagbibida-bidahan!

Ano naman ang magagawa ni Kulas? kinlik niya ang daga at viola! Nawala ang problema.

Nawala nga ba?