Wednesday, January 17, 2007

Patawid.

Tapos na christmas holidays. Eto ni-riribyo ko ang natangap kong mga regalo: may gift card, jacket, cash at kung ano pa. He, he, siempre yung cash ang pinaka maganda dahil kahit ano, kahit saan pwedeng gastahin. Actually, kaunti lang ang natangap kong regalo ngayong pasko kumparado sa nakaraan, although more or less, mas ok ang regalo ngayon – wala ng masyadong “practical gifts” tulad ng panyo, medias, scarf, o kaya gloves. Of course, this is not to say that there is something wrong with practical gifts. For example, lagi namang kailangan at gamitin ang panyo, hinde ba? Besides, saan ka pa, si Armani pa nga itong inaatsingan ko, hehehe.

Maraming taong pamasko na naipon sa aparador ko. Pinadala na nga sa Pinas ang karamihan dahil di ko naman ginagamit – sweater, polo shirt, tees at neckties. Gloves? Saan naman gagamitin sa atin ang gloves! Yung sweater nga e di ko na sana padadala ng maalala ko na malamig-lamig din ang pasko sa atin, lalo na kung magsimbang gabi. E ang daming payat sa Pinas (tulad ko nun), lamigin pa naman ang mga iyan.

Uy, siyanga pala, nakatayo pa hanggan ngayon ang Christmas tree ko. Nakakahinayang ibaba, ang ganda ng liwanag ng x-mas lights kung gabi, lalo na kung ito lamang ang nakasindi. Iwan ko kayang nakatayo ito until 2007 Christmas?


Bagong taon.

Uso pa ba ang mag “New Years Resolution” diyan sa inyo? Dito hard to tell dahil ayaw magsabi ng mga tao kung meron o wala. Kung sabagay mahirap magsalita dahil kailangan panindigan ang resolution at kung hinde matupad, medyo nakakamenos ang pakiramdam.

So, ang tanong: Ano ang New Year’s Resolution mo? Meron ba?