Sunday, October 26, 2014

Bulaklak at Bubuyog.

Noong binatilyo ako, libre at walang masyadong responsabilidad sa buhay, madali ang makipagkaibigan sa mga babae. Sari-sari ang kanilang mga ugali, ganda, tayo sa buhay at pinag-aralan. Si Dodi, halimbawa, ay mula sa may kayang pamilya. Mestisahin, matangkad, mataas ang pinag-aralan, mabaet at maganda. Sa college ko siya unang nakilala. Hindi bilang kaibigan, ngunit dahil lamang sa magkakaklase kami sa Physical Education. Co-educational kasi ang paaralang pinapasukan namin.

Sayawan ehersisyo ng klaseng ito - American group folk dancing. Kaya American folk songs ang tugtugin na sinasayawan namin. Ganito takbo: Yung mga babae kapit kamay paikot sila, mga labing lima hanggang dalawampo sila. Ang mga lalaki ganoon din, kaya lang pinaiikutan namin ang mga babae, sa loob sila, sa labas kami.

Ang nakatutuwa dito, hinde alam ng mga babae kung sino ang magiging partner nila dahil una silang pumoporma paikot, susunod ang mga lalaki. Dahil maganda si Dodi, lagi namin siyang pinaguunahan, pero pasimple lang dahil taglay na mahiyain ang mga boys and girls noon, kaya kunwari di sinasadya ang pangyayari.

Kung sinisuwerte ako, si Dodi nakakapartner ko, kung di naman, umaasa na makatapat siya pag-ikot at pagpalit ng kapareha. Hinde naman kami nag-introduce ng aming mga sarili buhat pa ng simula ng klase. Sa madalit salita, para na lang nagkasabay ang dalawang klase namin. Kanya-kanya papunta at kanya-kanya, paalis. So, sa pasimula, di ko alam ang pangalan niya, datapwat nahawakan ko na ang kanyang mga kamay at baywang sa pagsasayaw. "I wonder who's kissing her now," ang tugtugin na sinasayawan namin:

I wonder who's kissing her now, 
Wonder who's teaching her how? 
Wonder who's looking in to her eyes? 
Breathing sighs! Telling lies!
 
I wonder who's buying the wine? 
For lips that I used to call mine, 
Wonder if she ever tells him of me? 
I wonder who's kissing her now?

Alam ko, panahon pa ni Majoma ang awitin na iyan, pero yan yun, e. Paminsan-minsan napapansin ko na sumusulyap siya sa akin pagsimula ng sayaw. Nasaan na kay yung chinito na kasayaw ko nuong isang linggo ang ini-imagine kong nasa isip niya, hehe. Parang nakikiramdam kung sino o kung ako ang kapartner niya at ganoon din ako - pinakikiramdaman ko din, kung nasisiyahan siya kapag ako ang partner niya. Ganoon pa man, hanggan duon na lang yun. pagkatapos ng semester, di na kami muling nagkita.

Oo, paminsan-minsan nakakasalubong ko siya sa corridor ng eskuwelahan. Hinde naman kami nagbabatian, so wala na sa isip ko. Iyung mga panaginip na mangyari na magkaroon kami ng kasundoan o maging makaibigan man lang ay walang pag-asa. Isa pa hindi ko na siya naging kaklaseng muli.

Lumipas ang isang taon ng nagkaroon ako ng bagong barkada. Madalas kami magparty at makisalo-salo sa opposite sex. Mahilig naman kasi manligaw itong bago kong mga kasama. Isang araw sinama nila akong manligaw sa tahanan ng babaeng nililigawan ng barkada ko. Maganda at malaki ang bahay sa isang magandang lugar. Bihis kami at suklay ang mga buhok. Halika, pasok ka ang imbita ng kabarkada ko. Nasurpresa ako ng makita ko si Dodi sa silid. Nakaupo sa malaking bilog na lamesa at may dalawa pang lalaking manliligaw. So pangatlo na ang barkada ko at ako, ano ako, pang moral support dahil nga naman may ibang kalog na mukhang astig.

