Para sa akin, ito na marahil ang napakatagal na winter. Ka-aborido dahil wala masyadong activity sa labas. Hindi ginaw ang kaso kundi ang kapal ng snow. Noong nakalipas na winter di kasing grabe kaya ok lang lumabas.
Sabagay, depende sa sport mo. Kung skier ka, marahil welcome mo ang snow, the more the better - hindi ba? Pero, ang kaso mountain biking ang sa akin, kaya sa kapal ng snow at, sunod ng ulan at saksakang ginaw, nagyelo na snow, talagang di puwedeng mag-bike, lalo na kung medyo umaabante na sa edad. Eabi nga nung isang tao sa park, "old bones takes long to heal!"
Actually, sinubukan kong mag-mtb noong nakaraan lang. Hindi talaga puwede at lumulubog ang guma ng biseklete as yelo, at bukod pa diyan talagang madulas kaya kahit anong galing ng gulong mo, talagang mababalabag ka.
Well, what can one do but wait, diba? Kung sabagay natunaw ang snow sa ulan at nakapagbisekleta na ako, yun nga lang putik naman ang kapalit ng natunaw na snow, at, at, kay dulas ng daan.
Di bale, malapit na spring at tiyak na magkikita kami ng kasmahan ko sa trail. Yeah, darating din ang magagandang araw. Just can't wait.
Sunday, March 06, 2011
Friday, February 04, 2011
Bukas.
Ano na kaya ang nangyari sa mga dati kong ka-blog? Dadalawa na lang ang alam kong kontakin at di pa sigurado kung sasagot. Well, karamihan nag move on na. Ang dati kong malimit na bisita ay si Tuts, yan ang tawag ko sa kanya, ay dahan-dahang nawala mula ng magka-anak siya. Naging busy mom, siguro - understandable, hindi ba? Anyway, sa palagay ko may malaking dahilan ang pagka-interes ng ilan sa pag-babago ng kanilang blog na dati ay salaysay ng pankaraniwang araw-araw na buhay sa pag-advertise ng mga produkto. Sa hirap nga naman ng kabuhayan, sino nga naman ba ang tatanggi na kumita? Masubukan ko sana pag nagkataon.
Ang blog naman ng ilan sa kanila ay sarado na. Wala man lang paalam o babala. Actually mayroong isa akong naala-ala na nagpaalam, ngunit muling lumitaw at lumubog na paranang palitaw. Wala na rin ngayon. Ang isa naman ay nagpalit ng blog at photo-blog na ngayon. Kung sabagay, tugma ito dahil nagbago na rin ang kanyang buhay. Sincere na 'good luck' sa kanya. Ang iba naman ay napadpad ang interes sa 'face book' dahil mas maayos daw an interaction doon. May nag-imbita pa nga. Sa totoo lang, madalas akong makatanggap ng imbitasyon via e-mail. Di pa lang talaga mapangatawanan.
Well, marahil ang pinaka malaking dahilan ay pagka-busy, kung di man di pagasikaso ng blog o simpleng katamaran. Maari rin pagka-aborido. Teka, maybe kung pasisimulan kong bumisita at mag-komento sa ilang interesanteng blog ay mabago ang interes ng kinauukulan. Hmmm, that may be worth a try.
Subukan ko nga... Bukas...

Thursday, January 06, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)