Sunday, December 14, 2008

Pektus!

Sa mga dumaang taon papasok pa lamang ang Disyembre inaasikaso na ni Kulas ang listahan ng kanyang mga papaskuhan. Binibigyan niya ng pag-iisip ang mga hilig ng kanyang mga kaibigan at kamaganak. Sa ganitong paraan naniniwala siya na kahit hindi mamahalin ang kanyang pamasko, magugustohan nila. Walang duda ito. Napatunayan niya na ito sa mga dumaang taon.

Mabangit ko lang na hinde ako naniniwala sa mga nagsasabi na kahit na ano ay maaring panregalo – na sapat na ang may mai-abot ka. Para kay Kulas mas mabuti pa ang wala kaysa mayroon na wala namang kabuluhan. Siyempre, iba yung magpasalubong ka ng para sa lahat tulad ng pagkain, halimbawa. Pero, sa mga personal na bagay, kailangang may kahalagahan ang regalo mo sa hinahandugan.

Nawari ni Kulas ito sa sariling niyang karanasan. Sa kanyang paglaki wala siyang maala-alang ragalo na tunay niyang napusuan. Lagi na lang mintis o daplis ang dating! Sa kung ano pa mang dahilan na hinde niya maunawaan, kahit na sabihin niya ang bagay na gusto niya, hinde pa rin niya ito makamtan. Kaya, sa kanyang paglaki, tulad ng kasabihan na "do unto others what you want others to do unto you, " binibigyan niya ng tunay na halaga at panahon ang kanyang handog. Hinde naman siya martir, ano. Ang katunayan may pansariling dahilan ito. Nagbabaka sakali lang na kapag kumalat ang ideyang ito ay talbugan siya at iba pang nilalang ng sinimulan niyang gawain.

Talbugan kaya?