Kumakain ako sa isang pinoy tuto-turo ng marinig ang nakababasag dinig na sirena ng isang bata, "waaaaaaaaaaaaaaaaaaa," ang ngawa niya. "Nampusa, ano ba nangyari," ang isip ko? Hinde ko pinansin dahil talaga naman ganyan ang mga bata, hinde ba? Hinde naman iyak ang sigaw ng bata, ngaunit gusto lang marahil makakawala sa "baby seat" niya. Minamana mo naman na naka-strap siya doon at hinde makagalaw.
Hinde una pinansin ng tatay niya na abala sa kuwentuhan at pag-kain. "Waaaaaaaaaaaaaaaaa," ang ulit ng bata. Ngayon medyo may banta at pahiwatig na iyak na ang susunod. Wala pa ring pumansin. Natural, yung mga kumakain doon sa turo-turo e naiinis sa ingay, pero dahil puro kabababayan, kunwari, wala lang. Sa ika-tatlong walang patid na ngawa ng bata, hinde napigilang bigyan ng pansin ito. Tumayo ang isang kasamahan nung tatay, kinuha sa baby seat at kinalong. Asus, e cute naman pala yung bata at medyo kalakihan ang sibol (5'7" daw ang taas ng nanay, ang sabi ng tatay ng nagkapalagayang loob na).
E, ayun, nagsalita na ang mga patron ng tuto-turo: "Aba e mas malakas pa sa boses ko ang boses ng batang ito a," ang nakangiting sabi ng isang nakasalamin at bigotilyon lolo. "He, he, he, ilang taon na ba yang kutil na iyan," ang tanung noong isa. Natutuwang sinagot naman ng palakpak tengang tatay ang kung ano-anong pang mga tanong ng mga patron sa resto at nag volunteer pa nga ng ilang impormasyon ukol sa bata at pamilya niya.
Mala-pista ang himig sa turo-turo restawran - parang restawran sa probinsya na ang lahat ay magkakilala, kung hinde mag-kamaganakan.
Ha, ha, ha, Pinoys lang kaya ang ganyan na maka-pamilya?