Pinakilala ako ng barkada ko kay Dodi na ngumiti sa akin. "Hi," ang sabi niya at ganoon din ako. Hindi ba niya ako namukhaan ang sumugod sa isip ko. Mukhang hindi nga at bakit ka naman niya ako maaala-ala, sino ka ba? He, he, so, diko na sinundan ang damdamin ko na magsabi na, "hey, di ba naging magkakalase tayo noon..." Nakisakay na lang ako na kunwari doon una naming pagkikita.


Nagtampisaw sa tubig.

Naglalaro sila ng "Isang tanong. Isang sagot." ng abutan namin. May listahan na pagpipilian ng tanong at kailangan na sagutin mo ito ng tapat(kuno). Di ko na maala-ala kung ano patakaran ng laro, pero ito ang dating ng tanong: Naglalakad ka. Napaka-init ng panahon. Napadaan ka sa isang ilog na nagaanyaya sa iyong maligo. Ano ang gagawin mo? Ang sagot ng barkada ko ay walang pasubaling tatalon siya upang magpalamig. E, ikaw naman, ano ang sagot mo, ang tanong sa akin ni Dodi. Ako, pakikiramdaman ko muna ang tubig bago ako sumulong. Medyo disappointed sa di inaasahang sagot ko. Sumingit naman agad ang isang manliligaw ni Dodi, "mas gusto ko sagot niya, tinutukoy ako, "Test the waters before jumping in, diba!" at nagtawanan ang lahat.

Ito pala ibig sabihin ng istorya at kasunod na tanong nito: Yung init ng araw, pagsubok na dinadaan natin sa buhay. Yung Ilog, ay pag settle down o pag tahimik sa buhay ng lagalag(singles life) at pag sumulong ka sa ilog, magsesettle down kana, meaning magaasawa ka.


Limot na.

Kung may interes man ako kay Dodi, nawala na ng araw na iyon. Nililigawan ng barkada ko(di katalo, sa salitang barkada) at di naman nila alam yung saglit mang damdamin ko noon kaya kinalimutan ko na kung ano mang damdamin ko kay Dodi. At saka mayroon na naman akong bagong nagugustuhan na sa tingin ko ay may pagtingin din sa akin. Pero, hinde ko na siya ikikuwento dahil wala namang nangyari. Mga damdaming walang dinatnan. Masyadong malaking bagay-bagay na kailangan upang makamtan ang nais kong mangyari at wala talaga sa baraha. Ano pa man may ilan pang mga dalagita na dumaan sa aking buhay na may nangyari man ay wala naman katuturang nadating. Nag graduate ako sa Universidad, nagtrabaho at ano pa, napadpad sa America.


Itutuloy...

Sunday, March 06, 2011

Palapit ng Spring.

Para sa akin, ito na marahil ang napakatagal na winter. Ka-aborido dahil wala masyadong activity sa labas. Hindi ginaw ang kaso kundi ang kapal ng snow. Noong nakalipas na winter di kasing grabe kaya ok lang lumabas.

Sabagay, depende sa sport mo. Kung skier ka, marahil welcome mo ang snow, the more the better - hindi ba? Pero, ang kaso mountain biking ang sa akin, kaya sa kapal ng snow at, sunod ng ulan at saksakang ginaw, nagyelo na snow, talagang di puwedeng mag-bike, lalo na kung medyo umaabante na sa edad. Eabi nga nung isang tao sa park, "old bones takes long to heal!"

Actually, sinubukan kong mag-mtb noong nakaraan lang. Hindi talaga puwede at lumulubog ang guma ng biseklete as yelo, at bukod pa diyan talagang madulas kaya kahit anong galing ng gulong mo, talagang mababalabag ka.

