Sunday, March 06, 2011

Palapit ng Spring.

Para sa akin, ito na marahil ang napakatagal na winter. Ka-aborido dahil wala masyadong activity sa labas. Hindi ginaw ang kaso kundi ang kapal ng snow. Noong nakalipas na winter di kasing grabe kaya ok lang lumabas.

Sabagay, depende sa sport mo. Kung skier ka, marahil welcome mo ang snow, the more the better - hindi ba? Pero, ang kaso mountain biking ang sa akin, kaya sa kapal ng snow at, sunod ng ulan at saksakang ginaw, nagyelo na snow, talagang di puwedeng mag-bike, lalo na kung medyo umaabante na sa edad. Eabi nga nung isang tao sa park, "old bones takes long to heal!"

Actually, sinubukan kong mag-mtb noong nakaraan lang. Hindi talaga puwede at lumulubog ang guma ng biseklete as yelo, at bukod pa diyan talagang madulas kaya kahit anong galing ng gulong mo, talagang mababalabag ka.

Well, what can one do but wait, diba? Kung sabagay natunaw ang snow sa ulan at nakapagbisekleta na ako, yun nga lang putik naman ang kapalit ng natunaw na snow, at, at, kay dulas ng daan.

Di bale, malapit na spring at tiyak na magkikita kami ng kasmahan ko sa trail. Yeah, darating din ang magagandang araw. Just can't wait.

2 comments:

  1. MK, musta na? Napadaan ka pala sa bahay ko....we'll be leaving saudi soon...update na lang kita.

    ReplyDelete
  2. Houston Rockets!

    ReplyDelete