Thursday, March 15, 2007

Google Earth

Kahanga-hanga talaga ang abante ng technology at ang kasiyahang naibibigay nito sa atin. Ang larawan na iyan ay satellite view ng neighborhood namin sa Maynila. Sa center ng pic ay ang bahay ng magulang ko, yung pula ang bubong na may pirasong puti. Mula sa Google Earth.

Sunday, March 04, 2007

Puting latik

Dinalaw si Kulasa ng yumaon niyang ina. Wala raw sinabi, ngunit nagpahiwatig na umuwi siya sa kanilang bayan at kailangan ang kanyang tulong. Hinde na ako umimik o mangahas magusisa. Yari na isip niya. Decidido na siyang umuwi.

So, the following week lumipad si Kulasa. Wala ng seremonya, halos walang dalang pasalubong, just one suitcase, but I suspect, plenty of cash. Marami siyang mga bilin sa akin, mga bagay na aasikasuhin – nampusa, binigyan ako ng assignment!
Mahigit na isang buwan siya dun.

Kapanibago nag-iisa sa bahay lalo na kung nakasanayan mo ng may kasama. Parang biglang tumahimik. Kahit na nag-iisa ako sa bahay nung nariyan siya, tahimik din, pero hinde pareho pakiramdam. I’m sure you know the feeling.

After one week nagsawa rin ako ng kakakain sa restaurant. So, nangahas ako na magluto sa bahay. Hanap sa cookbook o kaya naman surf the Net for recipes. Kung ano-anong recipe sinubukan ko: Orange beef, Pork/beef spare ribs with black bean sauce, kare-kare, kaldereta, boneless daing na bangus. Ang daming hiwa-hiwa, huhugasang bandehado at ang daming tira! Kasawa rin pala lalo na kung di tama labas ng luto. Okay resulta ng iba, while others iba itsura at lasa, pero okay na rin. Kapag gutom ka, kahit hinde, masarap na rin!

Mabuti kamo at meron akong rice cooker at turbo cooker! Except for the first try, lahat ng sumunod kong lutong kanin e perfect! Yung una kasi nakalimutan kong i-on yung switch ng rice cooker, hehehe.

Sa turbo cooker naman kahit na anong karne, chicken, baboy, beef, isda, o ano pa diyan, puwede. Basta't timplahan ko ng salt, pepper, Cheyenne, at butter, okay na. For vegies, bokchoy boiled in water with chicken stock, okay na rin. Sa ganitong paraan ng luto, wala masyadong huhugasan at mabilis pa.

So, pag-balik ni kulasa, nagulat siya at di ako nangayayat.
Maraming tanong! Hehehe.
----------------------

Ito sinumpong ako two days ago. Kumain ako sa pinoy tuo-turo. May kakaning biko, kulay ube at masarap. Gusto kong gayahin, may magagayang recipe, pero di ko alam ang lahat ng ingredients. Sabi nung cook may tupol daw. Ano Yun? Sabi nung isa pang cook, maitim na malagkit na kanin daw ang ginamit. Talaga?
Anyway, yung puti na ginamit ko. Iyan ang resulta. Hehehe, sensya na sa pic, paubos na. Dalawang piraso na lang natira. Pansin mo, maputi latik? Hehehe, okay din naman lasa. Tamo may pili nut topping pa!
Breaking News! Saka ko lang nalaman na meron pala talagang black glutinous rice, from Thailand. Hinde ko pa alam kung saan mabibili. Well, when I get some, try ko. Ako pa?