Well, what can one do but wait, diba? Kung sabagay natunaw ang snow sa ulan at nakapagbisekleta na ako, yun nga lang putik naman ang kapalit ng natunaw na snow, at, at, kay dulas ng daan.

Di bale, malapit na spring at tiyak na magkikita kami ng kasmahan ko sa trail. Yeah, darating din ang magagandang araw. Just can't wait.

Friday, February 04, 2011

Bukas.

Ano na kaya ang nangyari sa mga dati kong ka-blog? Dadalawa na lang ang alam kong kontakin at di pa sigurado kung sasagot. Well, karamihan nag move on na. Ang dati kong malimit na bisita ay si Tuts, yan ang tawag ko sa kanya, ay dahan-dahang nawala mula ng magka-anak siya. Naging busy mom, siguro - understandable, hindi ba? Anyway, sa palagay ko may malaking dahilan ang pagka-interes ng ilan sa pag-babago ng kanilang blog na dati ay salaysay ng pankaraniwang araw-araw na buhay sa pag-advertise ng mga produkto. Sa hirap nga naman ng kabuhayan, sino nga naman ba ang tatanggi na kumita? Masubukan ko sana pag nagkataon.

Ang blog naman ng ilan sa kanila ay sarado na. Wala man lang paalam o babala. Actually mayroong isa akong naala-ala na nagpaalam, ngunit muling lumitaw at lumubog na paranang palitaw. Wala na rin ngayon. Ang isa naman ay nagpalit ng blog at photo-blog na ngayon. Kung sabagay, tugma ito dahil nagbago na rin ang kanyang buhay. Sincere na 'good luck' sa kanya. Ang iba naman ay napadpad ang interes sa 'face book' dahil mas maayos daw an interaction doon. May nag-imbita pa nga. Sa totoo lang, madalas akong makatanggap ng imbitasyon via e-mail. Di pa lang talaga mapangatawanan.

Well, marahil ang pinaka malaking dahilan ay pagka-busy, kung di man di pagasikaso ng blog o simpleng katamaran. Maari rin pagka-aborido. Teka, maybe kung pasisimulan kong bumisita at mag-komento sa ilang interesanteng blog ay mabago ang interes ng kinauukulan. Hmmm, that may be worth a try.

Subukan ko nga... Bukas...

Thursday, January 06, 2011

Taking a Break!




Rest muna tayo...





Saturday, December 25, 2010




Merry Christmas
and a Happy New Year!



Wednesday, September 15, 2010

An on the trail story.

I was on a mountain bike trail yesterday finishing my first single track run when I saw a bearded old man hopping along the trail like a carefree little girl, singing some kind of jolly song, stark naked! I stopped and called his attention to scare him away. There were kids going through the trails and I didn't think it to be a pleasant sight for the children.

Anyway, the old man was startled. I guess he did not expect anyone to see him. Kind of funny for him to think so since bikers come to ride this trail all the time, even on weekdays. He turned and ran towards the direction he came from.

At the end of my run, I saw a group of kids, the oldest no more than ten years of age, with a young lady milling around the jump tracks. I warned the lady of the old man, telling her where I saw him and in what direction he may be headed. She asked, if I thought the old man to be dangerous. I said no, but added that one never knows what he may be up to. She thanked me and advised her group of kids about the situation and told them to stay together. The kids looked intent and curious as she held their attention on the matter at hand.

As I rode away, I could hear the children chattering, asking questions. Maybe I shouldn't have told them about the naked old man. He looked harmless enough, but I was concerned about the effect he might have on the kids. I just hoped it didn't scare them.

After a few moments, I discovered that my concerns were all for naught as I heard one of the kids yelling in a loud clear voice:

"I want to go and see the naked old man!"

Monday, June 07, 2010

Keys



What doors they unlock?

Friday, March 12, 2010

Waiting for this kind of day.

Man enjoying the sun, watching boaters in Corona park pond.

Summer brings lazy days like this one - shirt off and a bottle of water to cool things down. Can't wait for days like this one.

