Patsuweeet..! Ang sipol ni Ompong sa humaharurut na taxi. Ehehehehehe..! Ang iling ng taxi sa biglang preno nito. Nilampasan sila sa lakas ng buwelo. Parang mapipigtis na ugat ang angil ng makina ng hiriting paatrasin ng diber ang taksi at ihinto sa harapan nila Ompong.
Mabilis at maginoong binuksan ni Ompong ang pintuan at abot kamay, inalalayan si Lolly na sumakay. "Driver, sa pinakamalapit na Metrobank," ang mando ni Ompong. "Opo Sir," ang sagot ng driber at sa ilang sandali ay nasa harapan na sila ng Metrobank,
Iyan ang plano na umiikot sa isipan ni Ompong: na ang taxi driver na ang bahalang humanap sa Metro Bank. Mabilis siyang umisip ng paraan, lalo na kung gipit. Subalit ng alokin niya si Lolly na sumakay ng taxi tinangihan siya nito. Understandable, naman, hinde ba? Kung ikaw si Lolita marahil di ka rin papayag dahil hinde mo pa naman talaga kilala si Ompong.
Isang gabi, ng limang taon pa lang siya, nagising siyang umiiyak - napakalakas na iyak! Mahimbing ang tulog ng lahat at wari niya ay walang dadamay sa kanya ng sa labas ng kanyang moskitero ay may bigotehang mama na nakasilip sa kanya. Mapayapa ang tingin at may nakatagong ngiti. "Tahan na anak, tahan na," ang pahiwatig nito kay Ompong. Isa kayang panaginip ito? "Oo, Ompong isang panaginip iyan," ang sabi ng nanay niya.
Binabagabag siya ng ala-alang ito at ng magawi siya sa NSO(National Statistics Offie) isang araw, kinuha niya ang kanyang birth certificate upang alamin kung kanino talaga siya nangaling:
Ang haba ng pila! Pagdating sa bintana ng takilya, binigyan siya ng application form at sinabihan na sagotin ang mga tanong dun. Langya, halos isang oras para makakuha lang ng form! Pagkatapos i-fill up at isubmit ang form maghihintay ka ng ilang oras. Kung talagang suwerte ka o kung madalas kang tamaan ng kidlat, baka makuha mo sa araw ding yun. Pero, usually, hinde ganyan ang buhay ng bureaucracy, malamang sa ibang araw mo makukuha, at di lang yan, sa ibang opisina mo pa kukunin.
Hinde pa marunong manlangis si Ompong. Yung karag-karag na awto ng tatay niya kaya niyang langisan, pero ang makinang may isip ay di kasing dali. Kailangan ng kaunting ligaw, himas, at timing. It's an art in itself, ang sabi ng naka aalam.
Itutuloy...
_____________________
Bitin! lol!
ReplyDeleteNgayon lang ako nakarinig ng Baleryanong apelyidong pinoy, alam ko lang e Valeriano, katulad nung mga kapitbahay namin sa Tundo :) ...sobrang tinagalog yata lol!
Melai, tama ka. Bitin nga at unique ang spelling ng surname ni Ompong. May magandang dahilan kung bakit. Sa bitin dahil itutuloy at sa Baleryano - to protect the inosente.
ReplyDeletehahaha ganun ba yun? lol! e me hint pa rin kahit na to protect the inosente, now alam ko na totoo si Ompong e isang Valeriano..teka alamin ko kung taga saan ang mga Valeriano na yan, di ba mga taga Pampanga? dyan magaling si tatay ko e apelyido lang alam na kung taga saan, parang si Joey de Leon lol!
ReplyDeleteBitin nga! Ampon lang ba si ompong?
ReplyDeleteWala pa?
ReplyDeleteIsa na nga akong Nanay Tikey... salamat... haba ng entry.. balikan ko.. change diapers muna ne! hhe!
ReplyDelete