Tuesday, February 23, 2010

Kahapon lang.

Narinig ko ang kapirasong himig ng isang awitin. Hindi ko mawari ang pangalan datapwat sumasabay ang isip ko sa pag-awit nito. Nawala ako sa aking kinalalagyan at naglakbay sa isang tag-init na kahapon: nakasakay sa bus papuntang Quiapo, manunood ng sine sa Avenida Rizal.

Nangangagat ang araw at nakapupuwing ang alikabok sa arangkada ng bus. Paparoon at paparito ang mga naglalakad sa bangketa, lahat abala at wari mo ay nagmamadali sa pupuntahan nila.

Sandali pala akong nakatulog. Dumalaw ang antok at sa tulong ng isang awitin ay sandaling bumalik ang isang saglit ng kahapon. Nalungkot ako, nais ko sanang maibalik ang dumaang panahon na hindi ko binigyan ng sapat na pansin at pasalamatan.

Pero, talaga naman ganyan, hinde ba. Ang ngayon ay laging lumilipas. Sa kinabukasan lang natin nare-realize na okay ang nangyari kahapon.

Sunday, February 21, 2010

No more no less.

I have a long standing problem about our estate settlement. I try to put it behind me thinking that it will eventually work itself out. The value of the estate is not that much - really! What matters more is how it is worked.

People are just not being straightforward. Why? Why, well, because there is money involved, that's why. People act funny about anything and everything that involves money. There are no brothers, sisters, uncles, etc where money is involved.

But, it does not have to be this way. Some people just want their equal share, not more and not less. That is me. I am like some people. I just want what is justly mine, not more and not less.

Thursday, February 11, 2010

Feb. 2010 NY blizzard!

Feb. 10, a dusting of snow turns to light flurries. Wind starting to pick up, but still quiet. Streets practically empty. No joggers nor dog walkers in the park. Why? It's kinda cold, that's why. Normally, dog walkers are out there, no matter what.

These shots were taken from my north window. Notice the white car: it gets covered with snow as the storm gets closer and stronger.

Click image to enlarge.




Below: my neighbor getting some equipment out; snow blower, pruner, etc to clear his sidewalk. My neighbor's pine tree broke a branch due to the heavy snow. By the time they finished working on it, the snow had started to cover my window as well.



Below: Images of the other side of the street, before and after a plow truck once over. Checkout the sidewalk with plowed snow.



Below: The following morning. It stopped snowing early morning and this is what the blizzard left. That there on the left is my neighbor's pickup truck. Front and right is my garage and the blueberry shrubs that are weighted down by the wet snow. The snow on the ground is a foot or so thick. A lot of work is waiting for me.



Boy Oh boy, I did a lot of shoveling(sorry no pics. There's no one to take them.): My driveway and the sidewalk. Tell you what, if you are looking to buy a house, think twice before getting a corner house. It's a lot of work, I tell you. A lot of work.

Tuesday, February 09, 2010

Ma-der Philippines.

Malapit na eleksyon sa Pilipinas. Marami ang umaasa na magkaroon ng panibagong palakad sa Gobyerno. Mayroon ding kaunti diyan ng nagwi-wish na manatili sa kapangyarihan ang kaslukuyang naninirahan sa Malacanang. Ang sabi nila, bakit pa palilipatin ito kung babalik rin naman pagdaan ng ilang buwan? Isa pa baka naman hindi na kailangan bumaba dahil kailangan magka martial law sa gulo ng panahon. Dagdag dito, na tiyak na magulo, kung hindi madisgrasya ang eleksyon. Hindi nga ba marami ng babala diyan na maraming pagkukulang sa preparasyon ang Comelec sa darating na halalan?

Kung sakali mang matuloy ang eleksyon, sino naman ang bobotohin mo? Sabi da, karamihan raw, kung hindi lahat ng tumatakbo ay magnanakaw. Yung isa sa top sa listahan, si Mr. C5, ay according to charges, ay nakapagnakaw na ng bilyun-bilyong piso. Paano nga naman pag nakaupo na? Sa gastos nito sa pagbili ng eleksyon at boto, parang vacuum cleaner ito humigop ng bawi.

Teka, yung anak ng dilaw movement, yung sikat ng araw na nagbigay liwanag sa mga sawi ng panahon ni super world war 2 hero. Number one siya sa SWS survey dati (pumatas na si Mr. C5). Siya kaya? May mga issue daw yan - binata at may kapatid na kerengkeng. Ano naman kung kerengkeng ang kapatid, e artista yun? E, basta raw, baka gawaing tambayan ng mga artista ang Malacanang. Paano e di paano na si Juan dela Cruz? Siempre, mahiyain yun, e di magtatatlong isip yun bago lumapit sa Malacanang. Aba e tahanan ng taumbayan yun, diba?

Si Erap kaya? Maherap kung si hErap. Dinadaan ng nga sa rap, di pa rin puwede.

Si Gibo? Ang tinaguriang: 'GMA's Interest Before Others' candidate. No can do!

Yun pang iba? Sa totoo lang pare-pareho silang lahat. Mas bulgar lang yung iba at ang ilan ay bistadong may record na ng katiwalian na alam mo ng di dapat botohin. Sa walo o siyam na tumatakbo, mayroon ng isa o dalawa na may totoong layunin para sa sambayanan, relatively. Suriing mabuti kung sino ang makapagbibigay ng bagong umaga sa ating bayan at mamamayan.

Isipin mo na kailangan ka ng bayan. Kailangan ng bayan ang tinig mo. Kailangan magsalita ka. Kailangan bumoto ka. Kailangan ka ni Ma-der Philippines.

Saturday, January 09, 2010

Back to normal.

Tapos na Christmas holidays. Balik na sa dating gawi. And, just like last year, lets put to good use the Christmas presents we received. Yes, let's be thankful, too.

Actually, I did not get anything for Christmas this year. That's ok. However, I think I will give myself something. Wow, giving yourself a gift is the best. For one thing you know what you like and most likely you are more inclined to stretch the budget, right?

I will let you know how it goes. Maybe...

Tuesday, December 01, 2009

Pasko na naman.

Ano? Pasko na naman? Ano pa, e di Pasko na naman nga!

Tanong sa akin ni Kulasa: Kulas, ano ang gusto mong regalo ko sa iyo ngayong Pasko? Gusto mo ba ng recliner na upuan? "Ewan, di ko pa napag isipan kung anong regalo ang gusto ko," ang sagot ni Kulas.

Kaso nito e alam na ni Kulas ang gustong pamasko ni Kulasa. Marahil sa di sinasadyang pagdulas ng dila e nabulgar niya ang nais niyang pamasko. Hindi agad pinansin ni Kulas ng marinig niya ito, at sa kanyang hinala, nakalimutan na ni Kulasa na nabangit niya ang gusto niyang pamasko. He, he, he, malamang na magugulat si Kulasa sa araw ng Pasko, ang sumaisip ni Kulas.

Malapit na, hindi ba? Twenty-three days na lang Pasko na. Teka, e paano na yung sa akin? Ano kaya ang magandang pamasko para sa akin?

Hmmm...

Tuesday, November 17, 2009

General Pasan-pasan


Sent to me via e-mail: A picture of an American officer, wading the waters and a Filipino General, riding piggy back on a local man in read tank tops. The name of the General is not disclosed.

The caption on the picture said something to the effect that what the Pinoy General is doing in the picture depicted is setting an example on how to fight the war against the Abu Sayaf!

Tuesday, October 13, 2009

Fall na.

Tapos na Summer.

The autumn leaves drift by my bintana. And sooner than later malaking trabaho na naman ang maglinis nito. Last year, twenty 50 gallon leaf bags ang napuno ko. Ngayon, marahil ganoon din ka dami. Actually, tinabas ko yung puno sa tapat namin, pero dahil sa maulan na tag-init, ang bilis tumubo at kumapal ng dahon.

So, another Summer passes by. Fall is here and Winter follows. What, another year na naman ang palipas? Teka, magpa-pasko na naman!

Sunday, October 04, 2009

???




Sino'ng bumura ng post dito?





Wednesday, August 05, 2009

Timeout po muna.
Masyadong maulan dito sa amin ngayong summer na ito.
Hmmm, bakit kaya?
El nina, El nino ba o ano pa mang epek ito - Malamok!

C U in September when summer is gone.

Monday, June 29, 2009

Ang Palabok ni Claring.

Pinay na pinay ang kanyang tayo. May kaunting bahid ng tisay dahil sa ilong niya na medyo matangos. Wala siyang bahid ng Intsik. Bilog ang kanyang mga mata at tunay na kayumangi ang kanyang balat. Sa wari ko 5'2" - 5'4" ang taas niya at medyo may kalusugan ang katawan(masarap bagang pisilin.)

Hinde ko na masiguro ang pangalan niya, ngunit sa aking ala-ala bagay na bagay ang pangalang Clarita sa kanya. Tawagin na lang natin siyang Claring, ang kusinera ng dati kong paboritong karinderia.

May neckerchief siya ng una kong makita. Naka ponytail ang kumikislak niyang maitim na buhok. Umiilag ang kanyang tingin sa akin ng alukin niya ako ng gusto kong pagkaini. "Ano po ang order niyo, sir," ang bati niya. Hindi ako nag aksaya ng panahon, "may palabok ba kayo?" ang tanong ko. "Igagawa ko po kayo, sir," ang sagot niya.

Saka ko pa lang nasuma na siya pala ang kusinera sa sagot niyang iyon. Actually, para sa akin, hinde naman siya mukhang kusinera sa gayak niya(medyo over dressed sa tingin ko) para sa isang kusinera.

"Masarap ba?" ang tanong ko. (Alam niyo, paminsan-minsan may pagka-engot itong si Kulas kung magsalita. Ano ba namang tanong yan sa isang kusinera - "Masarap ba," asus.) Anyway, ngumiti siya sa akin at matuksong sumagot,"sasarapan ko po, sir." Hehehe, nadiyahe si Kulas sa sagot na iyon at mabilis na sumukli ng pinaka-simpatikong ngiti na makakayanan niya.

Nasa lasa ang katibayan.
Kakaiba ang palabok ni Claring. Ang hilaw na itlog sa ibabaw ang una kong napansin. Bihon ang pancit niyang ginamit sa halip na tunay na pampalabok. Hindi masabaw ng luto niya at tama lang ang sahog. May kaunti pang tinapa sa tabi imbis na bacon na ginagamit ng karamihang karindirya dito.

Nanatili si Claring sa tabi ko habang hinahalo ko ang palabok. "Gusto po ba ninyong pigaan ko ng kamasi, sir," ang alok niya. Dumikit ang balakang niya sa braso ko at naamoy ko ang sabon niyang ginamit sa pagligo. Wala siyang iba pang pabangong gamit, ang sumaisip ko. Ramdam ko ang himig ng kanyang pag-hinga habang pinagmamasdan niya ako (imagination ko lang kaya iyon?) Kung saan na patungo ang isip ko ng, "hoy, ano ba? Pakainin mo na ako!" ang angal ng nag-iingay kong tiyan.

Si Claring o ang palabok.
May kasabihan na sa tiyan ang daan papunta sa puso ng isang lalaki. May katotohanan kaya ito? Dumalas ang dalaw ko sa karindirya ni Claring. Lagi na lang palabok ang order ko, at kung wala si Claring, hindi na ako omo-order - saka na lang ika ko.

Ang sabi ng kaibigan ko, masarap daw ang palabok ni Claring, puwera yung hilaw na itlog. Para sa kanya, hard boil daw ang mas maigi (itlog na maalat pa nga daw, kung maari.) Kaya, tanong niya: si Claring ba o ang palabok?

Aba, kung wala si Claring e wala rin ng palabok, hindi ba?

Dito siya nagsimula.

Thursday, June 18, 2009

Si Henry.

Ang tatay ni Henry ay Amerikano at ang nanay niya ay Pinay. Para sa mga batang tulad ko, mamisteryo ang malaki at maputlang tatay niya na laging naka sunglasses - akala ko nga e piloto. Sa totoo lang di ko alam kung ano ang trabaho nun at hindi naman nababangit ni Henry. Pansin ko lang na tuwing umuwi ang tatay niya sa bahay nila, may kung ano-anong pasalubong ito. Wow, ang isip ko, napakasuwerte naman ni Henry, lagi na lang may surpresa mula sa tatay niya, samantalang itong tatay ko pang arkila lang ng bisekleta pahinog muna ako bago bigyan. Talagang mahal siya ng daddy niya!

Isang araw nakita ko na umiiyak si Henry. Akala ko e nakipagaway. "Henry, bakit, ano ang nangyari?" ang tanong ko. Galit na binalabag ni Henry ang bisikleta niya sa lupa. "Ayoko na ng bisikletang ito!" ang sikad niya. "Bakit?" ika ko.

Lumuluha si Henry habang nagsasalita,"Kinausap ako ng daddy ko, Kulas. Sabi niya, Henry, lahat ng bagay na ibinigay ko sa iyo ay galing sa sariling pera mo na isininubi ko para sa iyo. Henry, dapat alagaan mo ang mga bagay na ito dahil uuwi ako sa Amerika."

Wapelo! Wala akong nasabi, ngunit nakapagtataka? E, bakit naman uuwi sa Amerika yun na di sila kasamang mag-ina? Hindi ko na naitanong upang malinawan ang sinabi ni Henry dahil madali siyang tumayo at bilis-bilisang nagbisikletang humaripas papunta kung saan.

Ok, ok, siempre naman, ingles ang salita nung markanong mama, pero tagalog ang pag- kuwento ni Henry. Ok, ok, dahil hindi naman magaling mag-ingles si Henry noon, marahil, ineksplain ng nanay niya ang sinabi ng tatay niya. Ok...

Marahil may di pankaraniwang dahilan ang pag-uwi o pagbalik sa US ng tatay ni Henry. Maari din na may kinalaman sa relasyon ng mga magulang niya. Ngayon isipin, hindi nga pala ma-susyal ang ina niya tulad ng mga nanay naming mga makakalaro.

Bakit nagalit si Henry? Malamang dahil ito sa pag-uwi nga tatay niya. O baka naman dahil permanente ang paalam sa kanya. May iba pa sigurong dahilan, pero, ano malay ko noon? Totoy lang si Kulas, walang karanasan sa mga bagay-bagay na opisyo ng mga matatanda.

Anyway, matagal kaming di nagkita ni Henry mula noon. Para bang umiiwas siya sa aming barkad. Hinde ko na nalinawan kung ano ang nangyari. Nalaman ko na lang isang araw na huminto na siyang mag-aral(sa pribado pang paaralan pumapasok si Henry) at nagtatrabaho na siya kung saan.

Maagang nag asawa si Henry at ang mga expectations sa kanya, mula sa impression sa kanya noong bata pa kami as in the most likely to succeed, ay hindi nangyari.

Nga naman, maaga siyang pinalayaw ng kung ano-anong bagay na wari ko ay pakita ng pagmamahal. Itong tatay ko, manilaw-nilaw na ang puting kameseta ko bago mabigyan ng ilang piso na pang-sine, kahit na ng gugulpe, e matatag naman na lagi nandiyang umuuwi.

Saan ka pa?